Chapter 16

31 2 0
                                    

Dati isa sa mga pangarap ni Alondra ay ang makatira sa isang malaking bahay. Kaya hindi niya akalain na matutupad ito sa ngayon. Kanina pa siya namamangha sa mga nakikita niyang karangyaan ng pamilyang del Mundo. Mula sa mansiyon nila papunta sa kompanya at sa mga building na pag mamay ari nila. Ngayon naman ng dahil sa bahay na nasa harapan niya. Isa itong 2 storey house na super ganda. Halatadong maalaga talaga ang tumitira dito dahil sa mga halaman na nasa paligid nito.

"Labas palang maganda na paano pa kaya ang loob nito,"bulong ni Alondra sa sarili niya.

"Miss Alondra feel at home po. Sabi ni Don Manuel ikaw na bahala dito pwedi mo gawin lahat ng gusto mo. Basta isipin mo na ang bahay na ito ay parang sa iyo din. Iyan ang sabi ni Don Manuel kaya welcome and enjoy Miss Alondra," masayang sabi nito.

"Salamat po Mang Bitoy at saka pakisabi din kay Don Manuel na sobrang saya ko at pasasalamat sa lahat ng mga naitulong niya sa akin. Balang araw masusuklian ko din ang lahat ng kabutihan niya sa akin,"seryosong sabi ki Alondra.

"Walang anuman Miss Alondra. By the way ang gamit mo nilagay ko lang sa sala kanina ikaw na bahala maglagay sa kwarto na gusto mong tulugan. Meron dito sa baba na dalawang kwarto. Meron din sa taas na dalawang kwarto ikaw na bahala kung saan ka komportable Miss Alondra,"paliwanag pa nito.

Tumango lang si Alondra sa totoo lang hindi siya naiilang sa bahay na ito. Mukhang nakatira o nakapunta na siya dati dito. Akmang aalis na si Mang Bitoy ng magsalita ito uli.

"Huwag kang mag alala Miss Alondra safe ka po dito. Maraming guwardiya sa village na laging umiikot para magbantay. Saka takot lang ng mga masasamang loob na pumasok sa mga teritoryo ng Dark Knights. Kay Sir Alexander palang manginginig na sila sa takot,"sabi nito na lubos na nagpataka kay Alondra.

"Alexander siya po ba ang kaibigan ni Sir Zandro? Nakita at nakilala ko siya kanina sa opisina,"tanong nito.

"Ahh,yes iha. Si Sir Alex siya ang may ari ng village na ito at dito din nakatira,"dagdag nitong sabi na nagpataas ng kilay ng dalaga.

"So posibleng may bahay din dito si Sir Zandro? Hindi kaya lagi din siya dito nagpupunta dahil dito ang kaibigan niya?"sunod sunod na tanong nito.

Tumikhim lang si Mang Bitoy at hindi siya sinagot nito. Bagkus nagmadali itong nagpaalam sa kanya na aalis na dahil nakalimutan na may inutos daw si Don Manuel sa kanya.

"Saka pala iha,bukas ng umaga sunduin nalang uli kita dito para ihatid sa opisina,"mabilis nitong sabi sabay bukas sa pintuan ng bahay.

"Huwag na Mang Bitoy magtaxi nalang ako tutal malapit lang din naman ang kompanya dito,"tanggi nito sa sinabi ni Mang Bitoy. Masyado na siyang nahihiya at naabala na niya si Mang Bitoy.

"Bawal tumanggi Miss Alondra utos ni Don Manuel baka mawalan pa ako ng trabaho kapag sinuway ko ang utos niya,"patapos nitong sabi at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Napasimangot nalang si Alondra at nagkamot ng ulo. Hindi alam kung ano ang unahing gagawin sa loob ng bahay. Hindi nga ito makadecide kung saan siya matutulog kung sa taas ba o sa baba.

"What now Alondra?"kausap nito sa sarili.

Hanggang sa wakas napagdesisyunan niya na sa itaas nalang siya matutulog. Lalo pa ng umakyat siya doon kanina nakikita niya ang mga tanawin sa labas ng bahay at maging sa mga kapitbahay nila. Maganda ang pagkakagawa ng bahay may tigdadalawang kwarto sa baba at sa taas at mas pinaganda pa nito lalo kasi ang bawat isa na kwarto sa second floor ay may balkonahe.
Dagdagan pa na may mga sariwang tanim na puno sa mga paligid na siyang nagbibigay ng preskong hangin sa kapaligiran. Kompleto din sa kagamitan ang bahay na ito at isa sa mga hinangaan ni Alondra ay ang super organize ng mga gamit. Kung tingnan at pagkakaisipin mo parang araw araw itong nililinisan at parang may nakatira dito.

