Kabanata 32: Part 1

1.1K 47 2
                                    


Jayden's P.O.V

Nakasunod lamang ako kay Kuya Eros at patungo kami ngayon sa likod ng bahay. Pagkarating namin ay doon kami nagtungo sa isang mahabang upuan na may malaking payong, May swimming pool kasi dito at madalas lang na ginagamit tuwing may okasyon.

"Anong balak nating pag-usapan Kuya?" Ako na mismo ang naunang nagsalita at nagtanong sa kanya. Hindi manlang ito tumingin sa akin o binalingan manlang ako ng tingin. Hindi ko naman na dinamdam iyon dahil naiintindihan ko naman kung hindi niya pa ako kayang harapin. Hindi man kami magkagalit ng maghiwalay noong araw na iyon ay alam kong labag sa kalooban niya ang umalis at lumayo sa akin.

"Patawarin mo ako." Natigilan ako at nagulat ng sabihin niya ang mga katagang iyon, Akala ko ay magagalit siya o maglalabas ng sama ng loob dahil sa nangyari sa amin noong nakaraan. "Pasensya na kung naging makitid ang utak ko at hindi ko kayo inintindi noon. Masyado lang akong nagpalamon sa aking galit." Dagdag niya pa habang nakatingin sa itaas. Nakatitig siya sa kalangitan, Nakatingin sa mga bituin at sa buwan.

Ganoon rin ako, Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi bagkus ay naghintay lang ako sa mga sunod niya pang sasabihin. Ang ganda ng tanawin ngayong gabi, Kitang-kita ang mga maningning na bituin kahit na medyo maulap.

"Sobrang naging makasarili ako at hindi ko inisip ang mga nararamdaman niyo. Akala ko ay dati ay hanggang pagtanda o hanggang sa dulo ay makakasama ko kayo, Lalo na ikaw. Akala ko hindi mo ako iiwan at nagugustuhan mo ang mga bagay na ginagawa natin noon." Ramdam ko ang pait sa kanyang boses at nang paglingon ko sa kanya ay napansin ko ang pamumula ng ilong niya at nagbabadya na ring tumulo ang kanyang mga luha. Dahil doon ay napatingala na lamang ulit ako sa kalangitan at nagsalita.

"Oo inaamin kong nagugustuhan ko ang mga bagay na ginagawa natin noon. Sa umpisa ay masaya, Ngunit habang tumatagal ay mas lalo kong naiintindihan na isang malaking pagkakamali ang naging desisyon nating iyon. At kapag nagpatuloy pa ay baka hindi na tayo makabitaw pa sa ganoong klase ng buhay." Mahaba kong litanya. Sana lang talaga ay maintindihan niya ang mga nais kong iparating sa kanya ngayon. Gusto ko nang maging maayos ang lahat, Walang gulo at walang problema.

Pagkatapos dito ay tsaka ko naman haharapin ang mga balakid sa magiging relasyon namin ni Nigel.

"Hahaha. Wag kang mag-alala hindi na ako manggugulo pa sayo. Hindi na muling mauulit ang ganitong pangyayari, Pinapangako ko sayo iyan." Nang muli ko siyang tignan ay nakatingin na ito sa akin at may ngiti nang mababakas sa kanyang labi. Nangingilid ang luha ko at ilang sandali pa ay hindi ko na ito napigilan at tuluyan nang bumagsak.

Lumapit ako sa kanya at yumakap ng mahigpit. Yumakap rin ito sa akin pabalik at binulungan ako na magiging maayos rin ang lahat.

"Ayokong mawala ka sa akin Kuya, Alam mong mahalaga ka sa akin." Tumutulo ang mg luha ko habang sinasabi ito. Siya ang lagi kong sandalan sa tuwing nalulungkot at may problema ako. Sa tuwing pakiramdam ko ay nag-iisa ako ay siya ang laging nasa tabi ko.

Hindi niya ako pinabayaan at lagi niya rin akong pinapangiti. Mahal ko siya hindi man ito katulad ng pagmamahal niya sa akin, Ay mahal ko pa rin siya na para bang isang nakakatandang kapatid. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya ang bagay na ito ngunit alam kong magiging ayos rin siya hindi man ngayon ngunit sigurado ako na balang-araw ay magiging masaya na din siya.

