Chapter 11

28 2 0
                                    

Sobrang saya ng pakiramdam ni Alondra na ngayon meron siyang nahanap na kaibigan na katulad niya.Na kung k minsan meron ding sariling mundo. Hindi niya lubos akalain na mahilig din pala sa Wattpad si Sasha. Sa unang tingin mo nga dito hindi mo masasabi na my ganun siyang side na isa din itong bookworm. Na isa din pala itong kalog at adik sa wattpad na tulad niya at ang mas nakakatawa possessive series din paborito niyang basahin. Akala niya super serious ito at strict ng makita niya kanina sa front disc ng kompanya. Tapos super ganda niya na akalain mo sa unang tingin ay isa itong model. Matangkad din kasi ito sa tantiya na nasa 5'5 ata ang height ng babae. Super sexy din ito kahit simple lang ang damit. Nakasuot ito ng black shirt at pinatungan ito ng black blazer at naka pencil skirt plain ito na above the knee at may slit ito sa bandang gilid na siyang dahilan kung bakit nakikita ang halos kalahati ng kanyang mga mapuputing hita. Dapat pala mga ganyang damit ang sinusuot niya dito sa kompanya. Nagpalinga linga si Alondra at nakita niya na halos lahat na mga employees na nakikita niya ay katulad kay Miss Sasha ang style ng mga kasuotan nila. So kung hindi pala siya nagbihis at malaman na empleyado din siya dito sa Del Mundo ma out of the fashion pala talaga siya. Kaya ba inorderan siya ng damit ni Zandro kasi baka mapahiya siya sa sinuot niya kanina.

"Naku Alondra umayos ka. Hindi iyon concerned sa iyo baka nakokonsensya lang iyon kasi kinuha niya panty mo. Kita mo nga inorderan ka pa,"sabi nito sa sarili.

Nakahanap sila ng pwesto na mauupuan sa dulong bahagi ng canteen malapit sa salamin na wall ng building. Dahil sa glass wall ito nakikita nila ang tanawin sa labas.
Perfect ang pwesto nila para sa chikahan nilang dalawa kasi malayo sila sa mga taong nasa loob ng kantina.

Sa isang Filipino restaurant sila nag order na ang mga specialty ay ang mga pagkaing pinoy. Isa sa mga paborito ni Alondra na pagkaing pinoy na ulam ay ang sinigang kaya ito nalang ang inorder niya at isang serve na kanin. Nagtubig nalang siya para makatipid baka kasi sobrang mahal ng presyo nito kasi nasa social place ang restaurant.

"Iyan lang ang oorderin mo?"tanong sa kanya ni Sasha.

Napakamot sa ulo si Alondra dahil sa tinuran ng kasama. "Paano kasi Miss Sasha baka mahal ang mga bilihin dito kaya baka mapahiya ako kung kulangin ang pera ko pambayad sa pagkaing oorderin ko kaya yan lang muna."

Napailing na lang si Sasha dahil sa sinabi ni Alondra. Tumayo ito sabay lakad at siya na ang pumila para sa  inorder nilang pagkain. Siguradong masusurprise si Alondra sa mga pagkaing inorder niya. Kaya nakangiti ito na bumalik sa inuupuan nilang pwesto ng matapos ito umorder.

"Lets wait for 15minutes and they will serve our food Alondra,"sabi nito na nakangiti.

"Super thank you talaga Miss Sasha ha. Buti nalang at nakilala kita kung hindi baka mag isa lang ako at walang kausap sa ngayon. Baka nga lalabas pa ako ng building para doon mananghalian  para makatipid hehehe,"natatawa nitong sabi.

"Baliw,"saad nito sa sinabi ni Alondra.
"By the way kanina ko pa napapansin na panay Miss Sasha ang tawag mo sa akin. Hindi ba sabi mo kaninang umaga na Kayah ang itatawag mo sa akin,"seryoso nitong sabi.

"Umuo ka ba Miss Sasha? Baka kasi magalit ka kapag ganun tawag ko sa iyo eh. Mostly kasi sa mga pinagtatrabahuhan ko o sa mga raket na ginagawa ko formal ang tawagan,"sagot ni Alondra dito.

"Hindi ba sabi ko kanina ako ang maging friend mo dito kaya no need formality. Kaya from now on call me Kayah at ako tatawagin kitang Alon,"sabi nito sabay kindat.

"Alon as in alon in english wave ganun ang weird naman,"naiiling nitong sabi dahil sa kalukuhan na naisip ng bago niyang kaibigan.

"Maganda nga iyon eh kasi halimbawa magkita tayo na hindi sinasadya tapos hindi mo ako napansin eh di tatawagin kita. Hoy,Alon!wave naman diyan. Tapos mapapansin mo ang tawag ko at sasabihin mo. Oyy,Kayah!oh  'di ba ang ganda pakinggan tayo lang may ganung tawagan,"parang gumagawa ng eksena sa isang pelikula nitong sabi.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon