Sa sobrang taranta ni Alondra naitulak nito si Zandro.
Mabilis itong bumaba ng counter at tumayo paharap sa kalan kung saan naiwan niya kanina ang kanyang sinangag. Inayos din nito ang pagkabutones ng kanyang short pati ang t-shirt niya na nagusot kanina dahil sa ginawa ni Zandro. Hindi makapaniwala si Alondra na naging marupok siya. Talaga bang nagpaubaya siya sa lalaki.Tumayo si Zandro at humarap sa counter table para makita sa kabila ang bagong dating na sina Manang Berley at Don Manuel. Sadyang itinakip nito ang kanyang katawan kay Alondra na nakatayo sa likod para maiayos ng dalaga ang sarili bago humarap sa mga bagong dating na bisita.
"What's happening her?"saad ng Don.
"Nothing Dad,"maikling sagot ni Zandro. Patay malisya itong nagsabi. Kunyari walang ibang naganap bago dumating ang ama.
"Good morning iha,kumusta ka? Okey ka lang ba dito?
Kapag may masamang gawin si Zandro sabihin mo sa akin,okey,"baling ng Don kay Alondra at hindi pinansin ang sagot ng anak."Maraming salamat po Don Manuel. Huwag kang mag alala okey lang po ako dito,"alanganing ngiti nito sa Don.
Kung hindi lang masama ang umalis at kawalan ng respeto sa Don. Kanina niya pa gusto tumakbo paakyat sa kwarto niya dahil sa kahihiyan na nadama.
Lalo at isang bahagi ng utak niya ngayon ang nagtatanong. May nakita kaya ang mga ito sa nangyari sa kanila ni Zandro kanina sa counter? Kunsabagay nakatalikod siya kanina at tanging si Zandro lang ang nakaharap sa pwesto nina Manang Berley at Don Manuel."Aba! iba din dad ah. Ako ang andito na anak mo hindi mo manlang binati. Mag uumpisa na ba akong magselos nito,"sabad ni Zandro sa pagbabatian ng dalawa. Kunyari nagtatampo ito.
"Ang galing umarte ah,"sabi ni Alondra sa isip.
"Eh,ikaw Manang Berley? Don't tell me si Alondra din babatiin mo!"parang bata itong nagtatampo.
"Naku umayos ka diyan Zandro. Inaatake ka na naman ng pagiging isip bata mo,"sermon ni Manang Berley dito.
"Kung alam lang ng mga employees mo na may ganyan kabg side sigurado pagtatawanan ka nila,"dugtong pa nitong sabi.Ngumiti lang si Zandro sa dalawang matanda habang si Alondra ay nakatalikod parin sa kanilang tatlo.
Alam ni Zandro na sobrang awkward ang nararamdaman ni Alondra kaya gumagawa siya ng paraan para iligaw ang atensiyon ng dalawang matanda sa kung ano naabutan nila sa kanilang dalawa kanina.Ngunit sobrang makulit si Manang Berley at sadyang nagtanong pa talaga.
"Huo nga pala ng dumating kami nakita ka namin na nasa taas ng counter iha. Ano nangyari sa iyo at mukhang nakaharap si Zandro sa iyo. Kung tingnan mo sa malayo mukha kayong naghahalikan? Kaya napasigaw tuloy ako," nagdududang tanong ni Manang Berley.
"Wala po Manang ginagamot lang ni Sir Zandro ang kamay ko,"nakayuko na sabi ni Alondra. Nahihiya siya sa mga ito baka ano isipin nila patungkol sa kanya tapos ngayon nagsinungaling pa siya.
"Itong si Manang Berley inatake na naman ng pagkamarites niya ng sobrang aga at saka napakamalisyosa pa,"singit ni Zandro sa usapan ng dalawa.
"Ginamot ko lang ang sugat ni Alondra kasi napaso siya kanina habang nagluluto. Ang tanga kasi hindi nag iingat kulang yata ang niluto niya at pati kamay niya sa daliri naisama nito,"dagdag pa nitong sabi na siyang dahilan kung bakit tumaas Ang mga kilay ng dalaga."Eh,bakit wala kang damit pantaas Sir Zandro,"tanong uli ni Manang Berley at tiningnan pa silang dalawa ng salitan.
"Nagulat nga ako ng may sumigaw kaya bigla akong napalabas ng kwarto ko akala ko sino ang tao na nakapasok sa bahay ko,"pagdedepensa nito sa sarili.
"Una nga akala ko ikaw eh at napaano ka kasi ang lakas ng sigaw. Saka manang pasalamat ka nga at nakaboxer pa ako eh kesa makita na walang saplot. Hindi ba?"kwento pa nito na may dalang panunukso ang boses.
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...