"Hindi naman ako mawawala sa iyo, Kailangan ko lang magpakalayo-layo muna sa ngayon at pagalingin ang sarili ko. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para sa susunod na magkita tayo ay maipagmamalaki mo na ulit ako." Muli akong naluha sa kanyang mga sinabi. Hanggang ngayon ay ako pa rin ang inaalala niya, Hanggang ngayon ay ako pa rin ang una niyang iniisip.

Yumakap ito ulit sa akin ng isa pang beses at nagpaalam na papasok na daw muna siya sa loob. Naiwan akong nakaupo dito sa labas at nagpupunas ng luha.

Habang nakatingin sa kalangitan ay nagulat na lamang ako ng may maramdamang may nakaupo dito. Si Tita Mariya.

"Tita." Mahinang sambit ko at ngumiti lang siya sa akin. Tumingala ito at tinignan rin ang mga bituin sa itaas.

"Alam mo bang alam ko kung ano ang ugnayan niyo noon ng Tito Calix mo?" Gulat at hindi ako makagalaw sa kanyang sinabi. Tila hindi pa prino-process sa utak ko at ilang sandali pa ay agad rin akong natauhan.

Napatayo ako sa gulat at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. P-Paano? Sinabi ba sa kanya ni Tito Calix? At bakit? Bakit niya sasabihin ang bagay na iyon na maaring maging dahilan ng kanilang pagkasira?

"I'm sorry Tita." Paghingi ko sa kanya ng tawad at yumuko sa kaniya. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa pagyuko ko ngunit nagulat na lamang ako ng maramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay.

Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakangiti ito sa akin at wala na akong ibang nakikita maliban doon. Wala ni isang galit, inis o lungkot manlang ang mababakas sa kanyang mukha.

"Wag kang mag-alala, Hindi ako galit." Nakangiting sambit nito sa akin at tinuro ang tabi niya. Tumango ako sa kanya at tahimik na umupo sa kanyang tabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko, Nahihiya ako at the same time ay nagu-guilty. Pakiramdam ko ay may napakalaki kong kasalanan sa kanya.

"Alam mo bang hindi siya nagdalawang-isip na aminin ang bagay na iyon sa akin? Ang sabi niya pa ay hindi ko daw siya matatanggap dahil sa mga pagkakamali niya." Nakangiti itong nagkwe-kwento sa akin. Hindi ko alam pero para bang wala siyang problema dito at tila ba okay lang para sa kanya na may namagitan sa amin nila Tito Calix at Kuya Eros.

"Hindi daw bagay sa akin ang tulad niyang maraming tinatagong sekreto. Ang sabi pa niya ay hindi daw sapat ang pagmamahal niya para sa akin para ipaglaban niya ako." Pagpapatuloy nito ngunit ngayon ay may naramdaman akong unting lungkot sa kanyang sinabi. Sobra pala ang pinagdaanan nila dahil sa akin, Dahil sa amin.

"Pero alam mo, Imbis na magalit sa kanya ay nakaramdam ako ng ginhawa. Dahil alam kong hindi siya naglilihim sa akin at sinabi niyang handa siyang magbago." Tinignan niya ako sa mata at hinawakan ang aking kamay. Nasa kamay niya lang ang aking tingin dahil hindi ko matagalan na tignan siya sa mata.

"Alam kong nagkamali kayo, Ngunit normal lang iyon sa tao. Nasa sa iyo na kung gagawin mo ito ng paulit-ulit o gagawin mo itong inspirasyon at gamiting gabay upang hindi na muling makagawa ng parehas na desisyon." Tahimik lang ako at walang masabi sa kanyang tinuran. Nagsimula ng bumagsak muli ang aking mga luha, Hindi ko deserve ito. Hindi ko deserve ang maganda niyang pag-trato sa akin.

"Patawad Tita, Noong sinabi ni Tito na itigil na namin ay agad akong pumayag. Alam ko kasing mali ang ginagawa namin at hindi na ito dapat ipagpatuloy pa." Umiiyak na sabi ko. Hinawakan nito ang aking magkabilang pisnge at pinunasan ang mga luhang nalalaglag mula sa aking mata.

"Hindi ako galit sayo o sa kahit kanino. Tandaan mo, Lahat tayo ay nagkakamali. Ang magagawa na lamang natin ay kumuha ng aral mula dito at maging better version ng ating sarili.

| ~ | ~ | ~ |

© RUSSENCE

The Hot Professor | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon