Knee Socks - Arctic Monkeys
●□●□●□●
"Tumigil kayo sa paghaharutan..." Tinignan ko si Rans nang nanggigigil siyang magsalita 'kina Sheki at Alice.
Kakatapos lang naming apat mag-breakfast at nandito na kami sa living room, kumakain ulit. Don't ask about the others, they're all still sound asleep. Hindi na pinagising ni Alice para daw masulit nila ang pahinga.
Wala raw kasing plano ngayon. Bukas na daw ulit mamasyal, kaya mag-iipon muna kami ng energy ngayon. For short, dito lang kami sa bahay at buong araw na magpapakatamad.
Nakaupo ang tatlo sa sofa habang ako naman ay nakaupo dito sa sahig, pinagmamasdan lang sila sa pagkukulitan.
Sumubo pa muna si Rans ng chips bago ituloy ang sinasabi niya. "At naiinggit ako."
Tinawanan lang namin siya. Ngumuso pa siya at tinulak ang dalawa niyang katabi. Sa lakas ng tawa ni Sheki at Alice, sana magising na ang iba.
We stopped laughing when we heard footsteps coming from the stairs. Napalingon kami doon para tignan kung sino ang bababa.
"Ingay ah, rinig ko na naman hagalpak mo Sheki." We saw Sela emerging from the stairs at lumapit sa amin. Kakagising lang siguro nito, bad mood agad. Umupo siya sa single sofa na katapat ko lang.
"Rans kasi, 'pag inggit, pikit." Pang-aasar pa ni Sheki kay Rans kaya nagtawanan na naman kami maliban kay Rans at Sela.
"'Eto rin si ate Alice makatili, akala ko may dumaang ambulance, eh." Mukhang lahat kami makakatanggap ng pagka-bad mood ni Sela, ah. Umagang umaga. Baka nagising talaga siya sa ingay namin kaya masama ang timpla ng pagkagising niya.
"Halika na nga dito Rans, ako ang lalandi sayo." Tawag ko kay Rans bago pa makaisip si Sela ng ibu-bully sa'kin. Hinila ko ang kamay ni Rans at pinababa siya dito sa sahig para magkatabi kami.
Dinilaan niya pa sina Alice at Sheki bago humarap sa'kin. "Sige, subuan mo 'ko baby." Pagpapa-cute niya sa akin.
Tumatawa naman akong kumuha ng chips dito sa mini-table sa harap namin at inilapit sa bibig niya. Sinubo niya naman ito habang nakangiti at yumapos pa sa'kin.
"Isang napakalutong na good morning sa inyo." Sela suddenly spoke kaya napatingin kami sa kanya. She's fake-smiling, talagang pinapahalata niya pa.
Uh-oh.
"Mars, 'pag selos, pikit." Pag-uulit ni Rans sa sinabi ni Sheki kanina at ngumiti pa nang nakakaloko. Binatukan ko naman siya.
"Aray mars! Mapanakit kang jowa, break na tayo." Hinawakan niya pa ang ulo niya para himas-himasin. Inirapan ko lang siya.
"Rans, inggit kasi 'yon. Hindi selos. Tini-trigger mo si Abby, eh." Natatawang sambit sa kanya ni Sheki. Hindi ko nalang sila pinansin at bumaling kay Sela.