02

78 6 7
                                    

Naandito ako sa kwarto ko. I was watching me and Zheil's videos. Naisip ko lang kasi na panoorin yon kasi why not? Mahilig si Zheil magvideo kapag kasama niya ako, sometimes vine-video niya ko habang kumain at kung ano-ano pa. Hindi ko mapigilang mapangiti kada nakikita kong tinatawanan ako ni Zheil sa video.



How can it be possible na bigla na lang ako naga-gwapuhan sa kanya? Matangos na ilong, itim na buhok at mahabang pilik mata.... ughhh he's so perfect! I know his just my bestfriend pero gusto ko na siya, i'm inlove with him pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. 



"Nako Wena!" Napaiktad ako sa biglang nagsalita sa gilid ko



"Kuya?!" Inis na sabi ko rito "Anong ginagawa mo rito?! Di man lang marunong kumatok?!"



"Ano 'yan ha? Bakit ngumingiti ka habang tinitignan yang mukha ni Zheil?" Tanong niya na may halong pang-aasar



Agad ko naman ibinalik sa homescreen ko 'yung phone ko at umayos na ng upo. Ayokong malaman ni kuya na gusto ko si Zheil, sure ako ma aasarin niya 'ko ng malala.



"Wala ah! Tsaka namalik-mata ka lang, ba't ko naman ngingitian ang kumag na 'yon! Doon kana, mag-aaral pa 'ko!" Pagpapaalis ko sa kanya



"I'm just asking. Ang deffensive, lalo ka tuloy napaghahalata," nakangiting sabi niya sa'kin



"Ano ba kailangan mo? Ha!"



"Aalis ako mamaya kasama mga tropa ko. Malelate ako ng uwi" sabi nito sa'kin habang nasa bulsa ang isang kamay. 



"Who cares? E'di umuwi ka ng late, hindi naman ako ang masesermonan." sabi ko sa kanya



"That's the point. Pagbuksan mo ako mamaya ng pinto para hindi na magising si mommy." sabi nito sa akin. Trip kase lagi nito mag bar kasama mga tropa nito tapos uuwi ng madaling araw kaya laging napapagalitan ni mommy. Ewan ko ba sa lalaking 'to, ilang beses ng pinagsabihan ni mommy na umuwi on time pero hindi nakikinig. 



"Ayoko nga. Madamay pa ako sa kalokohan mo! Pareho lang tayo mapapagalitan, ayoko mawalan ng allowance!" angal ko. Ganoon kasi si mommy sa kanya kapag nalaman niyang late na naman itong nakauwi, hindi niya binibigyan ng allowance.



"Tanga! Bubuksan mo lang naman yung pinto para makapasok ako tapos umakyat kana sa room mo after non. Yun lang." sigaw nito sa akin



Kung hindi ko lang talaga ito kuya baka nasapak ko na 'to kanina pa nanggugulo "Kung gusto mo makapasok mamaya si mommy ang tawagin mo! Sure ako pagbubuksan ka niya anytime at i-ready mo na ang sarili mo sa katakot-takot na sermon niya."

He Was My First Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon