13. Day Five ▪︎|▪︎ Universal Studios Japan

56 7 0
                                    

Close To You - Carpenters

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Close To You - Carpenters

●□●□●□●

"Kinabog 'yung pisngi mo Sela, oh!" Napatingin ako kay Belle, nag-uumpisa na naman mang-asar.

"Uy, mahihirapan magpa-picture si Sela 'dyan. Magca-camouflage." Dagdag na rin ni Sheki na ikinatawa naming lahat. Ayon, may nagta-tantrums tuloy na bata.

Here in front of us, is this iconic globe na makikita lagi kapag pumupunta ka sa Universal Studios everywhere in the world. Actually, we've arrived here an hour ago. Ang ibang members, humiwalay na sa amin.

"Gia, tara 'dun sa Studio Gifts East shop. Iwan na natin 'yang mga hampaslupa." Sela suddenly said at inirapan pa sila Belle. Pikon talaga 'to kahit kailan, cute.

"Sama, sama!" Parang batang sunod ni Gabb kay Sela na nauna nang maglakad. Patakbo ring sumunod sila Sheki at Belle na nagpahinto kay Sela nang makita niya ang mga itong sumabay sa kanya.

"Ba't kayo nandito? Hmp!" Pagtataray ni Sela sa kanila na hindi nalang pinansin ng dalawa.

"Dito muna kami guys." I glanced at Gia when she spoke and waved at us. Napapailing pa siyang sumusunod 'kina Sela.

And here I am, stuck with Alice, Coleen and Rans. Kaming apat nalang ang natira dito.

"Ano? tara na. Bagal bagal pa, eh." Pag-aaya sa amin ni Rans.

"Ate Alice! Ride tayo 'dun sa may minion na sinabi mo." Parang excited na batang suggest ni Coleen kay Alice, kumapit pa siya dito.

"Ah, 'yung Despicable Me... Minion Mayhem. Tara." Alice easily agreed while checking her map. Grabe, magra-rides agad kami? Dapat pala sumama nalang ako 'kina Sela.

"Hay nako, baka maubos agad energy natin 'nyan Coco. Rides talaga agad?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Huwag ka diyan 'te, alam kong gusto mo rin." Well, 'di rin naman ako takot sa mga rides. Bahala na nga.

The two started walking kaya sumunod na kami ni Rans. Tumingin ako dito sa katabi ko.

"Ikaw Rans, sama ka sa rides?"

"Oo naman, basta kasama ka baby." Kumapit pa talaga sa braso ko, nababaliw na naman. I just gave her a blank expression, lalandiin na naman ako nito.

"Kadiri ka." I said while still looking at her blankly.

"Ang harot niyo, ah." Alice said teasingly while looking back at us.

"Pakipot pa kasi 'tong si Abby, eh. Ayaw pang bumigay sa'kin." Ngumisi pa sa'kin si Rans. Napatawa lang ang dalawang nasa harap namin.

"Kilabutan ka sa sinasabi mo Rans."

Tinawanan lang ako ni Rans at hinampas pa 'ko sa braso. Siya pa talaga ang may karapatang gumawa 'non, ah. "Kidding aside, pero ang ganda talaga dito 'no."

she confessed in osakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon