3. Day Two ▪︎|▪︎ Shinsekai

81 6 0
                                    

Somewhere Only We Know - Reneé Dominique

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Somewhere Only We Know - Reneé Dominique

●□●□●□●

"Alice, it's so pretty like me." Guess what, Sheki is the first one to break our silence. Kararating lang namin dito and we're all in awe, still appreciating the place.

"Tara guys, uwi." Bara naman agad ni Ecka. Sumunod naman kami na parang uuwi na talaga.

"Buti nalang dala ko ang mahiwagang ilaw. Alice! Picturan mo 'ko, ah." Sheki's still in her own trance. Napatingin naman ako sa hawak niyang LED light, with stand pa yan, ah.

Alice just sighed, siguro sumusuko na rin kay Sheki. Hindi na siya mababalik sa katinuan.

"Sheki, sama ako!" Mukhang nakaipon na ng energy 'tong si Sela. Ready nang magkulit. Napangiti nalang ako.

"Guys, pwede na tayong maghiwa-hiwalay. Basta bawal mag-isa ah, may kasama dapat." Alice instructed us.

"Paano kung maligaw kami?" Tanong naman ni Belle. Pero halata naman sa kanyang excited siya.

"Baliktarin niyo nalang damit niyo." Sabi naman ni Alice ng seryoso.

"Ha? Ah, ok." Biglang sabat ni Ella na parang multo. Lutang.

"And ito lang ang chance nating makagala freely diba, kaya 'di ko kayo paghihigpitan. Basta bumalik dito sa spot natin at 7:00 pm." Dagdag pa ni Alice.

We all agreed and naghiwa-hiwalay na. Hindi ko alam kung kanino ako sasama, but I can handle myself. Naglakad lakad nalang ako without seeing the other members.

"Ang loner naman Abby, hindi bagay sayo." Gia is suddenly walking beside me. Kasama niya rin pala si Ella.

"Alam kong mambu-buraot lang kayo kaya magsosolo nalang ako 'no." Sagot ko nalang while grinning teasingly. Tumawa naman si Ella.

"Grabe 'no, pinabayaan na tayo ni kapitana." Gia said habang umiiling iling. Ang drama naman.

"Kasama nila si Sela diba?" Tanong ni Ella. Oo nga pala, kasama nila Sheki at Alice si Sela. Na-miss niya siguro ka-bonding yung dalawa.

"Ah, oo. Right timing rin pala na late afternoon na tayo pumunta dito. Ang gaganda ng street lights, pati lights sa establishments and signs." Sagot ni Gia habang nakatingin sa paligid.

Parang sasama na talaga sila sa akin. Well, it's okay na rin. Bahala sila.

"Walang libre libre dito, ah. Umayos kayo." I made my eyes smaller, threatening them. Tumawa lang sila.

Aba, mga hindi takot sa batas.

Alice is right, maganda nga talagang tourist spot itong Shinsekai. Makikita mo talaga ang culture ng Osaka, or Japan itself. Parang mix of past and present ang theme nito, they both co-exist here at the same place and at the same time.

she confessed in osakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon