Chapter 15

36 3 0
                                    

Sobrang saya at pasasalamat ni Alondra sa panginoon na may isang Don Manuel na dumating sa kanyang buhay. Nang dumating ito sa bahay nila para sunduin siya para daw magtrabaho sa kanya aminin niya na medyo natakot siya. Naisip ni Alondra baka nagkautang Mama niya at siya ang ginawang pambayad nito tulad sa mga bidang babae na nababasa niya sa mga stories sa wattpad. Iyong aapihin siya ng kukuha sa kanya at gawing alipin o di kaya ikukulong nalang sa loob ng bahay habang pinagsisilbihan ang maging master niya. Pero mukhang kabaligtaran sa mga naiisip niya ang nangyayari sa kanya ngayon. Sobrang bait ni Don Manuel sa kanya. Ngayon nga binigyan pa siya ng bahay na titirhan.

Mabilis lumipas ang mga oras at hindi namalayan ni Alondra na hapon na pala at patapos na ang oras niya sa trabaho. Hindi naman siya masyadong napagod sa trabaho kasi wala naman siyang halos ginawa kundi ang sumagot lang ng mga tawag sa telepono at maglista ng mga pangalan ng mga tumatawag at kung ano pakay nila sa kanyang boss. Mula ng makapasok ang boss niya sa opisina nito kanina hindi na ito nakalabas pa. Lubos iyon na pinagpasalamat ni Alondra hindi pa siya handa at hindi niya pa alam kung ano ang maging reaksiyon niya kapag nakita si Zandro. Sa isang araw palang na magkasama silang dalawa makailang beses na siya nanakawan ng lalaki ng halik isang smack kiss at dalawang torrid kiss total of three kisses.

"Wow ha bilang na bilang Alondra,"kausap nito sa sarili sabay iling iling. Pilit winawaksi sa isipan ang mga nangyari kanina sa loob ng opisina ng kanyang boss na si Zandro at ang ganap sa loob ng elevator.
"Kailangan ko yata na iwasan si Zandro. Lalo na kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Hay naku tukso parang awa mo na layuan mo ako. Nagiging marupok yata ako kapag kasama ko ang lalaking iyon. Zandro Del Mundo ano ginawa mo sa akin? Hindi kaya may gayuma ang lalaki na ito at laging natatalo siya sa pagkontrol ng kanyang sarili kapag kasama ito. Lalo na kapag lumapat na ang labi ng lalaki sa kanya,"kausap ni Alondra sa sarili.

Hindi niya matanggap na laging natatalo siya dahil lang sa mga halik ng binata. Sa ilang taong na pinoprotektahan nito ang sarili laban sa mga mapanakit na mga kalalakihan. Hindi niya akalain na mabilis siyang bumibigay sa isang halik lang ng binata sa kanya. Saan na napunta ang guard yourself for the boys na lagi niyang sinasabi sa sarili. Saka ang lagi niyang linyahan na "libro lang para sa akin ay sapat na masaya na ako,kesa maghanap ng isang lalaki na mamahalin ko at sa bangdang huli iiwanan lang din ako" na siya namang laging hindi sinasang ayunan ni Trixie.
Kaya lang daw nasasabi niya iyon kasi hindi niya pa talaga naranasan ang tunay na pag ibig . Iyong tipong lahat daw ay ibibigay mo para sa ikakasaya ng taong mahal mo. Kapag daw naranasan mo na  ang magmahal ng totoo wala ka nang ibang priorities pa kundi ang kasiyahan lang ng taong minamahal mo. Na kahit paglayuin man daw kayo ng panahon kung siya ang tunay at tinitibok ng iyong puso siya at siya parin ang pipiliin mo. Huwag daw siya magsalita ng patapos dahil ang pag ibig daw ay masorpresa. Dahil Minsan dumadating ito sa hindi inaasahan na panahon.

Napabalik ang isipan ni Alondra ng marinig ang pagring ng bell hudyat na uwian na ng mga empleyado sa kompanya. Mabilis itong nagligpit ng mga gamit niya at niligpit din ang mga files na nakapatong sa lamesa niya.
Bago siya umalis kumatok muna ito sa opisina ni Zandro para magpaalam. Ngunit wala siyang sagot na narinig mula sa binata.
"Baka nakatulog o di kaya may importanteng kausap sa phone kaya hindi ito nakasagot,"anang isip ni Alondra.

Kaya ang ginawa ni Alondra ay nag iwan nalang ng note sa taas ng kanyang lamesa para makita at mabasa ng boss niya kung sakali na hanapin siya nito.

