01

133 7 13
                                    

"Good morning po tito Ed" sabi ko ng makapasok ako sa bahay nila Zheil.



"Good morning sin Elowen" bati sakin ni tito na sa tingin ko ay paalis na at pupunta ng trabaho.



"Si Zheil po tito nasaan?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang buong paligid.



"Ang batang 'yon tulog pa, nagpuyat kagabi kalalaro nung online game" sabi ni tito sa akin. Hindi na ako magtataka kung sabihin yon ni tito dahil palagi naman yon napupuyat kapag walang pasok. Kung minsan nga tulog yon maghapon tapos gising sa gabi. Dinaig pa non ang mga call center agent sa gabi. 



"Ahh ganon po ba. Akala ko po gising na" sabi ko pa. Mukhang aalis na si tito dahil nakasuot na  ito ng pants black at longsleeve na white.



"May kailangan ka ba sa kanya?" Tanong nito sa akin




"Opo. Nangako po kasi siya sakin na sasamahan niya ko pumuntang bookstore." kinausap ko siya kahapon na samahan ako bumili ng books na need ko para makapagreview ako and I reminded him to sleep early pero nagpuyat pa rin siya. Ang tigas talaga ng ulo kahit kailan. 



"Paano ba 'yan Elowen I need to go. Umakyat kana lang sa room ni Zheil, gisingin mo na siya then kumain na rin kayo bago umalis, magpaluto na lang kayo kay Manang Mayta ng gusto niyo kainin." nakangiting sabi nito sa akin. Si tito Ed ang daddy ni Zheil, parang tatay na rin ang tingin ko sa kanya, simula nung sinama ako ni Zheil dito sa bahay nila ay tinuring na rin nila akong parang sariling anak kaya 'di na ako masyado nahihiya kapag pupunta ako rito. 



"Sige po tito, ingat po!" nakangiti kong sabi. Pagkaalis ni tito ay nagmadali na akong pumasok sa kwarto niya, naabutan kong nakahiga at himbing na himbing ang tulog ng kumag, para magising siya ay pabagsak akong humiga sa ibabaw niya. 




"Aray ko! Tangina!" Sa lakas ng pwersa ng kamay niya ay nailaglag niya ako sa kama kaya tumayo akong nagtatawa. Siya naman ay nakaupo na nakasimangot at pipikit-pikit pa ang mata. Masama niya akong tinignan dahil sa pagkakaabala ko sa pagtulog niya.




"Elo pati ba naman dito sa kwarto ko nangbubulabog at nanggugulo ka?! Agang aga! Magpatulog ka naman! Puyat ako! Umayos ka!" Inis na sigaw nito sa akin habang binabato ako ng mga unan




"Bubulabugin talaga kita! Di ba may usapan tayo na sasamahan mo ako sa bookstore?!" inis na sumbat ko sa kanya habang nakahalukipkip sa harap niya. 




Dahil sa sinabi ko ay napakamot ito sa ulo ng malala at nagpapadyak, halatang gusto pa nito matulog pero pasensiyahan na lang tayo nangako ka na sasamahan mo ako, wala ng bawian. You should never fail your promise to me. You know what will happen next kung hindi mo ako sasamahan. 

He Was My First Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon