Chapter 1

140 16 2
                                    

Naalimpungatan si Alondra ng naramdaman niyang tumigil ang sasakyan. Nang maimulat niya ang kanyang mga mata napasinghap ito sa kanyang nakita.
Nasaan siya?"tanong niya sa kanyang sarili.

Grabe ang laking mansion. Sa mga TV at picture niya lang nakikita ang mga ganitong klase ng bahay. Ang ganda may prinsipe kayang nakatira dito. Maging yaya ba siya nito? Kung ano ano na ang naiisip nito hindi kaya baka may..may..

"Hello iha okey ka lang ba?"putol ni Don Manuel sa pag day dreaming ni Alondra.

"Ayy prinsipe ng halinaw!!" nakatili nitong sabi. Iyon kasi ang nasa isip niya ng gulatin siya ng matanda.

"Hahahaha,"rinig niyang tawa ng matanda at ng mga tao sa paligid.

"Tao sa paligid marami sila at nakahilera pa ang mga ito. Merong nakauniporme na pangkatulong at meron din nakasuot ng itim na Americana akala mo mga Men in Black. Nasa shooting ba siya parang merong pelikula dito eh. Ito iyong nakikita niya sa mga Royal movies na napapaniod niya,"anang isip ni Alondra.

"Hala Don Manuel may shooting po ba dito? Sino po ang bida?" naeexcite na sabi ng dalaga.

"Hahaha wala iha mga tauhan ko ang mga iyan,"wika ng Don.

"Ahh ok po mapapasanaol nalang ako. Super yaman niyo po pala Don Manuel grabe ang dami niyo pong tauhan at saka mga maid. Ano pala ang maging trabaho ko dito sa inyo?"tanong nito kay Don Manuel.

"Pasok muna tayo iha at pag usapan natin ang maging trabaho mo sa opisina ko,"sabi ng Don.

"Okey po Don Manuel ,"sagot ni Alondra dito.

Papasok na sana ito ng mapadako ang tingin niya sa taas ng mansyon sa beranda parang may tao kasi nakatingin doon kanina. Napakunot ang kanyang nuo kasi bigla nalang nawala.Hindi kaya may multo sa mansyon na ito naku patay takot pa naman siya sa multo.

"Iha ano pa hinihintay mo diyan halika na rito,"sigaw ng Don.

"Ayy..multo na gwapo!!"sigaw ni Alondra.
Paano kasi lagi nalang siya ginugulat ng matandang ito.

Napailing nalang ang Don at tumawa sa kanya.

"Alam mo nakakatawa ka talaga iha. Gusto ko iyang ugali mo masayahin at bibo,"namamanghang sabi ng Don

Pagkabukas ng pinto ng mansyon at makapasok na si Alondra mas lalo itong napanganga dahil sa sobrang ganda nito. Grabe ang ganda at mukhang mamahalin lahat ng bagay sa loob ng mansyon na ito.

"Kumain muna tayo alam ko nagugutom ka dahil sa byahe iha. Saka tayo mag usap sa maging trabaho mo,"aya ng matanda sa kanya.

Nag aalangan man ay tumango nalang si Alondra kay Don Manuel. Saka masama daw tumanggi sa grasya at baka magtampo ito.
Hindi siya nagsisi na humuo ito kay Don Manuel kasi grabe ang daming pagkain nakahain sa mesa.

"Hala Don Manuel may pista pala dito ngayon,"namamangha sabi ni Alondra.

"Ha,walang pista iha ganito lang talaga palagi dito ang nakain na mga pagkain,"sagot ng Don.

"Hala ganito palagi wow sosyal pala talaga dito Don Manuel ang dami kasi ng pagkain niyo ibang klase talaga pagmayaman ka. Sa amin kasi 2 o 3 klase ng ulam sa lamesa maswerte na. Samantala sa inyo ang daming ulam at may desserts pa,"natatakam nitong sabi.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon