Chapter 27

390 78 27
                                    









Jaydee.









"Yes, Drev." Ayan ang huling narinig kong sinabi ni Amanda bago ko namalayan na naglalakad na ako palabas sa lugar na yon.




Gusto kong umalis sa lugar kung saan ikakasakit ko lang. Umiiyak na pala ako habang naglalakad sa kung saan para lang makatakas sa lugar na yon.




Hindi ko alam kung anong mararamdaman at gagawin ko ng marinig ko ang sagot ni Amanda kanina.




Kita ko ang saya ng pamilya ni Drev, kita ko ang saya ng mga tao sa paligid ko habang ako nasasaktan sa mga nangyayare.




Hindi ko naman hinangad na mahalin si Amanda at hindi ko din hinangad na harap harapan ko pa siyang makitang pagmamay ari na ng iba.




Para akong sinasaksak sa sakit na nararamdaman ko ngayon habang iniisip ko ang pag oo niya kanina sa kapatid ko.




Alam ko naman na dadating ang araw na 'to pero mas masakit pala pag nangyare na kesa naiisip mo pa lang.




Wala akong iniisip na iba ngayon kundi ang sarili ko. Nagdesisyon akong bumili ng alak at inilagay yun sa kotse na dala namin ni Laney.




Gusto kong magpakalayo layo at mag isip ng maayos. Alam kong 'corny' sa iba pero ito ang isa sa makakatulong sa akin.




"Dong." Tinignan lang ako nito at ngumiti sa akin ng malungkot. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.




Sobrang napaiyak na ako ng naramdaman ko ang yakap niya sa akin. Dahil sa nararamdaman kong ito, simpleng yakap lang gusto ko ng humagulgol ng humagulgol.




"It's okay to cry. Iiyak mo lang ng iiyak. Andito lang ako palagi." Sabi niya pa habang tinatapik niya ang likod ko.




"Ces, Sobrang sakit. Kung kelan handa na akong ipaglaban yung nararamdaman ko, dun pa siya naging handa sa kuya ko. Hindi man lang hinayaan ng tadhana na masabi ko ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit yun lang, kahit hindi na niya ako mahalin pabalik." Inaya ako ni Frances na umupo sa may bandang park malapit sa amin.




Tinitignan niya lang ako at bigla niyang hinawakan ang mukha ko at malapitan akong tinitigan.




"Hindi kita pinalaya para lang makita kang  ganito." She said while rubbing my cheeks of her thumb.




Tinitigan ko lang siya habang binibigkas niya ang mga katagang yon, ito ba ang dahilan kung bakit may lungkot pa din sa mga mata niya?




"I'm happy now, you know that. Pero pag tuwing nakikita kong nasasaktan ka dahil sa kanya, sobrang nasasaktan ako. Kasi siya naman talaga ang isa sa dahilan kung bakit binitawan kita umpisa pa lang." Anong sinasabi nito?




"Nung naging tayo dong, walang araw na hindi mo siya binanggit sa usapan natin. 'kamusta na kaya siya?' 'gusto ko na siyang makita.' 'gusto ko na makasama si Amanda.' Ayan palagi ang sinasabi mo pag tuwing nag kakausap tayo."




"Yung feeling na minsan ka na nga lang magkwento sa akin pero puro siya pa ang palagi inoopen mong topic. Iniisip ko nga, ganon mo ba siya kamahal para ipagmalaki mo siya saking girlfriend mo?" Hindi ko alam na ganito na pala yung napaparamdam ko sa kanya noon. I feel sorry.




"Gusto kong magreklamo. Pero seeing you happy while talking to her name makes me soft, makes me weak. Kasi kahit isang beses hindi kita napasaya ng ganon. Siya lang ang nakagawa non. At ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon mo siya pinapahalagahan."




Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now