I Couldn't be More Inlove - The 1975
●□●□●□●
So, I have something—maybe it's nonsense but who cares—to share.
I am really fascinated by the ideas of parallel or alternate universe, wormholes and portals, past life and next life (yes, reincarnation), and of course, soulmates.
Although I don't really believe in them, but the ideas of them really interests me.
Siguro sa soulmates, naniniwala ako. I want to believe in those kind of things. I just really love the idea of two souls being interconnected. Like a destiny. When you meet your soulmate, you just feel it.
I'm a science believer and yet I'm spouting some non-science things. How ironic of me. But... just a thought, can't they coexist at the same time? Just because you don't understand something then you won't believe it.
They say, 'to see is to believe'. Before, I believe in that phrase—maybe some of you still believes in that, and that's okay. We have different perspectives—but now, maybe I now understand how the world works.
You can't see love, do you? But you believe in it.
Even though we don't really understand the true meaning of it.
Like how I don't understand at first my feelings, that's why I don't believe in it. And it makes it easier—that's what I thought. Sometime later, when I truly understand it, I tried to hide it.
"Marsela, sorry na~"
"Your pout won't help you, kurutin ko pa 'yang labi mo, eh."
"Nagandahan lang naman ako sa kanya, eh. Hindi ko naman siya kilala."
"Edi do'n ka! May balak ka pang kilalanin."
"Oi, 'di ko sinabi 'yan. Sabi ko lang hindi ko siya kilala."
"Stop hugging me, Abelaine!"
"Marsela kasi, sorry na. Ikaw pa rin ang pinakamaganda para sa'kin."
"Ah, talaga? Kaya pala kung saan saan napapadpad 'yang mata mo, eh—ba't ka tumatawa!?"
"Cute."
"I said stop hugging me! 'Pag makaalis lang talaga ako dito..."
"Love you, Marsela."
She's too good to be true.
"Ang creepy mo sa part na 'yan."
Agad akong sumimangot nang may magsalita sa gilid ko. I unbelievably looked at her. Grabe, nahanap na naman ako nito. Kahit saan talaga wala akong takas sa kanya.
"Ngumingiti ka mag-isa d'yan babe, nakakatakot na." Rans smiled teasingly at me.
"Babe?"
Bigla akong napalingon sa likod ni Rans. Kasama niya pala si Sela at Lara. And guessed who just asked that one-word question.
Oh.
Suddenly, I don't know how to act in front of her. I felt shy and maybe... giddy? I don't know. Para akong highschool student na first time nilapitan ng crush niya. Totoo pala 'yung ganoong pakiramdam. It's too cheesy.
"Ikaw ah, sino na naman 'yang iniisip mo? Share mo naman." Hindi na pinansin ni Rans ang tanong ni Sela kanina dahil sa walang tigil niyang pang-aasar sa'kin.
Agad akong umiwas ng tingin kay Sela nang umabot na ng ilang segundo ang pagtititigan namin. Hindi ko kinakaya. I just made a face at Rans. "Matatamaan ka na talaga sa akin."
"Ate Abby, saan na si Brei? Diba siya ang kasama mo?" Lumipat ang tingin ko kay Lara nang magtanong siya.
Ah, right. I almost forgot about her. Well. Agad kong itinuro ang isa sa food stores dito malapit sa akin. "Ayon siya, bumibili pa ng takoyaki."
Kulang daw ang binili ko, eh. Tss. Pero sabagay, kung iisipin ko talaga ang mga kasama namin lalo na... I'm gonna stop myself from name-dropping. I lightly chuckled.
"Luh, nababaliw na talaga 'to. Marsela pinapakain mo pa ba 'to ng maayos?" Pareho kami ni Sela na nagtatakang tumingin kay Rans. But when I looked at her face I just glared at her.
"Sela lang, Rans. Sela. Sela. Sela." May diin kong bigkas nang paulit-ulit. I raised my eyebrow and scowled at her. Ayaw kong may ibang tumatawag sa kanya ng Marsela.
Oh my God, am I being possessive? Gusto ko nang magpalamon sa lupa, or kaya mag-teleport nalang.
Tumawa lang siya ng malakas kasama si Lara. "Lagot ka, Rans." Natatawang turan ni Lara.
Pagkatapos tumawa ni Rans ay binelatan niya lang ako. "Edi don't."
"Attitude ka, girl?" Binanatan ko rin siya—without even realizing myself that I'm the one who's attituding right now—na siyang ikinatawa niya ulit kaya nakisabay na rin ako.
"Hoy! 'Andito rin pala kayo." Tumingin ako kay Brei na kakarating lang rin at may dala nang tatlong paper bags.
Kinuha namin ni Lara ang paper bags kaya wala na siyang hawak. "Sabi ko sayo bibili rin sila ng pagkain, eh. Ang dami na nito." Naiiling kong sermon sa kanya.
Parang gusto ko nang ibalik agad ang paper bag na kinuha ko sa kanya. Nadagdagan pa tuloy ang hawak ko.
"Para busog tayong lahat 'te. Walang agawan, gan'on."
Tumihkim si Sela kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Nang magtama na naman ang mga mata naming dalawa ay siya naman ang agad na umiwas ng tingin at parang nahihiyang napakamot sa kilay niya. "Tara na, guys."
That cute little habit that she does everytime. I sighed dreamily.
I knew she got me the moment that I first laid my eyes on her, I just didn't realize it until later on.