"Mag impake ka na ng gamit mo Alondra at susunduin ka na ni Don Manuel," utos ng nanay niya.
"Don Manuel sino naman yan Ma?"nagtataka nitong tanong.
"Basta mag impake ka na at magbihis. Huwag maraming tanong,"galit na sabi ng nanay nito.
Sinunod ni Alondra ang utos ng Mama nito kahit nagtataka kung sino si Don Manuel. Kararating lang nito galing ng school dahil nagsideline ito bilang make up artist sa isang kontestant. Tapos paiimpakehin na ito agad ng Mama niya. Ang daming katanungan sa isip nito. Tulad ng sino si Don Manuel? Bakit siya susunduin at saan siya dadalhin? Gusto man nito magtanong sa Mama niya pero hindi na niya ginawa. Alam kasi ni Alondra kung paano magalit ang Mama niya kapag nakulitan na ito sa kanya. Kaya mas mabuti nalang na manahimik siya. Sigurado sabunot at palo na naman ang aabutin nito.
"Alondra tapos kana ba? Andito na ang sundo mo,"maya't mayang tawag ng kanyang Mama.
"Pababa na po Mama,"magalang na sagot niya dito.
Kahit nalilito ay mabilis itong bumaba ng hagdan habang dala ang isang bag niyang damit. Malapit na siya sa sala nila ng makita niya ang isang lalaki na sa tantiya niya siguro nasa mga bandang 50 years old na ito. Kahit medyo halatang may edad na ito sa porma at pananamit masasabi mong gwapo ito.
"Alondra ayusin mo ang trabaho mo doon at galingan mo ha. Huwag kang pasaway lahat na pagagawa ni Don Manuel sayo susundin mo. Ayaw kong mabalitaan na may irereklamo sila sayo kung hindi malilintikan ka sa akin," xdpabulong na sabi ng Mama niya sa kanya.
Tumango lang siya sa sinabi ng kanyang Mama. Kailan ba siya sumuway sa mga utos nito. Lahat naman ng sasabihin ng kanyang Mama ay sinusunod nito kasi ayaw niya masaktan.
"Maganda ka Ineng. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo, "narinig niyang sabi ni Don Manuel.
Nakita niya na ngumisi ang kanyang Mama. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa kung ano man ang balak ng kanyang ina.
Ano kaya ang mangyayari kay Alondra at saan kaya siya dadalhin ni Don Manuel? Ano ang naghihintay sa kanya sa lugar na kanyang pupuntahan?
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...