17. Day Six ▪︎|▪︎ Alone Time No More

64 8 0
                                    

Are You Bored Yet? - Wallows

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Are You Bored Yet? - Wallows

●□●□●□●

"Yeah, you always do that... to me."

"Huh?"

"I mean... yeah, gano'n siya."

"Abby!" I jumped a little because of Alice. Para akong nabalik sa aking wisyo.

"What?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Saan na naman nakarating 'yang utak mo? Sa Ventris North na naman ba?" I lightly growled at her. Inirapan ko na rin siya.

"Mali ka Alice, BNA48 ang iniisip n'yan." Natatawang gatong rin nitong si Rans.

"Para kayong baliw." Singhal ko sa kanila. Nginusuan ko lang sila.

"May bago bang recruit sa Kami 7 mo Abby?"

Inis na akong nakatingin ulit sa kanila habang nakakunot ang noo. "Pati ba naman ikaw, Marsela?"

Tumawa lang si Rans at Alice sa tanong ni Sela. Nagsama sama na naman sila sa pang-aasar sa akin. 'Pag ako talaga makabawi.

"Paano ba mag-apply Abby? I'm interested." Nakangising turan ni Rans. Napabuntong hininga nalang ako. Ayan na naman siya. Porket marami akong pagkain lagi sa cabinet, eh. Ako lagi ang napapagtripan. Speaking of...

"As of now, wala ka nang access sa mga pagkain ko Rans." I faked a smile to her.

"Subukan mong mag-apply Rans at maging isa sa mga babae ni Abby, hindi ka na talaga makakauwi sa Pilipinas. Ililibing na kita ng buhay."

Tumawa lang ulit sina Alice at Rans sa banta ni Sela. Isa rin itong si Sela, eh. Ang lakas rin makisabay sa mga trip ni Rans sa akin. Akala mo talaga... nevermind.

We're here at the kitchen, nag-uusap usap lang about random thinga, anything. Dahil wala kaming magawa. Apat lang kaming nandito. 'Yung iba nakakalat lang sa living room, nanonood ng movie.

"Oh, tama na kakanguso Sela. Loyal 'yan sayo si Abby." Natatawang sambit ni Alice. Bumaling naman siya sa akin. "Abby kasi, hindi ka pa ba magdi-dinner?"

"Busog na ako, eh. Don't worry Captain." Nginitian ko siya to assure her. She just sighed and nodded at me.

"Paano ba naman, binusog 'yan ni Sela kanina. Kung ano ano ang pinakain." Rans explained to Alice.

"Oo nga, buti nakakain ka pa ng dinner. Pareho lang tayo, eh. Madami rin akong pinakain sayo kanina, ah." Nakangiting baling ko kay Sela.

"Sana maranasan ko rin 'yan, special treatment galing kay Abby." Banat na naman ni Rans. Napabuntong hininga ako, kailan kaya sila magsasawa na asarin kami ni Sela sa isa't isa.

"Special ka na Rans, hindi lang kay Abby. Special child ka sa lahat." Nakangising pang-aasar ni Sela kay Rans.

"Grabe Abby, napakaselosa ng Sela mo, oh." Nilagay pa ni Rans ang kamay niya sa gilid ng kanyang bibig, gesturing a whisper, ang lakas naman ng pagkakasabi. Kaya wala ring sense. Halatang pinaparinig rin kay Sela.

Tumawa lang si Alice at hinawakan niya sa balikat ang katabi niyang si Sela. "Kalma ka lang Sela, lagi kang nakikipag-away, eh. Bawasan mo na kakanood ng UFC."

"Oo nga. Baka mamaya, makita niyo nalang akong nakabulagta 'dyan sa gilid. Cause of Death ko si Sela." Kumapit pa si Rans sa braso ko na parang natatakot talaga.

"Tumigil ka na rin sa paglandi 'dyan sa katabi mo, maybe I'll change my mind." Pinaningkitan ni Sela itong si Rans na nakakapit sa akin.

Napailing iling nalang ako habang silang tatlo ay malakas na nagtatawanan. Grabe 'yung jokes ni Sela, kapani-paniwala na.

"Sela! Where na you!? Halika dito!" Narinig naming sumigaw si Ecka galing sa living room. Sela just sighed and slowly stood up.

"Tara na nga, samahan natin sila doon." Pag-aaya na ni Rans at tsaka tumayo na rin. Sumunod siya kay Sela na papunta na 'kela Ecka sa sala.

Akmang tatayo na rin sana si Alice nang pinigilan ko siya. "Wait, Alice." Napatigil siya at nagtatakang tumingin sa akin. "Magpapaalam lang ako."

"Ha? Bakit?"

Alanganin ko siyang nginitian. "Actually, nag-rent ako ng car kanina. Gusto ko sana mag-midnight ride mamaya, me time lang. Isa 'yun sa bucketlists ko na gustong gawin dito sa Japan, eh."

I think almost all of us, gusto maranasan ang midnight roadtrip. Lalo na't nandito kami ngayon sa Japan, mas maganda ang mga tanawin. Gusto ko lang mag-isip isip. And I actually enjoy my own company, everytime. A date with myself will be refreshing.

"Mag-isa ka lang?"

"Hindi ko man matanggap Alice, pero shonda na tayo. Kayang kaya ko na ang sarili ko, ano ka ba." Nginitian ko siya para makumbinsi siya.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Midnight? Anong oras ka uuwi? Paano kung maligaw ka?"

"Basta bago mag-sunrise, 2 hours? At si google map na ang bahala, hindi ako maliligaw promise." I pouted at her.

She just sighed. "May magagawa pa ba ako? Eh, nakapagrenta ka na nga ng sasakyan." Napapailing siya habang nakangiti. I smiled at her shyly. "Basta mag-iingat ka. Hay nako, ako talaga ang malalagot 'pag hindi ka na nakabalik dito. Bukod sa mga boss natin, lagot rin ako kay Sela."

"Opo, Captain. I can take care of myself. 'Wag ka mag-alala, babalik ako ng buo." I smiled triumphantly. "Thank you, Cap."

●□●□●□●

"Baka mamaya mahigop mo na ako."

Oh, I didn't notice. Kanina pa pala ako napapabuntong hininga. And here I thought it'll be a time for myself, and I'll take myself on a date.

Why is she here with me again?

"Saan ka pupunta? Why are you wearing your cap?" I suddenly stopped walking and froze. Tumingin ako kay Sela at napakamot ako sa sa cap ko.

"Nagising ba kita?"

"No, akala mo ba tulog na ako?" It's dark, I can't see her face clearly right now. What am I gonna do?

"Marsela, late na ah. Bakit 'di ka pa natutulog?" Bumalik ako sa kama at tinignan siya nang may pag-aalala. Hindi ba siya makatulog? May problema ba siya?

"Kanina ka pa hindi mapakali sa higaan, paano ako makakatulog? I have a feeling that you might do something, am I right?"

I guiltily looked at her. "Sorry, naabala pa kita. You can sleep now, hindi na ako manggugulo. I'll sing you to sleep?"

"Don't change the subject, Abelaine. Saan ka pupunta, 'dis oras ng gabi? You're even wearing your jeans."

Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi talaga ako makakatakas sayo 'no?"

"So?"

Alanganin lang akong nakatingin sa kanya. I didn't know that I coudn't speak for almost a minute. I can barely see her srunched up nose, her eyebrows knitting.

"I'll go with you."

she confessed in osakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon