Chapter 3

397 40 0
                                    

Jaydee.









Nang makaupo kaming dalawa ni Laney sa waiting room ay hindi pa din naalis sa isipan ko ang pangalan na sinabi kanina ng babae.






Masyadong pamilyar ang Isidto sa akin.





Kamusta na kaya siya? yung babaitang yun, miss na miss ko na talaga siya. Di ko akalain na nagulo niya talaga ang buhay ko simula ng maging magkaibigan kami.



Gustuhin ko man na magkaroon ng communication sa kanya pero hindi ko mahanap yung account niya sa mga socmed na meron ako.



Mukhang pinanindigan niya ang sinabi niya sa akin dati.



'Wag mo nang subukan na hanapin ako sa social media. Gusto kong kusang gumawa ng way si tadhana para magkita ulit tayong dalawa at ipagpatuloy ang pagkakaibigan natin. Okay ba Jaydee?'


Pagtuwing naaalala ko yun napapasimangot nalang ako ng malala dahil bakit nga ba ako pumayag sa gusto niyang mangyare, yan tuloy wala na akong balita ng ilang taon sa kanya.


Gustuhin ko man na tumutol sa gusto niya pero wala din akong magawa kundi umoo dahil hindi naman ako nananalo sa babaeng yun.




Pagtuwing tumututol ako sa kanya palagi niyang sinasabi na




'Kung hindi ka sigurado na magkikita tayo sa future, ako siguradong sigurado. Maniwala ka Jaydee, magkikita pa ulit tayo at sa pagkakataong yun wala nang kailangan umalis pa.'




Kaya wala akong choice kundi sundin ang babaeng feeling boss ko.



"Dong, tulala ka na naman diyan. Hindi ka ba kinakabahan?  Malapit kana oh. Mas malalalim pa yang iniisip mo kesa sa kaba ko." pagputol ni Laney sa iniisip ko.


"Tumahimik ka nga diyan bhie. Syempre kinakabahan ako kung alam mo lang. May naalala lang talaga ako sa apelyido nang boss natin na mag iinterview daw satin ngayon."


"Ano nga ba ulit yung— Ahh Isidto! