Dahil sa sobrang boring ni Alondra nakinig nalang ito ng music. Nasa kalagitnaan siya ng pagkanta ng may biglang dumating na siyang nagpatigil dito.
Parang napahiya pa si Alondra dahil sa nagawa baka ano isipin nito. Nginitian niya ng pagkatamis si Manong guard naalala niya kasi ito ang guard na bumati sa kanya kaninang umaga.
"Yes Manong guard may kailangan kaba sa akin?"tanong nito.
"Meron po kayong delivery Ma'am at tamang tama na ako napagtanungan ng delivery boy kaya hinatid ko nalang po dito sa opisina niyo,"paliwanag ng guard dito.
"Ha delivery para sa akin baka nagkamali lang kayo Manong wala po akong pinadeliver at sosyal ko naman kung dito ko pa sa opisina iaddress. Baka mali lang pagkabasa mo,"nakakunot noo nitong sabi.
Napakaimposible na siya ang nagpadeliver kung ano man ang laman ng supot na dala ni Manong. Hindi nga ako nakapagdeliver sa bahay namin dito pa kaya sa opisina. Saan naman ako kukuha ng pambayad wala nga akong pera magpapadeliver pa ako.
Pakamot kamot sa ulo na pinatong ni Manong guard ang supot sa lamesa nito.
"Hindi talaga ako nagkamali Ma'am Alondra tingnan mo may nakasulat na name at address dito. Kaya hindi talaga ako nagkamali Ma'am,"sabi at pangungumbinse ni Manong sa kanya."To:Miss Alondra Tiongco,"basa ni Alondra sa labas ng supot. So tama si Manong para nga sa kanya ang delivery na ito. Ngunit saan ito galing hindi naman siya umorder ah. Isa lang ang naisip ni Alondra na alam na may magreregalo sa kanya at alam kung saan siya nagtatrabaho si Don Manuel.
"Okey,thank you po Manong ha pasensiya na naabala tuloy kita dapat tumawag ka nalang para makababa ako para kunin ito?"magalang at nakangiti na sabi ni Alondra sa guard.
"Wala pong ano man iyon Ma'am Alondra. Saka pala Ma'am sabi ng delivery boy bayqd na po iyan.
Mauna na po ako sa baba at maglunch break na din po. Saka Ma'am baka ako pa nga ang nakakadisturbo sa iyo eh,"nakangiting sabi ni Manong."Ha,paanong disturbo Manong. Boring na boring na nga ako dito dahil wala akong ginagawa mula pagdating ko kanina ,nakaupo lang ako dito at naghihintay na mag lunch break na.Ganito ba talaga dito sa kompanya niyo Manong akala ko ba masyadong busy mga tao dito,"nagtataka niyang tanong.
"Ang ibig ko sabihin Ma'am baka nakadisturbo ako sa pagkanta mo kanina naputol ata ng dumating ako.Maganda pala boses mo Ma'am. Pweding pangcontest sa tawag ng tanghalan sa showtime o hindi kaya sa Philippines Idol Ma'am Alondra,"masaya nitong sabi at akala mo isa siyang magulang na proud na proud ito sa anak niya.
Napahiya man ng kunti dahil naabutan siya
ni Manong guard kung saan siya bumibirit sa pagkanta. Ngumiti si Alondra dito at nagpasalamat.Buti pa ang ibang tao nakikita at naaapreciate ang talents niya samantala ang pamilya niya mismo hindi ito nakikita. Nang sumagi sa isipan ni Alondra ang pamilyan niya nalungkot ito.Naalala kaya siya ng mga ito wala manlang kasi text o tawag sa kanya mula ng umalis siya doon sa kanila kahapon?"Siguro kung ako ang mga magulang mo Ma'am Alondra isasali kita doon sayang kasi ng talents mo sa pagkanta kung hindi mo maibabahagi sa iba,"proud nitong sabi.
Dahil sa galak at tuwa nito dahil sa sinabi ni Manong guard bigla niya itong niyakap ng pagkahigpit at hinawakan sa mga kamay.
"Super thank you talaga Manong ha," halos naluluha nitong sabi hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Alam mo iyong pakiramdam na kahit paano may naniniwala pala na may isa kang tinatagong talento.Natigil sa pagyakap si Alondra ng may narinig silang nagriring na cellphone agad niya hinanap kung saan nanggaling ang tunog at nakita niyang namutla si Manong guard habang hawak ang cellphone nito at titig na titig sa screen. Nagtakan si Alondra dahil biglang umiba ang awra ni Manong mukhang takot ito.
BINABASA MO ANG
I CLAIM MY DESTINY
RomanceDo you believe in destiny? Naniniwala kaba na lahat ng mga nangyayari sa iyong buhay ay gawa ng tadhana? Maganda o masama man? Mahirap ba talaga labanan ang isang bagay na sa iyo ay nakatakda? Paano kung pati ang iyong puso ay kalaban mo? Ano ang iy...