Ngayon pabalik na si Alondra sa kompanya pagkatapos nila mag usap ni Don Manuel. Kaya pala mula ng umalis siya sa kanila Hindi manlang tumawag o nagtext Ang kanyang Mama. Malaki ang kasalanan ng kanyang Mama Menerba sa kanya pero sa tagal na magkasama sila minahal niya ito. Sa kabila ng kasamaang na pinapakita ng kanyang kinilalang Ina. Alam niya na may malaking rason ito kung bakit ganun siya nito ituring. Isa lang ang kasalanan nito ang nagmahal sa isang tao na hindi kaya suklian ang pagmamahal na inalay niya dito.
Pagdating sa harap ng kompanya ay mabilis lumabas ng sasakyan si Alondra gusto niya na matapos ang kanyang trabaho dahil gusto na niya makauwi s bahay ni Zandro. Gusto niya makausap ito kaya pala iba Ang epekto ni Zandro kapag kasama niya ito feeling close pa nga ito. Dahil totoong close pala Sila mula pagkabata . Maybe they didn't grow together but their heart know each other. When Alondra meets Zandro first she doubt herself why he always on her mind. The image of Zandro always bothering her when she close her eyes. She felt that she have known him that they have meet from the past. The moment Zandro hold his hand during hand shake she feel the electricity. Lalo na kapag hinahalikan siya ng lalaki pakiramdam ni Alondra lumulutang siya. Isa din sa pinagtataka niya ay ang pagpapaubaya sa ginagawa ni Zandro sa kanya dahil kung sa ibang lalaki iyon baka nalumpo na niya. Kaya pala marupok siya pagdating sa lalaki dahil mula pagkabata itinakda na pala Sila para sa isa't isa.
Habang papasok si Alondra sa entrance ng kompanya nagtataka siya sa mga tao dahil may tinitingnan Ang mga ito sa gawi kung saan nakapwesto Ang mga upuan para sa mga may hinihintay na bisita. Nang tiningnan niya ang gawing iyon nakita niya si Zandro na mukhang balisa dahil sa kakalakad nito ng pabalik balik at saka uupo at tayo uli at lakad uli at sabay tingin sa entrance ng kompanya. Nang makita siya nito bigla itong natigil at parang estatwa lang na nakatayo at nakatingin sa kanya.
"Zandro is same as Zandro lagi parin ito nakatulala kapag nakatingin sa kanya,"anang isip ni Alondra. Naglakad ito papunta kay Zandro na nakangiti. She really miss him pero hindi siya dapat magpahalata. Kaya naglakad lang si Alondra in a normal way habang nakatodo ngiti palapit kay Zandro. Handa na siyang batiin Ang kababata ng bigla nalang niyakap siya nito.
"My only sunshine,"sabi ng binata sabay yakap kay Alondra ng mahigpit.
Narinig ni Alondra ang pagsinghap ng mga tao sa paligid siguro nabigla Ang mga ito sa nakikita nila lalo na sa isang super strikto na boss na may kayakap na babae.
Hindi na pinansin ni Alondra ang mga tao sa paligid nila niyakap niya din pabalik si Zandro."Zan zan,"tanging salita na nasabi niya dito.
"Yes my sunshine,"sagot ni Zandro dito.
Ngumiti si Alondra dahil sa narinig na sabi ng binata. May naisip siyang kalukuhan kaya kumalas ito sa pagkakayakap sa binata at biglang sinipa ito sa tuhod.
"Ahh, Alon naman eh. Ang sakit bakit ka ba naninipa,"sabi nito sabay daing dahil sa sakit na nararamdaman.
"Dahil may kasalanan ka sa akin kuya Zandro,"nakataas kilay nitong sabi sabay talikod kay Zandro para pumunta sa elevator.
Sa totoo lang kanina pa siya nahihiya agaw atensiyon na nga ang ginawang pagyakap sa kanya ni Zandro mas lalo na pagkumpulan Sila ng tsismis kung magtagal pa sila sa ganung posisyon .
Binilisan ni Alondra ang lakad papunta sa elevator at si Zandro naman ay habol habol din sa kanya habang paika ika.
Halos lahat ng nakakita sa dalawa ay gustong tumawa ngunit pinipigilan lang nila. Kaya halos lahat tuloy na nakakasalubong ni Alondra ay kagat kagat ang mga labi ngunit nakikita naman ang paglobo ng mga pisngi dahil sa pagpigil ng tawa.
Ngayon lang kasi nila nakita na ganun ang kanilang boss parang bata na naghahabol sa nagtitinda ng ice cream ang itsura.
"Alon naman eh, wait for me,"habol nito sa dalaga.
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...