Pagkatapos ni Alondra ayusin ang mga gamit nito sa isa sa mga kwarto sa second floor ay nagtungo ito sa kusina para maghanap ng maluluto dahil kanina pa siya nagugutom. Nabigla siya ng buksan nito ang ref dahil sobrang dami ng malulutong pagkain. Parang kasya na sa isang buwan na konsumo ng kanyang pamilya. Sobrang nahihiya na siya sa mga binibigay sa kanya ng Don. Isa pa sa malaking palaisipan sa kanya kung bakit siya nito tinutulungan. Iwinaksi saglit ni Alondra ang mga naiisip na dahilan at nagluto ito ng isang putahe na namiss na niya kainin. Ang tortang giniling na baboy.
Naghanap muna siya ng giniling na baboy at swerte dahil meron ito sa freezer. Tapos bumalik siya sa malaking refrigerator para tingnan kung may carrots at patatas doon at saka itlog . Mabilis naman niya nakita ang bawang at sibuyas,asin at iba pang mga spices tulad ng maggi magic sarap,oil,toyo at pamintang durog. Isa nalang ang kulang ang flour. Kaya nagbukas si Alondra ng mga drawer na nasa taas banda ng mga lutuan at doon niya nakita ang mga flour at iba pang ingredients para sa pagluluto ng mga dessert.

Dahil sanay at gamay na gamay naman niya ang pagluluto ng tortang giniling na baboy mas madali lang kay Alondra ang paghahanda ng mga ingredients at paghiwa dito.

Una,iginisa niya ang giniling na baboy sa tinadtad na bawang at sibuyas at nilagyan ng kunting asin at toyo kasama na ang paminta at iba pang spices na pampalasa. Nang medyo luto na ang baboy ay sinunod nitong nilagay ang carrots at patatas. Tinakpan ng kunti para mabilis maluto at manalipsip ang lasa ng mga spices. Nang ito ay maluto na isinantabi muna niya ito para lumamig ng kunti. Nagsalang din siya ng bigas sa rice cooker para may partner ang ulam na niluto nito.
Kumuha si Alondra ng isang malaking mangkok para doon niya ihalo ang ibang natitirang ingredients. Nilagay niya doon ang ginisang giniling na baboy. Tulad sa nakasanayan niyang gawin nilagyan niya ng pabilog na butas sa gitna para doon ilagay ang itlog,kunting oil at harina saka hinalo ng paikot hanggang magpantay lahat.
Saka siya nagpainit ng kawali sa kalan at nilagyan ng oil para doon siya mag prito ng kanyang pinaghalo na giniling. Isa isa niya ito nilagay na may kurting pabilog at habang naghihintay natatakam din ito dahil sa amoy galing sa kanyang niluto.
Nang maluto na lahat ng batter na nasa mangkok kumain na ito. Nagligpit na siya ng pinagkainan niya pagkatapos kumain. May natira pang ulam at kanin kaya ipinasok niya nalang ito sa ref para bukas sa almusal magsangag nalang siya. Saka siya umakyat sa kanyang kwarto sa taas para maligo sabay laba sa sinuot niyang damit kanina para bukas isuot uli ito. Nang matapos na siya sa lahat na ginawa saka siya nahiga sa kanyang kama. Sobrang narerelaks si Alondra dahil sa lambot ng hinihigaan nito. Tiningnan niya ang kanyang cellphone kung may mensahe galing sa kanyang Mama ngunit wala kahit ni isa. Kahit kay Trixie at Kayah wala din. Dahil sa medyo pagod at maganda ang higaan nito mukhang inaantok na siya. Nakasanayan na ni Alondra na makinig sa music habang natutulog kaya nagsuot nalang ito ng headset at tuluyan ng nahiga.

Samantala paalis na si Zandro sa opisina ng mapansin ang note ni Alondra sa lamesa nito. Dinampot niya nalang ito at saka umalis sa kompanya. Sa sobrang dami ng mga papeles na inasikaso niya kanina ay napagod ito at hindi namalayan na nakaidlip na siya sa kanyang upuan.
Mabuti at malapit lang ang kanyang bahay sa kompanya kaya mabilis itong nakarating. Habang daan kanina nagtake out lang ito ng ice coffee with syrup at ham and cheese croissant sa Starbucks. Light dinner lang siya muna sa ngayon dahil gusto niya matulog ng mahimbing lalo at nakita na niya ang babaeng gumugulo sa isipan niya ng halos isang buwan na siyang dahilan kung bakit nasira ang schedule niya sa pagtulog. Ngayon na nakita niya na ito panatag na siya. Isa lang ang problema niya ang alamin kung sino si Knight Velasquez.

Mabilis ito nagpark ng kanyang kotse pagdating sa bahay niya at agad dumiretso sa kanyang kwarto sa baba. Hindi na niya napansin kung may nagbago ba sa loob ng kanyang bahay o wala. Direderetso itong pumasok sa banyo. Naligo saka nagpatuyo ng kanyang katawan at buhok saka na humiga. Hindi sanay si Zandro matulog na may damit o kahit anong saplot sa katawan kahit naka aircon naman ang kwarto niya naiinitan ito kapag may damit siya.

Kinaumagahan nagising si Zandro sa isang masarap sa ilong na amoy.

"Mukhang maaga ata si Manang Berley ngayon ah,"anang isip nito.
Bumangon na ito at ginawa ang nakasanayan niyang morning routine at saka lumabas sa kwarto para pumunta sa kusina.

Balak niya sana gulatin si Manang Berley kaya ng makita itong nakatalikod bigla niya itong hinawakan sa baywang sabay sabi.
"Boo,Good morning my Manang Berley!"
"Ayy..kalbong palaka ka,"sigaw ni Alondra.

Handa na siya sanang paluin ng sandok kung sino man ang lalaking nangahas na yakapin siya patalikod.
Ngunit ng humarap ito pareho silang dalawa na nanlaki ang mga mata.

"Ikaw,"sabay na sabi ni Alondra at Zandro.






I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon