25. Day Nine ▪︎|▪︎ Just a Marsela is Enough

80 10 0
                                    

Sugat - Ben&Ben ft

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sugat - Ben&Ben ft. Munimuni

●□●□●□●

"Abby." Rans looked at me with her serious face. I don't know what she's thinking, precisely, but I do know that she's trying to understand me.

That's what I love about her. Knowing Rans, she's not as impulsive like me. She's empathetic, even for me, kahit na alam kong wala nang dapat na intindihin sa'kin.

"Rans, sampalin mo nga ako." Parang wala sa sariling utos ko sa kanya.

"Sure ka?" Tinaasan ko lang siya ng kilay, provoking her.

Magkaharap kami ngayon na nakaupo sa kama nila ni Sheki. Pinuntahan ko talaga siya dito sa kwarto nila para mambulabog. Pwersahan ko pa talagang pinaalis si Sheki dito, buti nalang effective ang pagpapalayas ko.

I didn't know what to do. No matter how impulsive I am, or how messy my mind works, alam kong si Rans lang ang lagi kong pinupuntahan. Siya lang ang nakakapagpa-ayos sa magulo kong utak.

With her by my side, it easily comforts me. Hindi naman ang advice niya ang kailangan ko, eh. Basta nandito lang siya sa tabi ko, okay na ako.

"Sabihin mo nga sa'kin Rans, user friend ba ako?" Napatawa ako ng mahina sa tanong ko. I don't know if I'll be guilty.

"Oo, but more on friends with benefits tayo." I turned to her scandalized. Nakangisi lang siya sa akin.

"Rans!"

"Diba? Friends tayo na nagbe-benefit sa isa't isa." She paused to laugh at my reaction. "Hindi iyon 'yung iniisip mo."

"Parang baliw naman kasi, eh." Pag-iinarte ko sa kanya.

"Kasi ako, lagi akong busog sayo. Sponsor kita ng mga pagkain, eh."

Tinignan ko siya ng seryoso sa mukha na ikinatingin niya rin sa akin. I raised my eyebrow at her and after a few seconds, we both laughed hysterically.

"So ano? Sa totoo lang gusto kitang sampalin. Kalimutan mo muna na magkaibigan tayo." She said to me after our laugh died down. Nginisian niya pa ako.

Sa halip na mainis sa kanya, napabuntong hininga nalang ako. "I think I really deserve a slap."

"Kapag sinampal talaga kita Abelaine, walang magsisisi ha?" Tinaasan niya ako ng kilay na parang tinatantya kung seryoso ba ako sa pagpapasampal sa kanya.

I scrunched my face at her. "Oo‐-Ackk!" Agad kong hinawakan ang kaliwang pisngi ko. Oh my God.

Napapangiwi ako, checking if I still have my teeth intact. "Oh, ano? Buti 'di ka nawalan ng ngi--ARAY!"

Hindi ko na rin siya pinatapos dahil ginantihan ko siya. Sorry, hindi pwedeng hindi ako makabawi at sobrang sakit talaga ng sampal niya.

We both looked at each other frowning. "Nahihibang ka ba!? Ikaw 'tong gustong magpasampal tapos babawi ka rin pala!?" Nanggigigil niyang sambit sa akin.

she confessed in osakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon