Pagkatapos ng almusal at chikahan nina Alondra at Sasha nagpunta na sila sa kanilang mga office table. Pero bago sila naghiwalay may inabot si Sasha na bag sa kanya at ang laman nito ay mga damit na pwedi niyang gamitin sa opisina. Tulad ng sinabi niya kahapon bibigyan siya nito ng mga damit. Laking pasasalamat ni Alondra dahil lagi may tumutulong sa kanya sa oras na siy ay nangangailangan. Sadyang mabait parin sa kanya ang panginoon at lagi siyang pinadadalhan ng anghel na handa tumulong sa kanya.
"Salamat dito Kayah ha. Ang gaganda at magkaterno pa talaga. Saan mo ito binili baka mahal ha nakakahiya naman sa iyo," sabi nito habang binubuklat ang mga damit sa loob ng paper bag.
"Kapal ng mukha mo na iyan nahiya ka pa? Charot lang Alon. Ano ka ba mura lang ang mga iyan. Hindi naman ako mayaman para bumili ng mga damit na mamahalin at with signatures pa. Tama na ako sa mga shein na damit. Makamura kana marami ka pang mapipili na maganda at worth it naman. Sabi nga nila kahit ukay-ukay pa ang suot mo kung babagay sa iyo magmukha ka pa ring disente tingnan,"sabi nito na may pakindat kindat pa.
"Akala ko talaga ang mamahal ng mga sinusuot mo tulad kahapon. Ang ganda at bagay sa iyo ang blouse at palda na sinuot mo. Gusto na nga kita tanungin kung saan mo nabili kaso nahiya ako. Buti nga at ikaw mismo ang nag offer sa akin na bigyan mo ako para may pampalit ako kapag papasok ng opisina."namamangha nitong sabi.
"Walang ano man basta ikaw Alon? Remember ako na ang friend mo dito sa ngayon. Saka may bond na tayong dalawa dahil sa mga secret na we share to each other."
"Yeah,"sabay nilang sabi at nagyakapan muna bago naghiwalay.
Habang papunta ng floor napailing iling si Alondra ng maisip ang sinabi ni Sasha tungkol sa kalukuhang ginawa ni Zandro at Alexander.
"Half million para hanapin si Knight Velasquez? Mga baliw talaga," sabi nito.
Kanina binigyan siya ng instructions ni Miss Karen kung ano ang gagawin niya mula umaga hanggang matapos ang trabaho niya sa hapon. Nakalista ang mga dapat niyang gawin.
"There is an important thing that you need to know as a secretary: You need to organize the office tasks, implements procedure and carry out additional administrative data,"umpisang sabi ni Miss Karen sa kanya.
"Sometimes you are also responsible to work as a receptionist and have a capacity to greet clients, customers,and visitors. Answering phone calls and directing phone calls. Organizing documents and paperworks and maintaining a filling system. Also as a secretary you are assisting supervisors and staff with company projects and tasks," miss Karen explain Alondra.
Medyo sumakit Ang ulo ni Alondra sa kadaming gagawin bilang isang secretary.
"Aja,kaya ko ito!"pampalakas loob nitong sabi.Ang daming responsibilidad pala nakaatang sa kanya bilang isang sekretarya ni Zandro. Nakikinig lang siya kanina kay Miss Karen pero ang totoo nanonosebleed na siya at gusto na sumabog ng utak niya lalo na ng isaisahin nito ang duties and responsibilities of being Zandro secretaries.
Una, answering and directing phone calls ang ibig sabihin you are the responsible to answering the office phone lines and directing each call para kay Boss Z. Lalo na sa mga importanteng clients at tawag o mensahe para kay Boss Z. Dapat dito marunong kang mag classify kung ano ang urgent at less important communication. The very most important "no personal message from the other person except if it is related to work." Dahil super strict si Boss Z lalo at ayaw niyang iniisturbo siya kapag nakatutok na ito sa kanyang trabaho.
Pangalawa, organizing and distributing the messages. It is a commonly perform is organizing and distributing the memos,notes, messages and other written communications. Example their is a client change of contract and as a secretary you need to be capable be quick and effecient pass the messages to CEO.
Pangatlo maintaining company schedules. Dito mas lalo mong pagbutihan ang trabaho mo kasi dito utak ang labanan. You need to remember the schedule of Boss Z. Kung pwedi nga lang na kabisaduhin mo ang lahat ng schedule niya sa araw o kahit sa susunod pa na araw na working days ay mas maganda. Dahil dito nakasalalay ang lahat ng mga clients and investors na kailangan I meet ni Boss Z. One forgotten schedule of the days can cause big trouble in the company. Lalo na at nasa linya sila ng shipping industry.
Bilang isang sekretarya obligasyon mo din minsan ang pagiging receptionist kapag may mga clients or visitors na darating para kausapin si Boss Z. Sa madaling salita lahat ng kailangan ni Zandro ay siya ang bahala.
