Chapter 26

27 2 0
                                    

Mas lalong kinabahan si Alondra ng akmang magsasalita si Don Manuel sa kanya. Ang daming katanungan sa isip niya isa na doon ay ang pagtulong sa kanya ng Don at ang pagpapatira nito sa kanya sa bahay ni Zandro.

At ngayon isa isa na lumilinaw sa kanya ang dahilan habang ikinikwento ni Don Manuel kung paano siya nagduda ng una siya nitong nakita hanggang sa nakompirma nito ang hinala na siya ang batang babae na matagal na nilang hinahanap ni Zandro.

"15 years before we found you Alondra. Sa loob ng labing limang taon hindi kami tumigil sa kahahanap sa iyo. Ngayon na natagpuan ka na namin sobrang saya ko mas lalo na siguro si Zandro. Alam mo ba mula ng mawala ka isang buwan na hindi makausap at makakain ng maayos si Zandro. Lagi niya sinisisi ang sarili niya dahil sa pagkawala mo kaya nagdesisyon kami noon na dalhin siya sa America para malimutan niya ang nangyari. Buti at naagapan agad at gumaling din siya sa mild depression niya. That time Zandro suffer mild depression he was mad all the time. Nawala din ang tiwala niya sa kanyang sarili at lagi nalang sinisisi ang kanyang sarili kapag may nagawa na mali kahit hindi niya sinasadya minsan. Hindi na rin siya masyadong lumalabas ng bahay pati nga mga activities na dati niyang ginagawa ay inaayawan na niya. He lack of motivation and he have insomnia, also sometimes he tell us that he feel aches and pain in any parts of his body but if we go to visit the doctor for check up their is no cause of his pain. Lagi din siya nawawala at umaalis ng bahay dati at lagi namin siya natatagpuan sa bahay kubo sa park kung saan ka nawala at nakahiga lang siya doon at umiiyak. Kapag pinapauwi namin siya nagwawala siya kasi babalik ka daw doon kaya dapat doon lang siya para hintayin ka. Awang awa Ako kay Zandro that time,"naluluhang sabi ni Don Manuel.

Dahil sa nalaman napapaiyak din si Alondra. Hindi niya lubos maisip ang sakit na pinagdadaanan ni Zandro.

"Pero paano mo ako nakilala Don Manuel?"tanong ni Alondra.

"Nakita kita sa isang restaurant sa Makati doon ka ata nagtatrabaho o isa iyon sa mga part time job mo. Una palang napatingin na ako sa iyo at nagduda. Kamukha mo si Alora kapag nakaharap at kahawig mo din si Menandro kapag naka side view ka. Pasensiya kana iha umpisa noon lagi kita pinasusundan at inimbistigahan kita ng palihim at tama ang hinala ko. Lalo na ng malaman ko kung sino ang kinikilala mong Ina si Menerba ang step sister ng iyong ama. Sobrang saya ko ng malaman na ikaw ang nawawalang anak ni Alora dahil sa wakas natupad ko ang pangako ko sa mga kaibigan ko bago sila nawala na hindi ako susuko na hanapin ka hanggang sa mamatay ako. And thanks God dahil sinagot niya ang lagi kong panalangin. Medyo natagalan nga lang dahil iniba ni Menerba ang apelyido niya at umalis kayo dito sa Manila.
Pero nang malaman ko kung saan ka at kung paano ka pinahihirapan ng mama Menerba mo nagdesisyon ako na kunin ka. Kinausap ko si Menerba at doon isinaysay niya sa akin Ang lahat. Kaya nagpasya ako na kunin ka at dahil  you suffer from amnesia at hindi mo kami naalala kinausap ko si Menerba na kunin kita para magtrabaho sa akin. Hindi kaya tutulan ni Menerba ang desisyon ko kasi sinabi kong ipakukulong ko siya  kung hindi ka niya ibibigay sa akin. Kaya wala siyang magawa kundi ang pumayag nalang sa gusto ko,"tuloy kwento ng Don.

Nakikinig lang si Alondra habang panay tulo ng kanyang luha. Kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyidong del Mundo parte pala ang mga ito ng nakaraan niya. Lalo na si Zandro kaya pala malapit ang loob niya dito.

"Don Manuel sa totoo lang po hindi naman ako nag ka amnesia eh. Siguro natrauma ako ng isang buwan kaya hindi ako nakapagsalita noon. Pero habang nagtatagal naalala ko sila mommy at daddy,"naiiyak nitong kwento.

"Eh kung ganun bakit hindi mo kami naalala. Nang magkita tayo o kahit si Zandro hindi mo nakilala,"tanong ng Don.

"Sa sobrang tagal ng panahon nawala na sa isip ko ang mga alaala sa mukha niyo. Bata pa ako noon tanging isa lang ang tumatak sa isipan ko. Zan zan Ang batang lalaki na laging nasa panaginip ko. Ang batang lalaki na laging nagcocomfort sa akin. Ang laging nagpapatawa sa akin kapag umiiyak ako,"nakangiti nitong kwento.
"Ang weird nga eh kasi kahit nasa ganito na akong edad at nalulungkot ako siya prin ang nagpapasaya sa akin sa tuwing napapanaginipan ko siya,"dagdag pa na sabi ni Alondra.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon