Chapter 36

59 3 0
                                    

Napagdesisyunan ng magkaibigan na Zandro na pumunta sa pad ni Alexander dahil mukhang malaki ang problema nito ng tinawagan siya ni Liam kanina. Nagpaalam ito kay Alondra bago nagmamadali na umalis sa kanyang opisina.

Nang makarating ito sa pad ni Alex nakita nitong umiinom ng alak ang kaibigan at hindi na mapigilan ng mga nauna niyang kabarkada na dumating. Agad niya itong nilapitan ngunit inunahan na siya ni Alex na magsalita bago pa siya makalapit.

"Kung nandito ka para sermunan ako at patigilin sa pagkakalunod ko sa alak puwes umalis ka na!"sabi ni Alex habang sige parin ang lagok ng bote ng alak.

Hindi man niya maintindihan kung bakit nagkaganito ang kaibigan. Pero sa nakikita nito sa itsura ni Alex mukhang sobrang laki ng problema nito. Kilala niya ang kaibigan malakas ito at matalino. Agad nasolusyunan ang problema kung tungkol sa trabaho ang pag uusapan.

"Hindi kita pipigilan pare sige lang magpakalunod ka sa alak sa ngayon hanggang sa makalimutan mo kung ano man ang nagpapagulo sa isipan mo. Minsan kailangan natin makalimot kahit ilang saglit lang. Pero sa tingin mo pare ito ba ang solusyon sa iyong problema? Naranasan ko na ang naranasan mo narehab pa nga ako, hindi ba? Dahil sa kagustuhan ko makalimot agad pero iyon pala ang pinakamalaking pagkakamali ko. Dahil kahit anong alak walang makakaalis sa problema na ating niraranas. Dahil isa lang ang magandang gawin sa ganitong sitwasyon iyon ay ang harapin at gawan ng paraan para masolusyunan iyon dahil walang mangyari at tayo lang ang mahirapan at matagalan mag move on kung tatakasan natin ito,"payo nito sa kaibigan.

Napatingin si Alex sa kanya habang naghahalo ang sipon at mga luha nito. Napatingin siya sa mga kaibigan na kasama niya sa loob ng pad ni Alex. Nagkibit balikat lang ang mga ito at mababakas ang awa at lungkot sa mga mata nila. Kung siguro sa ibang sitwasyon lang ang naganap at talagang trip lang nilang magkabarkada na maglasing. Pinagtatawanan na nila si Alex at napuno ang gallery ng mga ito ng picture ng binata para kinabukasan ay pambully nila dito. Pero iba ang sitwasyon ngayon mukhang sobrang seryoso ng problema ng leader nila.

"Napakatanga ko..nararapat lang sa akin na iwan. Walang kwenta akong tao! Tama si Sasha isa akong demonyo!!,walang puso dapat namatay nalang daw ako. Pero mga pare kaya ko lang naman nagawa na iwan siya dati dahil sa sobrang mahal ko siya. Gusto ko lang siya iligtas sa kapahamakan. Hindi sapat ang kapangyarihan ko para protektahan siya dati. Pero bakit ayaw niya pakinggan ang paliwanag ko. Sobrang galit siya sa akin sinusumpa niya ako pare!"naiiyak nitong sabi. Magsasalita pa sana uli ito ng bigla nalang bumagsak dahil sa sobrang kalasingan.

Napapailing na lamang ang magkakaibigan.

"Girl problem hirap talaga kapag puso na ang kalaban,"sabi ni Liam.

"Sa sobrang lakas ni Alex hindi ko akalain na isang babae lang ang magpapabagsak sa kanya,"dagdag na sabi ni Christian.

"Poor Alex. His really in a big trouble now?" Nikolai said.

"Ano ba ang nangyari? Bakit nagka ganyan si Alex kahapon parang okey naman sila ni Sasha ah?"tanong ni Zandro sabay tingin kay Winston.

"Nalaman kasi ni Sasha na ang mga magulang ni Alex ang dahilan kung bakit siya bigla umalis dati at isa pa nalaman din ni Sasha na kapatid niya pala ang babae na nagpanggap na girlfriend niya dati na siyang dahilan kung bakit sobra itong nasaktan at siya ring dahilan kung bakit ito nakunan. Kaya napagsalitaan niya ng mga masasakit na salita si Alex,"mahabang paliwanag nito.

"You mean Sasha is pregnant before Alex left him?"Zandro said in shock. Mas malala pala ang problema ni Alex sa kanya noong mga panahong hindi niya pa nahanap si Alondra.

"Yes pare kaya nga lumaklak iyan eh",dagdag na sabi ni Winston habang nakaturo kay Alex na ngayon ay nakahandusay sa sahig.

"Pero hindi ba ikaw ang kaibigan at nakasama ni Sasha ng mga nakaraang taon? Wala manlang siya nasabi o naikwento sa iyo? Siguro meron naman siya nasabi sa iyo kapag nalulungkot siya o hindi kaya nabanggit?"tanong ni Zandro kay Winston.

"Sa totoo lang sa loob ng dalawang taon Sasha is being aloof to talk about her past. I respect her privacy kahit minsan gusto ko malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya. Kung bakit siya nakahandusay sa lansangan ng matagpuan ko. Kung makita mo lang ang sitwasyon niya ng mga panahon na iyon maaawa ka sa kanya. Kahit ng magkamalay siya at nagamot ang mga sugat niya at nakangiti sa mga kasamahan namin sa bahay. I know by looking in her eyes there is something sadness hidden on it. I waited her to open it from me but she's not saying anything and everytime I have a chance to open about her past. She change the topic immediately. One time I try to speak to her but she just smile at me and turn her back I follow her to say sorry for forcing her to tell me her past. That time my heart broken when I hear her sobbing inside her room. She keep murmuring about the baby she lost and how he hate the world. She's in so much pain but she only keep it to herself. That time I decided not to talk about her past so she can move on, on it",Winston speak with sadness.

"And all its because of my stupidity!!"biglang sabat ni Alex na nagkamalay na pala.
"I make a big mistake on leaving her. Akala ko kasi iyon ang nararapat na gawin para mailigtas siya sa mga kamay ng magulang ko at sa mundo na ginagalawan ko. If I know that she is pregnant I will fight for her even it will cost my life. I love her so much that I didn't realize that I can cause so much pain on her. All I want that time is her safety. Alam ko ng mga panahon na iyon my father will do all his best to hurt her. Baka nga lahat ng mga galamay niya ay pagagalawin niya para lang mawala si Sasha sa buhay ko. Kilala niyo ako pare wala akong kinatatakutan kahit mga magulang ko pa. Pero that time sobrang takot ako para kay Sasha," Alex said while crying.

"Okey pare we all understand you. Yes super kilala ka namin to the point na hindi namin lubos maisip na magkaganito ka. The most well known bachelors in the Philippines and the top 5 business tycoon in the world is crying now because of a women. Thats a hella in our world,"Nikolai said.

Kaya nakatikim tuloy ito ng sipa sa mga kaibigan niya. But Nikolai has a point if it's all about love walang pinipili ng katayuan sa buhay. Kahit gaano ka pa kasikat sa buong mundo kapag pag ibig na ang kalaban mo paiiyakin at pasasayahin ka nito.

"Kung nagawa mo ang mga lahat ng iyon para kay Sasha. Magagawa mo din iyan lahat ngayon. It's not too late para ipaglaban mo siya Alex. Maaring galit siya sa ngayon but women is a women malambot parin ang mga puso nila lalo na kapag nakita nila kung gaano mo sila kamahal. I know Sasha love you. Kahit indenial iyon sa feelings niya but I'm sure that she still love you. Kaya now fight for her if it will cost your life to make her love you do it Alex. Andito lang kaming mga kaibigan mo na susuporta sa iyo," sabi ni Zandro habang nakatingin sa mga kaibigan niya na ngayon ay nakapalibot na kay Alex.

"Yes hindi ba may motto tayo "one for all,all for one"..for better and for worst till death do us part,"nakangiti na sabi ni Liam at sabay taas ng kamao nito para sa sign nilang magkakaibigan.

"Yes, I will fight for her and I will make sure that this time she will stay for me,"nakasaludong sabi ni Alex.

"And..."narinig nilang sabi ni Winston.

"I will do my best to win her heart and love her for the rest of my life. I swear and promise it in the name of our friendship,"sabi ni Alex habang nakalagay ang mga kaliwang palad nito sa kanyang dibdib.

Pagkatapos ng mga sinabi ni Alex agad sila nagyakapan na magkabarkada.

Lingid sa kaalaman ni Alex nakatawag pala si Winston kay Sasha at lahat ng mga sinabi ng binata ay rinig na rinig ng magkakaibigan na sina Alondra at Doc Trisha kasama ang iba pa nilang kaibigan na babae sa loob ng VIP room ng Dark Knights Club.

Kaya tuloy panay ang kantiyaw nila kay Sasha na ngayon ay hindi alam kung anong expression meron sa mukha nito.

I CLAIM MY DESTINY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon