Nang magpaalam si Zandro kay Alondra na aalis para puntahan si Alex. Alam ni Alondra na medyo matagal tagal din bago makabalik ang kasintahan. Kaya nagdesisyon siya na makipagkita sa mga amazonas.
Napagdesisyunan nila na magkikita sa Dark Knights Club. Unang dumating sa tagpuan nila si Alondra na nagpahatid kay Mang Dany. Dahil kilala na siya ng staff doon dahil kay Zandro ay agad nila itong inasikaso at binigyan ng VIP card para makagamit ng isang silid na pribado para sa kanilang magkakaibigan.
Habang naghihintay may napapansin si Alondra na isang pamilyar na tao na laging sumusulyap sa kanya. Ngunit hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita. Kaya winalang pansin niya nalang ito at patuloy na pumasok sa silid para doon hintayin ang mga kaibigan nito.
Unang dumating si Trixie at sumunod si Kayah na mukhang balisa at nagpupumilit lang ngumiti habang papunta sa kanila.
"Mukhang masama yata ang timpla ng mood ng iba diyan ah,"parinig na sabi ni Alondra para kay Kayah.
Ngumiti lang si Kayah na tumingin sa kanya sabay upo sa tabi ni Trixie.
"Seriously Kayah!"nakataas kilay na sabi ni Alondra. Ang Kayah na kilala niya ay mabunganga at hindi basta mananahimik lamang. She know something is up between Kayah and Alex. Nababasa niya iyon sa kilos ng dalaga. Kaya magtatanong na naman sana siya ulit ngunit inunahan na siya ni Kayah.
"Come on Alon! Tonight is our night. Tonight we are free,right? Wala ang mga asungot na lalaki sa buhay natin. So lets enjoy this night!!"masiglang sabi ni Kayah.
Napatingin nalang sa isa't isa si Alondra at Trixie. Sabay pa sila napapailing habang tinitigan si Kayah.
"Come on guys. I'm really okey. Is just that I'm changing a little bet of my attitude today," nakatawa nitong sabi sa dalawang kaibigan.
Mas lalo tuloy nag alala ang dalawa dahil sa kakaibang inaasal ni Kayah.
"Come on its time to have a party..party. Lets all enjoy this night,"malakas na sigaw ni Kayah.
Napapailing nalang silang lahat dahil sa inaasal ng kaibigan nila. Kayah drink the liquor as fast as the waiter serve. Nagpakalasing ito na siyang hindi nila nasanayang makita sa dalaga.
Kayah receive a call from his bestfriends Winston. Nakaloud speaker ito kaya dinig na dinig nila ang usapan sa kabilang linya. Doon din nila nalaman ang dahilan kung bakit ganun nalang ang paglalaklak ni Kayah ng alak. Masakit na nakaraan at mas masakit na katotohanan. Kahit si Alondra man siguro ang nasa sitwasyon ni Kayah malamang magagalit talaga siya kay Alex. But in the same time she understand Alex situation. Maihahalintulad mo din kasi ito sa nangyari Kay Alondra kung bakit siya napadpad sa poder ng kanyang kinikilalang Mama.
Love sometimes can make you wild and crazier and because of that nakakagawa ka ng mga bagay na hindi dapat at pagsisihan sa huli.
Kahit tinutukso nila si Kayah after the call parang wala paring epekto ito sa dalaga. Mas lalo na nga siyang nagpakalasing kaya pinabayaan nalang nila pansamantala.
"Only for tonight,I just want to forget..just for tonight," umiiyak at maya maya tumatawa na sabi ni Kayah.
Awa ang nararamdaman ni Alondra para kay Kayah. Kaya suportado niya ito kung magpakalasing man ito.
Lumaklak lang ng alak si Kayah hanggang sa matumba na ito at nakatulog sa isang upuan sa loob ng VIP room.Dahil halos lahat ay nakainom na at si Alondra lang hindi dahil buntis ito. Siya ang nabigyan ng responsibilidad para ihatid si Alondra.
Tinawagan niya si Mang Dany para magpasundo ito at maihatid si Kayah na safe sa apartment nito. Dahil medyo malalim na ang gabi at para hindi masyadong maabala si Mang Dany napagdesisyunan ni Alondra na mag taxi nalang at si Kayah nalang ang pinahatid Kay Mang Dany .
" Basta Mang Dany ihatid mo ng safe si Kayah ha. Naibigay ko na ang address sa iyo. Mag ingat po kayo Mang Dany," pagpapaalam nito.
" Ma'am, dito na kayo sumakay. Kabilin bilinan ni Sir Zandro na ihatid kita eh. Baka magalit iyon sa akin," pag aatubiling sabi nito.
"Hindi na Mang Dany. Mas lalayo ka pa sa ruta na uuwian mo. Naabala na nga kita ngayong gabi eh dapat nagpapahinga ka na ngayon. Pero heto ako dinidisturbo kita."
"Walang ano man iyon Ma'am Alondra. Obligasyon ko na pagsilbihan kayo at masaya ako sa ginagawa ko," nakangiting sabi nito.
"Maraming salamat Mang Dany ha. Sige na po ihatid niyo na si Kayah at papara nalang ako ng taxi," pagpapaalam niya dito.
"Sige Ma'am Alondra. Mauna na kami mag ingat po kayo and make sure na picturan mo po ang plate number ng taxi bago ka sumakay. Pasa mo sa akin o hindi kaya kay Sir Zandro at Don Manuel para mapanatag kami," paalala pa nito bago sumakay sa sasakyan at pinatakbo ito paalis ng Dark Knight Club.
Naghihintay si Alondra ng masasakyan na taxi sa labas ng bar ng mapansin niya na naman uli ang isang lalaki na nasa unahan. Mukhang pamilyar ito sa kanya. Pinasawalang bahala nalang ito ni Alondra hanggang sa hindi na niya nakita pa ang taong nagmamasid sa kanya. May isang itim na van na biglang tumigil sa harapan ni Alondra. Biglang bumaba ang lalaki na nakasuot ng mask at lumapit sa kanya.
Nagpanic si Alondra at handa na sana sumigaw ng mabilis na nakalapit ang lalaki sa kanya at agad tinakpan ang mga bibig nito ng isang panyo. Agad nahilo si Alondra.Mabilis nilang naisakay si Alondra sa van.
"Misyon accomplished,"ang tanging narinig ni Alondra bago ito nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...