Each Time You Fall in Love - Cigarettes After Sex
●□●□●□●
"Mga bibe! Walang tukaan naman 'dyan!" I hastily removed my gaze at Sela after hearing the beaming voice of a familiar person.
Sela also recovered from her slightly shocked expression facing me at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Tumingin na rin ako sa aking likuran para tignan kung sino ito.
It's Rans, with Lara and Gabb. Nakita na pala nila ang tatlong wala kanina.
But... "Where's Brei?" I asked them. Silang tatlo lang ang nandito, nasaan kaya ang iba?
"Ayon, kasama ng iba sa baba. Sheki and Coleen's at the rooftop naman." Rans answered at lumapit na sila sa amin.
"May pahiwa-hiwalay pa po kayong nalalaman, dito rin pala punta niyo." Gabb's right. What an epic night.
"Gusto ni Tamago masolo eh, bakit ba?" Nagsalita ulit si Rans. Hindi ko nalang ito pinansin at inirapan naman siya ng isa.
"Ano 'te Abby, tara sa rooftop? Mas mahangin doon, mas wide ang view." Nagsalita na rin si Lara while inviting us.
Sumang-ayon naman kami ni Sela at sumunod na sa kanila papunta sa open-air deck na tinutukoy rin kanina ni Sela. She's unexpectedly quiet tonight, nagco-conserve na naman siguro ng energy.
"Yung mga naiwan sa baba, susunod raw sila. May binili lang ang mga patay gutom." Napailing lang kami sa sinabi ni Rans.
"Ba't nandito ka?" I teased, earning a smack to my arm from her.
"Huwag mo 'kong uumpisahang shonda ka."
●□●□●□●
Nakarating na kami dito sa rooftop at tama nga si Lara. Mas malawak ang view, mas maganda. There are a few people na nakatambay rin dito.
Nakita naman namin si Coleen at Sheki na nagtatawanan while they're enjoying the view in front of them.
Nilapitan namin sila, si Gabb at Sela ang nangunguna. Katabi ko naman si Rans at Lara.
We noticed that Gabb suddenly changed her posture. She sneakily walked towards the two who's unaware while we're just following behind her.
Hinawakan niya ang mga ito sa balikat at binulungan ng, "You'll float, too." Nilaliman niya rin ang boses niya for effects.
Sumigaw naman silang dalawa. Kami naman, nagulat rin sa sigaw nila. "Mama! Mama! Si It!" Dagdag pang sigaw ni Sheki.
Muli kaming nagulat sa biglang pagsampal ni Coleen kay Gabb. Ouch. Ramdam namin yun, ah.
Nahimasmasan naman ang dalawa nang mapansing si Gabb lang pala ito. Lumaki lang ang mga mata ni Coleen. Napatawa nalang kami, karma's a bitch.