Isa pa sa habilin ni Miss Karen sa kanya na mismong si Don Manuel ang nagsabi ay ang huwag siyang basta bastang magpapasok ng bisita na hindi nakaschedule na makameeting ni Zandro lalo na kung babae ito. Naguluhan ng una si Alondra pero naiisip niya na baka concern lang si Don Manuel sa anak lalo at habulin ito ng mga babae. Takot yata ang Don na mapikot ang anak niya.
Mula pa kanina hinahanda ni Alondra ang sarili kung makaharap si Zandro ngunit mag lunch break na wala pa rin ito. Nag alala man siya na baka napagalitan ito ng Don dahil sa naabutan kanina sa kitchen o may problema na kinakaharap ang kompanya kasi kanina sa turan ng Don sa bahay at narinig niyang usapan bago siya nakaakyat mukhang seryoso ang pag uusapan nila.
Ganun pa man nagpasalamat pa rin si Alondra dahil hindi parin niya alam kung paano pakikitunguhan ang boss niya pagkatapos ng nangyari sa kanila. Pero tama ata ang una niyang desisyon ang iwasan ito. Bukod kasi sa naging marupok siya kapag kasama ito. Hindi niya din maintindihan ang sarili niya kung bakit parang may mga dagang naghahabulana sa loob ng dibdib niya.
Samantala ng makausap ni Don ang anak na si Zandro tungkol sa kung ano ang namamagitan sa kanila ni Alondra at ano ang ibig sabihin sa naabutan nila kanina sa kusina ay todo tanggi ang binata.
"It was nothing Dad. I told you ginagamot ko lang ang paso ni Alondra and nothing more happen,"depensa nito sa sarili.
"Naku umayos ka diyan Zandro kung si Manang Berley mabilog mo ang ulo ako hindi. Isa akong lalaki at ama mo kaya alam ko kung ano ginawa mo kanina. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang nangyayari,"walang paligoy ligoy na sabi ng ama.
"Sorry dad is just that I can't resist my emotion if Alondra is around. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito last time ko ito nadama when Sheena is still with me. And now I'm afraid to take a risk anymore. Paano kung I'm already in love with her Dad?"
"Then it's good if that what you feel. I know your interested with him I conduct an investigation ng mabalitaan ko kung ano ang nangyari sa Dark Knights Club. I'm sorry kung pinangunahan kita pero isa akong ama at ngayon ko lang nakita na nagkainterest ka sa isang babae for almost 3 years."
"But Dad I'm afraid what if iwanan niya ako tulad ng ginawa ni Sheena. Paano kung hindi niya ako mamahalin?
I'm afraid to take another risk dad especially if my heart is concern. Alam mo kung ano ang pinagdadaanan ko ng iniwan ako ni Sheena at hindi ko kakayanin kung mangyayari pa uli iyon sa akin,"naluluha nitong sabi."I know son but if you really like her you will take a risk. Be brave anak walang nanalo kung umpisa palang sumuko ka na . Kailangan mo muna lumaban at lumaban hanggang sa manalo ka. Isa pa anak huwag mong lahatin Ang mga babae. Kung iniwan ka at pinagtaksilan ng isa huwag mong lahatin. Malay mo ang pangalawa o ang susunod mo palang mamahalin ang siyang totoo na magpapasaya sa iyo. Kung gusto mong lumigaya panghabambuhay ipaglalaban mo ang taong pinili ng iyong puso,"paliwanag ng Don.
"Mahal mo ba si Alondra?"dagdag pang tanong nito.
"For now I really don't know Dad. All I know is I like her kahit may pagka amazona kung minsan. She is the only woman that can make my heart beats fast,"sabi nito sa ama.
"So go for that anak I will support you. Gusto ko si Alondra for you. Hindi ko naman siguro siya padadala sa territory mo kung hindi ko siya gusto. Hindi ba? Mabait na bata si Alondra sa halos isang buwan ko siya pinaimbestigahan wala akong nahanap na masamang bagay about sa kanya."seryosong sabi ni Don Manuel.
"Ang bilis mo talaga dad kaya pala wala akong nahanap na impormasyon ng pinaimbestigahan ko si Alondra dahil hinaharang mo pala,"naiiling nitong sabi.
"Hindi lang naman kasi si Alondra ang iniisip ko pati din ikaw sinusubok ko lang kung hanggang saan ang magagawa mo para lang mahanap siya. Nang una hindi nga ako makapaniwala na sinuway mo ang rules ng Dark Knights Club para lang hanapin ang dalaga. Mas lalo na ng malaman ko na nagdisguise ka pa para lang magbaka sakaling magbalik siya sa club at makita mo siya. For me it is not normal anymore anak."
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...