EPILOGUE

89 1 0
                                    

Zheil

I feel so empty without her by my side. Tahimik lang ako habang nakaupo at nakasilip sa bintana ng room namin. It's almost two months since she left. Hindi ko alam kung paano ko nakaya ang dalawang buwan na hindi man lang siya nakakasama.



"Miss mo na naman, 'no?" Napatingin na lang ako kay Drew na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. He's my new classmate this year, naging tropa ko na rin siya dahil sa pangungulit niya.



"Araw-araw ko namang namimiss." Mahina kong sabi. Narinig ko ang pagtawa niya kaya naitulak ko na lang siya dahil alam kong aasarin na naman niya ako hanggang sa mapikon na ako.



Paalis na sana ako para pumunta n alang sa canteen nang humarang si Ava sa dadaanan ko. She's smiling at me but I feel irritated, ang lagkit kung makatingin kasi.



"Where are you guys going? Pasama ako!" Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. Sumula noong magsimula ang klase, palagi na siyang lumalapit sa akin, alam ko naman ang pakay niya kaya mas mabuti kung iiwas ako sa kaniya lalo pa at kilala siya rito sa campus na malandi.



"Let me join you, guys." Halos mapapikit na ako dahil sa inis, pati ba naman sa pagkain namin ng lunch nakasunod pa rin siya.



"Stop this shit Ava, may girlfriend na si Zheil. Hindi mo 'yan malalandi." Mabuti na lang siya na rin ang sumagot kay Ava, ayoko talagang makilag-usap sa kaniya.



"So? I'm not here to flirt with him, I just want to be friends with you guys." Kahit na itinanggi niya ay ramdam ko naman na ibang-iba siya kung makadikit sa akin.



Mas lalo pa siyang naging malapit sa amin nang kaming tatlo ang naging magkaka group sa practical research namin. Halos gusto niya araw-araw kaming magkita para gawin yung school works nang sama-sama.



I really miss her so bad, halos bihira ko siya maka video call dahil na rin kapag umaga rito ay gabi naman sa Canada, hindi nagtutugma ang oras naming dalawa.



Elo_bharton: Congrats, love! I love u.



I received a message from Elo, tatawagan ko sana siya kaso she's active thirty minutes ago, tulog na siguro 'yon kaya minabuti kong 'wag na lang.



_zheilolivar: thank you, babe! I'll call later. I love u.



Ibinalik ko sa bulsa ko yung phone ko nang akbayan ako ni Drew na kagaya ko ay naka toga rin dahil kakatapos lang ng graduation namin. Ang bilis ng panahon kasi after nito mag a apply na kami for college entrance.



"Ano pre, mag Maynila tayo sa college?" nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad na kami papalabas ng school.



"Ewan ko pa, sila mommy naman magdedecide kung saan ako papasok." walang gana kong sabi, kahit saan naman kasing school okay lang sa akin as long as makakapagtapos ako, pwede na 'yon.



"Pre, malaki kana! Ikaw na magdesisyon para sa sarili mo. USTe tayo? Balita ko maraming magaganda roon." napapailing na lang ako, kaya ba niya gusto sa Maynila para makahanap ng babae?



"Bahala ka sa buhay mo! Ayoko sumama sa'yo, puro ka kalokohan!" sabi ko pa sa kaniya sabay tinakbuhan ito para makalayo na sa kaniya.



"Dad, mom!" I saw them outside the school waiting for me.



"Saan ka 'ba galing? Kanina pa kami nag-iintay ng mommy mo." tanong ni daddy sa akin, bahagya akong ngumiti dahil alam kong mabilis mainis si daddy kapag pinag-iintay siya, mahalaga para sa kaniya ang bawat oras.



He Was My First Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon