Sofia - Clairo
●□●□●□●
"Harry Potah!" Sheki looks around as if finding the person who's name she just shouted. Partida, with british accent talaga. Sheki's Edition 101.
By the way, napagkasunduan namin na magsama sama nalang kaming lahat. Tutal gabi naman na. Pero 'eto sila, ang tataas pa rin ng energy.
We're here at our last stop for tonight, The Wizarding World of Harry Potter. Actually, nabasa ko lang talaga siya dito sa may entrance. I wouldn't dare to memorize it, baka maubos pa ang space sa utak ko.
"Nandito ako!" Umeksena na rin si Ecka na galing sa gilid. Grand entrance 'kuno. Feel na feel niya pa ang pagkumpas ng wand niya. Wait, kailan pa nagtagalog si Harry Potter?
"At kailan pa nagtagalog si Harry Potter?" Same thought, Sela. Same thought. Thank you for speaking what's on my mind.
"Where's Hermione?" Nakisali na rin ang isa pang eskandalosang si Belle. Ang sarap nilang iwan dito. Sakit nila sa ulo, eh. By that thought, napatingin ako kay Alice. Well, mukhang siya ang pinaka-stress. Napangiti nalang ako.
"Hi guys, I'm Ron. Kumusta kayo? Long time no see." I just literally facepalmed myself. Hindi ko aakalain na makikiaali rin si Rans sa kabaliwan nila.
"Saan galing 'yang script niyo? At ikaw Ecka, mahiya ka naman kay Harry. Dudungisan mo pa pangalan niya. Mas bagay sayo si Voldemort, 'di mao-offend 'yun."
Well, she's Sela being... Sela. How to be savage like her? Hindi niya na rin siguro matiis ang mga kabaliwan nila kaya puro siya side comments.
"Ay, wow. Sumasapaw. Guys, bida bida si Snape, oh." Pang-aasar rin ni Ecka dito sa isa. Okay, baka mamaya magkapikunan na naman ang mga 'to. Napailing-iling nalang ako.
"Ecka!" Nanggigigil na sigaw ni Sela. Talo pikon talaga. Napatawa nalang kami.
Ba't ganoon, ang ganda niya pa rin kahit stress siya. Kung ako 'yan, mukha na akong haggard na constipated.
"Hala, ako nalang pala si James Potter. Tapos sino ba ulit 'yung asawa niya? Basta siya si Abby. Oh, diba? Karibal ko talaga si Sela. Atleast ako ang pinili." Panggagatong rin ni Rans. 'Etong si Rans, kanina pa siya sa mga ganyang banat niya.
I looked at Sela and she's really fuming right now, but still cute though. Pulang pula na rin siya. Lumapit ako dito para sana pakalmahin siya. Masyado siyang naii-stress, eh.
I held her waist kaya napatingin siya sa akin. Hinarap niya ako and she just pouted at me.
●□●□●□●
"Insenso!"
"Bonak! Anong insenso? Insencio!" Sigaw ni Belle kay Ecka.
"Insenso nga kasi!"