Habang pababa ang elevator na lulan sina Alondra at Sasha hindi mapigilan ang pagtawa nilang dalawa dahil sa pag iwan nila kay Sheena na halata ang pagtataka sa mukha at ang pagkainis dito.
"Your so evil talaga kanina Kayah. Natameme sa iyo ang bitch na si Sheena, "natatawa na sabi ni Alondra.
"Eh ikaw mukhang sasabunutan mo na ang Sheena na iyon kung hindi ako dumating kanina. Hindi ba?"
"Eh paano kasi ang yabang at akalain mong sinabihan Ako na stop answering me in English kasi matigas daw Ako magsalita. Akala mo kung sino na magaling nagmamadali pa na tawagan ko daw si Boss Z eh wala din naman palang schedule or appointment,"naiirita nitong sabi.
" Korek sobrang nagmamagaling Hindi naman kagandahan. Buti at naimbento Ang mga make up napaganda tuloy Ang isang tulad niya,"natatawang sabi ni Sasha.
"Kung makainsulto akala mo perfect. Pero Kayah Hindi ba nakakahiya Pinagmukha mo akong girlfriend ni Sir Zandro. Paano kung totoong fiancee nga niya ang babaeng iyon,"bakas Ang pag alala sa mukha ni Alondra.
"Naku baka kamo isa lang iyon sa mga babaeng naghahabol kay Boss Z. Wala akong nababalitaan na may fiancee si Boss Z ano,"sagot ni Sasha dito.
"Kayah nakita mo ba Ang inis sa mukha ng babaeng iyon kanina lalo na ng banggitin mo Ang pangalan ni Don Manuel na gusto Ako makausap. Parang anytime bubulagta Ako sa mga tingin niya."
"Naku huwag niya lang subukan. Kung maldita siya amazona naman tayo baka siya Ang bubulagta sa sahig kung natuloy Ang pagsugod niya sa iyo,"nakataas kilay nitong sabi.
Nagtawanan nalang silang dalawa. Pero habang papalapit na Ang elevator sa ground floor ay biglang kinabahan si Alondra.
"Kayah totoo ba na nasa lobby si Don Manuel at hinihintay Ako?"
"Sinabi ko na sa iyo kanina Hindi ba. Nandoon nga si Don Manuel sa lobby hinihintay ka. Huwag ka nga paulit ulit ng tanong Alon. May lunch date yata kayo ng future father in law mo eh ,"panunuksong sabi ni Sasha kay Alondra.
"Umayos ka nga diyan Kayah. Baka may makarinig sa iyo kung ano pa ang iisipin sa akin. Pinakaayaw ko pa naman ang pagkumpulan Ako ng stismis at baka lalabas na talaga ang pagiging amazona ko. Pero Kayah ano kaya Ang sasabihin ng Don. Hindi kaya sisantehin na ako ni Don Manuel dahil sa naabutan niya na ginagawa Namin ni Sir Zandro sa kusina. Baka iisipin isa Ako sa mga babae na gustong Mang akit sa anak niya,"pakamot at nag alala nitong sabi.
"Huwag mong pangunahan kung ano man ang sasabihin ni Don Manuel. Malay mo may iba siyang pakay sa iyo. Saka siya Ang nagpasok sa iyo Dito imposibleng Hindi ka niya Pina background check Muna Bago dalhin Dito. At saka Alon kung walang tiwala si Don Manuel sa iyo Hindi ka niya doon sa bahay ni Boss Z patitirahin," mahabang paliwanag ni Sasha sa kanya.
Tumango tango nalang siya. Kunsabagay may ponto din naman si Sasha.Pagkabukas ng elevator inilibot agad ni Alondra Ang paningin sa paligid ng lobby at nakita niya si Don Manuel na nakaupo sa isang couch. Nakangiti itong nakatingin sa kanya kaya nabawasan ang kaba na nadama ni Alondra.
"Hello po Don Manuel pinatatawag mo daw po ako,"napapalunok sa laway a sabi ni Alondra kinakabahan talaga siya.
"Yes iha I want to talk to you. If it's okey lets talk while eating lunch," nakangiti paring sabi ni Don Manuel.
"Ahh okey po Don Manuel. Hindi ko po tatanggihan Ang Alok ninyo. Masama daw kasi tumanggi sa grasya," masigla nitong sabi. Ganyan si Alondra kapag may pagkain na involve mabilis mabago Ang mood nito. Alondra weakness is food.
"Okey iha lets go,"aya ng Don.
"Ay teka lang po Don Manuel may kasama pala Ako si Miss Sasha,"sabi ni Alondra. Nakalimutan nito na kasama niya pala si Sasha dahil sa kaba na nadarama niya kanina .
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...