Chapter 2

90 6 1
                                    

Nakatulog ako ng maaga dahil sa super excited ako sa maging trabaho ko kinabukasan.Hindi kapani paniwala pero totoo meron na akong permanent work at social pa kasi maging personal assistant ako ng anak ni Don Manuel.

Alas singko palang ng umaga ay gising na ako para maghanda pero napaisip ako ano pala isusuot ko na damit na angkop sa maging trabaho ko.Kinuha ko ang cellphone ko at nagtanong sa pinaka matalino na nakilala ko.

Pindutin ang picture na parang microphone at magsalita...Proper attire to wear for being a secretary.Hala ang dami namang pinakita si Mr.Google my formal attire at meron din proper office attire.Merong pinsel cut with long sleeves blouse at saka slocks.Saan ako kukuha ng mga damit na tulad nito eh ang dala ko dito puro blouse at pantalon?Malay ko naman na secretary pala trabaho ko akala ko muchacha ang pasukan ko eh.

Hinalungkat ko lahat ng gamit ko kaso isa lang ang nakita ko na pwepwedi isuot.Ang bestidang bulaklakin na isang beses ko palang naisuot.Nuong birthday ni Trixie isa sa mga kasamahan kung nag eextra din bilang isang models.Maganda naman siya abot hanggang kalahati ng hita ko ang haba.Kaso lang malas itong bestida na ito eh nakahanap ako ng kaaway dahil dito.Pero wala naman akong choice kasi wala na akong maisuot na iba.

Kapag naalala ko ang nangyari ng gabi na iyon sa bar kumukulo ang dugo ko.I wish hindi ko na makita ang mapagsamantalang lalaki na iyon.Kahit gwapo siya hindi ko parin mapapatawad ang ginawa niyang pagnakaw sa first kiss ko.Nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Miss Alondra pinatatawag po kayo ni Don Manuel",rinig kung sabi ni Manang Beverly sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Saglit lang po Manang",magalang kung sagot dito.

Ipinusod ko nalang ang buhok ko ng isahan paside view na style kasi maganda naman ang pagkacurly ng hair ko.Tiningnan ko muna ang ayos ko sa salamin bago lumabas ng kwarto ko.

"Ayos pwedi na ito kunting pulbos at lipstick nalang ang kulang",sabi ko sa sarili ko.

Agad ako naglagay ng pulbos at lipstick saka lumabas na ng silid.Naabutan ko pa si Manang na kakatok pa sana uli.

"Goodmorning Manang Berley",nakangiti kung bati dito.

"Goodmorning din Miss Alondra.Ang gandang bata",narinig kung sabi nito kahit parang binulong niya lang ang sinabi niya sa dulo.

"Salamat po Manang ",magalang kung sabi dito.

Nginitian niya lang ako at ginantihan ko din siya ng ngiti.Sana makasundo ko ang lahat ng mga tao dito sa mansyon ni Don Manuel.

"Miss Alondra nasa opisina niya po si Don Manuel hinihintay ka niya doon ",narinig kung sabi ni Manang.

"Okey po Manang thank you po",sagot ko dito.

Dahil alam ko naman kung saan ang opisina ni Don Manuel kaya ako nalang mag- isa ang nagpunta duon hindi ko na inaabala si Manang Beverly.Kumatok muna ako sa pinto ng office nito.

"Come in",narinig kung sabi ni Don Manuel.

Nakita ko siya nakaupo sa swivel chair nito at nakapanglubaba.Mukhang maaga pa hindi na maganda ang modo ng Don ah.

"Goodmorning po Don Manuel pinatatawag niyo po daw ako",nakangiti at magalang kung sabi dito.

"Yes iha,today you will go to the office.Merong mag assist sayo pagdating mo dun.Ipahahatid kita sa driver iha.Pagpasensyahan mo kung hindi kita masamahan sa ngayon may importante kasi akong lakad eh",saad ni Don Manuel.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon