Prologue

1.6K 81 2
                                    

Dear Diary,






Natatakot ako sa kasalukuyan na baka matapos na naman ang lahat. Lahat ng saya, totoong mga ngiti at totoong mga tawa. Natatakot akong mapalitan na naman ng puro pait at sakit ang bawat sandali. Natatakot akong makita ko na naman ang sarili kong umiiyak na naman gabi gabi. Natatakot ako na mababasa na naman ang mga unan ko dahil sa mga luhang dala dala ko sa umaga at binubuhos ko sa hating gabi.   Natatakot ako sa posibilidad na susubukin ulit ako ng mundo. At sa lahat ng takot kong ito, dadating pa din pala, dadating pala ulit yung takot ko



Kasi dumating ka sa buhay ko.


Magkaibang sakit ang dinanas ko sa nakaraan ko at sayo, pero dumoble lang yung sakit, dinagdagan mo lang yung sakit na akala ko natakasan ko na dati pero hindi pa din pala.



mas isasakit pa pala.



Nakilala kita sa mga panahong wala akong ginusto kundi ang mapag isa at kontentong mag isa. Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kung kelan hindi ko kailangan ng mamahalin tsaka ka niya ipinakilala sa akin.




Araw araw kitang nakakasama, araw araw kitang nakikilala at sa bawat araw na mas nakikilala kita ay onti onti kong naiintindihan ang ibang tao kung bakit nila nasasabing ang sarap magmahal at the same time ay masakit din itong maramdaman.



Masaya at masarap magmahal, dahil araw araw kong nakikita ang mga ngiti mo, ang mga tawa mo at pagiging masaya mo ng dahil sakin. Sa akin mo lang pinapakita ang mga kahinaan mo at mga simpleng kaligayahan mo, na hindi alam ng kahit na sino dahil mahalaga ako sayo, sobrang mahalaga ako sayo



Dahil bestfriend mo ako.



At sa tingin ko ay hanggang doon na nga lang ako sayo. Hanggang dun nalang ang parte ko sa buhay mo.



Sa saya at sarap sa pakiramdam magmahal, dito mo din pala mararanasan ang sakit. Ang sakit na mag isa ka lang nakakaramdam ng pagmamahal. Mag isa mo lang itong pinaglalaban. Sarili mo lang ang nakakaalam.




Kahit na magkalapit tayong dalawa, palagi man tayong magkasama, pakiramdam ko ang layo layo natin sa isa't isa.



Dahil ginugusto kita habang ginugusto mo din siya.



Araw araw kitang tinatanaw at araw araw ko din natatanaw na pinapangarap mo siya habang, ako pinapangarap kita.




Mas mabuti ng ako at ang diary ko lang na ito ang nakakaalam na gusto at mahal kita Amanda.




Ang layong gustuhin mo ako.




At ang labong mahalin mo din ako, mahal ko.






-Jaydee

Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now