"Dark Knights Club, if I am right?"natatawa sabay pailing iling na sabi ni Zandro.Naaaliw talaga siyang pagmasdan ang mga reaksiyon ni Alondra kapag may mga tanong at nababanggit siyang salita na alam niya na ayaw ng babae marinig.
Naikuyom ni Alondra ang kanyang mga kamay at napakagat sa mga labi nito na siyang madalas niyang gawin kapag kinakabahan ito.
"Ibig sabihin natatandaan siya ng lalaki eh bakit Wala man lang reaksiyon ito kanina ng makita siya?Pinaglalaruan lang ba siya nito kaya panay ang tanong sa kanya kung kilala siya nito o hindi samantalang alam din naman pala niya ang kasagutan.Tapos palagi pa siya nakangiti at parang nang iinis na namimilit na sagutin ang mga katanungan na binabato sa kanya.May pa not so personal pang nalalaman kanina eh super personal naman ng tanong,"pakibot kibot ng labi na sabi ni Alondra.
Naiinis ito sa lalaki dahil kanina pa siya deny ng deny na hindi niya ito kilala tapos ang ending nagmukha lang pala siyang tanga.Sa sobrang kaba niya pa naman kanina halos nagmukha na siyang kaluluwa dahil sa pamumutla.Tapos nauutal pa siya kanina at mukhang naiihi na sa kaba.Muntik niya pang hiniling na sana bumuka ang kanyang kinatatayuan para mawala na siyang bigla sa harapan ni Zandro.Naku kung hindi ko lang kailangan ang trabaho na ito at nangako kay Don Manuel na pagtitiyagaan niya at susubukan intindihin at pakisamahan ang anak nito ay baka natadyakan na naman niya ito uli.
"So what now Alondra,you remember it?"muling salita ng binata na siyang nagpabalik sa huwisyo ni Alondra.
"So mula kanina kilala mo na ako?Bakit nagpanggap ka na parang wala lang ako sayo?Pinagmukha mo lang pala akong tanga at nag eenjoy ka na tingnan ako habang natataranta at nag iisip ng isasagot sa mga tanong mo sir?"may inis na sabi nito pabalik sa binata.
Napataas ang mga sulok ng labi ni Zandro dahil sa tinuran ng dalaga ngayon bumalik na ang totoong Alondra na nakilala niya sa club ang matapang na Alondra at hindi ang parang tupa na Alondra kanina.
"So ano na Alondra naalala mo na ba ako?Dahil kung hindi ako mismo ang magpaalala sayo kung ano ang ginawa mo sa akin ng gabing iyon.Kung paano mo ako pinahiya sa mga kaibigan ko.I can't believe that night at hindi ko matanggap na isang babae ang gagawa sa akin ng ganun.I am Zandro Del Mundo one of the bachelors in the Philippines at nag iisang tagapagmana ng mga Del Mundo ay pinahiya mo lang at sa mismong harapan pa ng mga kaibigan ko.Isang malaking pagkakamali ang ginawa mo ng gabing iyon Miss Alondra!"may diin at galit nitong sabi.
"Kung ano man ang nagawa ko sayo ng gabing iyon hindi ko iyon pinagsisishan Sir ipinagtanggol ko lang ang sarili ko laban sa mga manyak na tulad mo",inis nitong sabi sa binata.Nagalit ito dahil sa pride niya samantala siya eh ninakawan ng halik dapat siya ang galit dito.
"Hahaha nagpapatawa kaba Miss Alondra.Ako tinawag mong manyak?If you don't know hindi ko kailangan manglandi madaming mga babae ang nagkakagusto sa akin isang tawag ko lang pupuntahan na nila ako.Sila mismo ang lumalapit at nanglalandi sa akin,"natatawa nitong sabi.
"Eh kung hindi ka manyak ano ka pala Sir magnanakaw?"inis nitong sabi.
Napakayabang talaga nito pinagmamalaki pa na ang dami nitong babae pakialam ko naman doon kung madami ang nanglalandi sa kanya dapat ang mga iyon ang nilandi at hinalikan niya ng gabing iyon sa club.Naiinis siya dahil sa ginawa ni Zandro na panghahalik sa kanya pero mas nagalit siya dahil sa narinig na reason ng binata.Ano gusto niya palabasin ngayon na siya ang nang akit sa kanya kaya siya nahalikan ng gabing iyon.
"Ako magnanakaw?Hahaha nakakatawa ka talaga Miss Alondra.Sino ninakawan ko ikaw at ano naman ninakaw ko sayo?"natatawa at nakakaluko niyang tiningnan si Alondra.
Kumunot ang noo ng dalaga at naitikom bigla ang mga labi nito.Mas lalo siyang pagtatawanan ni Zandro kapag nalaman nito na ang first kiss niya ang ninakaw nito.
"Kasi naman Alondra eh ang daldal mo mapapahamak tayo dahil diyan sa bunganga mo eh,"kastigo nito sa sarili.
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...