Ginamit ni Alondra ang private elevator na para lang sa boss nila kaya pagdating niya sa baba pinagtitinginan ito ng mga kapwa niya empleyado. Bigla tuloy nailang si Alondra pero kung ang boss niya naman ang nagbigay ng pahintulot sa kanya bahala na ang mga tao kung ano ang isipin nila patungkol sa kanya. Hindi pinansin ni Alondra ang mga tingin na pinukol sa kanya ng mga tao. Patuloy ito naglakad palabas ng kompanya.
Pagkalabas niya pa lang sa entrance ng kompanya agad niya namataan si Mang Bitoy. So tama pala si Don Manuel talagang pinaabangan siya nito sa driver niya sa labas  para maihatid. Nakasalubong pa ni Alondra si Manong guard ng lumabas ito at agad niya itong binati.

"Hello po Manong, kumusta po kayo. Bigla ka nalang umalis kanina hindi tuloy tayo nalaman ang iyong pangalan. Ako nga pala si Alondra. Kayo po Manong guard?"pagpakilala nito.

"Ako si Mang Danny,ineng. Nice to meet you. Pasensiya na sa biglaang pag alis ko kanina ha may emergency lang nangyari," paliwanag ni Manong sa kanya.

"So okey na po kayo now Mang Danny. Nasolosyunan na po ba ang problema mo?"nag alalang tanong nito.

"Opo ineng,okey na ako. Ako pa ba?"pagmamalaki nitong sabi.

"Mabuti po kung ganun Mang Danny,"sagot ni Alondra dito at napangiti sa tinuran ng kausap.

Nang biglang lumapit sa kanila si Mang Bitoy.
"Good afternoon po Miss Alondra," bati sa kanya ni Mang Bitoy. Pinadala po ako dito ni Don Manuel para daw ihatid kayo sa inyong bagong tuluyan"dagdag nitong sabi.

"Magandang hapon din po Mang Bitoy salamat po talaga sa paghatid kaninang umaga at ngayon naman sa pagsundo sa akin,"buong galang nitong sabi.

"Walang anuman iha,trabaho ko ang sunduin at ihatid ka dahil utos ni Don Manuel."

Ngayon lulan na sina  Alondra ng sasakyan papunta sa bahay na kanyang tuluyan. Habang nasa biyahe napapatingin si Alondra sa dinadaanan nila. Namamangha siya sa mga building na dinadaanan nila dahil halos magkasingtangkadb ang lahat. Sa isipan ni Alondra siguradong halos lahat ng mga nakatira dito ay mga mayayaman. Basi din sa mga nakikita niyang structure ng mga building baka nga milyon ang halaga ng mga kwarto ng condo na iyon kapag binili mo.

"Miss Alondra,nakikita niyo ba ang mataas na building na iyan na may nakalagay na malaking letra na DMI building sa harapan?"biglang tanong ni Mang Bitoy.

Napatingin si Alondra sa building na tinuro ni Mang Bitoy.

"Iyang mataas na building na iyan Manong? Nakikita ko po ang taas at ang ganda," sagot ni Alondra dito.

"Isa iyan sa mga building ng mga del Mundo at Ang halos kalahati ng mga nakatira diyan ay mga tauhan nila sa kompanya. Ayaw kasi ni Don Manuel na nahihirapan ang mga trabahador niya kaya para mas komportable ang mga ito ay diyan na niya sa condo building na iyan pinatira lalo na ang mga galing probinsiya. Saka maliit lang ang binabayaran nila every month para sa renta,"nakangiti nitong kwento kay Alondra.

"Diyan din ba ako titira sa ngayon Mang Bitoy?"tanong ni Alondra napapansin kasi niya na paliko si Mang Bitoy Don malapit sa iskinita kung saan nakatayo ang building.

"Hindi po Miss Alondra sa ibang building po kayo titira.
Mas malaki at mas mataas pa diyan,"nakangisi nitong sabi na siyang pingtakhan ni Alondra.

Dinaanan nina Alondra ang building na sinabi ni Mang Bitoy kanina na isa sa mga pag may Ari ng mga Del Mundo. Malaki nga Ito at mataas na sa tantiya ni Alondra ay may 24 na palapag ito.

Pagdating sa dulong kanto ay lumiko si Mang Bitoy at sa unahan ay may nakita si Alondra na isang gate. May dalawang guard na nakapwesto dito. Isa sa entrance at isa sa kabilang exit. Nang makarating sila sa pwesto ng mga guard ay binuksan ni Mang Bitoy ang pinto ng kotse. Nakita niya na sumaludo ang guard dito. Ibig sabihin na kilala nila talaga si Mang Bitoy kasi hindi na ito hiningan pa ng ID agad na ito pinapasok sa gate na may  bakal na naka arko  at may pangalan sa taas Smallville Village. Habang papasok hindi na mga building ang nakikita ni Alondra kundi mga naglalakihang mga bahay lahat nasa 3rd floor ang taas.
Nahinto ang sinasakyan nila sa iang itim na gate na bakal .

"Dito na po tayo,iha,"wika sa kanya  ni Mang Bitoy.

"Wow,"tanging salita na namutawi sa labi ni Alondra.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon