21

60 1 0
                                    

"Ok, cut!" agad akong napatayo after isigaw 'yon ng director. Tinulungan pa ako ni Adie na punasan ang likod ko dahil medyo mabigat at nakakapagod ang scene na ginawa ko, kailangan ko kasi magpagulong-gulong sa kalsada dahil sa scene na 'to ay nabangga ako ng isang kotse. Halos marami nga rin ang nakukuha kong pasa pero parte naman 'yon ng trabaho ko kaya minsan ay hindi ko na lang iniinda.





"Verygood El." bati sa akin ng director bago sila mag-uwian habang ako ay iniintay pa si Adie, naghahakot pa siya ng mga gamit ko para ilagay sa likod ng van ko. Ako naman ay ginagamot ang galos na nakuha ko kanina, mabato kasi yung pinag gulungan ko kaya nagkagasgas ang siko at tuhod ko.





Naging routine ko na rin 'to araw-araw dahil naging full time actress na ako sa Pilipinas. Marami na ring gustong kumuha sa akin as their main lead actress pero minsan ay hindi ko maiwasang tanggihan ang iba kahit gustong-gusto ko, napapagod din naman kasi ako at kailangan ko ng pahinga.



"This is your schedule for today, mas marami ang kailangan mong gawin ngayon kaysa sa kahapon." sabi ni Adie habang kinakain ko ang umagahan ko, nakakapagod na agad kahit na tinitignan ko pa lang.



"Adie can you get me a thermometer?" walang gana kong sabi habang pinipilit na kainin yung nasa harapan ko, pagkagising ko kasi ay masama na ang pakiramdam ko at wala na rin akong ganang kumain.



"Here." sagot niya habang tinititigan ako at iniintay na tumunog yung thermometer. Nang tumunog na ito ay chineck agad ni Adie.



"May sakit ka, ang taas ng lagnat mo! Let's go to hospital." pag-aalala niya, nasa thirtynine degree kasi ang temparature ko pero umiling lang ako ng mahina, uminom muna ako ng tubig bago ako magsalita.



"Okay lang ako, sinat lang 'to. Kailangan kong pumunta sa fanmeet event ko, marami silang nag-iintay sa akin." nanglalambor na sabi ko. gustuhin ko man na magpahinga na lang pero mas nag-aalala ako sa mga taong pumunta sa fanmeet event ko. I know a lot of people came from far away city or province just to see me. They expecting me to come, so I should be there no matter what.



"El, alam kong nag-aalala ka sa kanila pero we can re-schedule it, mas pakialaman mo ang kalusugan mo, you're being sick now!" naiinis niyang sabi sa akin dahil sa pagpupumilit kong umalis kami ng bahay at ituloy ang fanmeet.



"Adie listen to me, kaya ko. Uminom na naman ako ng gamot 'di ba? Mamaya magiging ayos na ulit ako." pagpupumilit ko kahit na sa simula pa lang ay ayaw talaga nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ko pero binigyan niya ako ng isang kundisyon, after ng event ay magpapadiretso ako sa ospital para magpaconfine, even though I don't want to stay in the hospital.



Everything was ready, kinausap na rin kami ng event coordinator kung ano ang magiging sequence ng event activity. Wala naman ako masyadong gagawin, uupo lang ako para pumirma sa lahat ng fans ko at minsan naman ay sasali raw ako sa mga activity. Pinili kong huwag na ipaalam sa kanilang may sakit ako at mabuti na lang ay hindi na umangal si Adie.





"Okay guys! Let's all welcome, the one and only Miss El!" I heard all the warm welcome of my fans while clapping their hands. Kumaway at ngumiti lang ako sa kanila habang ang isa kong kamay ay hawak ang mic na ibinigay sa akin.



Medyo nawala na rin yung lagnat ko pero ramdam ko ang unti-unti kong panghihina, uminom ulit naman ako ng gamot bago umakyat ng stage pero mukhang hindi tumatalab.



"Hi everyone!" nakangiti kong sabi sa kanilang lahat kaya mas lalong lumakas ang sigawan at palakpak nila.



Nagpatuloy ang event, maraming fans ang sumaya sa mga pa-games ng host at ang ilan ay hindi talaga napigilang lumapit at yumakap sa akin. Minsan nga ay inilalayo na ako ni Adie pero ako na lang ang mismong pumapayag na palapitin sila sa akin dahil ayoko naman na maging suplado at masungit sa kanila.





He Was My First Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon