Your Body Is a Wonderland - John Mayer
●□●□●□●
"Ay, pag-aari mo girl?" Dana asked teasingly to Sela.
Napangiti lang si Sela. "Kidding." Babawiin niya rin pala, but that's better. Mahirap na.
"Sayang naman." I heard Rans whispered beside me. Tss.
Napalingon kami sa biglang pagbukas ng pinto sa backyard. Tumambad si Gia na may dala nang maliit na papar bag. She's also smiling widely.
"Oh, Gia? Bumalik ka pa yatang Pilipinas, eh." Salubong ni Brei sa pagbalik ni Gia.
"Ano 'yan?" Bungad na tanong ni Sela nang mapansin niya ang dala nitong maliit na paper bag.
Lumapit naman si Gia sa tabi ni Sela. Busy pa rin kami sa pag-iihaw dito habang pinagmamasdan lang sila. Iniabot niya ang paper bag kay Sela kaya tinanggap naman ito ng isa.
"Para sayo 'yan. Nakita ko 'yan noong nasa Shinsekai tayo, kasama ko sila Ella at Abby." Napatingin pa sa'kin si Sela nang mabanggit ni Gia ang pangalan ko. "Alam kong mahilig ka 'dyan, sana magustuhan mo."
"Bakit wala kami? Bakit si Sela lang?" Hirit ni Sheki na akala mo nagtatampo talaga.
"Favoritism." Pang-aasar rin ni Lara kay Gia.
"Baka kayo magkatuluyan 'nyan." May kalakasang kantyaw ng katabi kong si Rans. Kanina pa 'to, eh. I have this tiny urge to bury her on the ground, kidding.
"Oo nga, sabihin niyo muna kung nagliligawan na kayo. Dapat may basbas muna namin." Napapangiting turan ni Alice pero mahahalatang seryoso ang mga mata nito.
"Para kayong baliw." Maikling litanya ni Sela, pero nakangiti 'yan. 'Pag sa akin inaasar, pikon na pikon. Parang luging lugi ang mukha.
Grabe talaga.
Kinuha na rin ni Sela ang laman ng paper bag, habang kami naman ay nakaabang lang sa makikita kahit na alam ko na kung anong laman. Mga dakilang tsismosa kami, eh.
And as expected, it's the necklace that Gia has bought kasabay ng binili kong relo sa antique shop noon. Again, alam talaga ni Gia ang mga hilig ng bestfriend niya. Kaya ayon, tuwang tuwa ang isa.
Akala mo first time makakita ng kwintas sa sobrang lawak ng ngiti. Pero worth it naman diba, kung ganyang mukha ang bubungad sayo. Nakakahawa ang happiness niya, eh.
"Reaksyon pa lang, oh. Oo na daw agad Gia!" Tawanan naman sila sa komento ni Sheki. Napangiti nalang rin ako habang tinitignan sina Sela at Gia.
"Alam niyo, bagay kayo." Tao sila, Brei.
Hinapit bigla ni Gia ang bewang ni Sela. "Crush talaga namin ang isa't isa." Natatawa niyang pahayag na ikinatili ng mga kasama namin dito. Oh?
So, they have this mutual "crush" with each other. Umamin pala si Sela? She's brave. Well, crush lang naman. It isn't like a big confession katulad ng "I like you" or "I'm inlove with you". It's just probably like a girl crush thing.