Chapter 33

39 1 0
                                    

"Sweetheart,wake up. We will be late in our work," yogyog ni Zandro kay Alondra para magising ito at hinahalik halikan niya pa ang dalaga ngunit ayaw parin nitong bumangon.
"Sweetheart," ulit nitong tawag.

Pagkatapos may nangyari sa kanila ng gabing iyon ay marami ng nag iba sa pakikitungo ni Zandro at Alondra sa isa't isa. Sa loob ng isang buwan halos gabi gabi sa kwarto na ni Alondra natutulog si Zandro.
Naging opisyal na din silang mag girlfriend at boyfriend. Sa lahat na nangyari si Don Manuel ang labis na natuwa. Kung siya  nga lang masusuod ay gusto na  nga niya  magpakasal ang dalawa kaso syempre hindi naman siya makikialam sa love life ng anak. Maybe they still need a time for each other para mas lubos na makilala Ang mga sarili.

"Sweetheart please wake up now,"kanina niya pa ginigising ang nobya. Nakahanda na siya papasok sa opisina ngunit Ang dalaga ay tulog parin. Hinawakan niya din ito sa noo kanina at baka nagkasakit na naman ito o hindi kaya nilagnat ngunit wala naman. Hindi naman mainit Ang dalaga.

"Okey sweetheart just give me 5 minutes please," tamad nitong sabi. Hindi maintindihan ni Alondra kung bakit siya tinatamad bumangon ngayong araw na ito. Inaantok siya at gusto niya lang nakahiga lagi. Naiisip na nga niya minsan na baka may sakit siya at palagi siyang nanghihina ngayon.

"Sweetheart you already told me that 15 minutes ago,"reklamo niya dito.

"Eh,sino ba kasi nagsabi na maghintay ka diyan sa akin. Pwedi ka naman pumunta ng office na mag isa. Tapos magreklamo ka kung bakit Ang tagal kung magising. Sino ba kasi Ang may kasalanan kung bakit pagod Ako kagabi. Ikaw! Dahil Hindi ka mapigilan sa pagbayo mo!"inis at pasigaw  nitong sabi. Isa din sa punagtakhan ni Alondra ang palaging pagbabago ng ugali nito. Bigla nalang ito magsusungit at si Zandro ang lagi nitong nabibiktima.

"Kung ayaw mo pumunta sa office just tell me okey para mauna na ako at Ikaw magpahinga lang dito. You don't need to shout on me,"inis na sabi ng binata.

Biglang umiyak si Alondra ng marinig Ang sinabi ni Zandro. Pakiramdam niya galit sa kanya ang nobyo at Hindi na siya nito mahal.

"Sweetheart naman eh. Ayan ka na naman eh dadaanin mo na naman ako sa pag iyak mo,"mahinahong sabi ng binata habang niyayakap si Alondra.

"A-a-ayaw mo na Ako makasama pumunta ng office. Ta- tapos sinigawan mo pa ako. Hi-hindi mo na Ako mahal Zandro. Siguro may gusto ka ng iba,ano? Siguro sawa ka na sa akin. Siguro may ma-ma...,"sabi ni Alondra habang umiiyak sa balikat ni Zandro.

Biglang nilayo ni Zandro ang mukha ni Alondra sa kanya at agad hinalikan sa mga labi nito. Nag uumpisa na naman kasi ito magdrama. Halos mag isang linggo na lagi ganyan Ang dalaga sobrang moody nito na minsan ay nakakapikon na. Ngunit dahil mahal niya Ang dalaga handa siyang magtiis para dito.

Muli niya hinalikan si Alondra sa mga labi nito at saka pinaglapit Ang mga noo nila.

"Sweetheart kahit kailan Hindi ako magsasasawa sa iyo. Because of you I have learned to love deeper than I thought. Kapag kasama kita I just want to hold your hand, snuggle in the couch or kahit tingnan ka kapag tulog ka basta makita at makasama lang kita. Hindi ko naisip na magmahal Ako ng ganito na kaya kung magbago at magtiis ng ganito sa iisang babae. I never thought a love like this is possible,until now and it's all because of you. Always remember that sweetheart,"Zandro said sabay himas sa likod ni Alondra para patahanin ito.

Alam ni Alondra may kakaiba sa kanya ngayon napaka super sensetive niya. 
"Sorry sweetheart kung nasigawan kita. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito sobrang sensetive ko at iyakin sa ngayon. Do you think something is wrong with me? May sakit kaya Ako sweetheart kasi lagi akong inaantok at nanghihina,"sabi ni Alondra.

"What if I made a schedule for your check up. I ask Christian my friend his partner is a doctor so we will be sure if your okey or not?"sagot ng binata sa kanya.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon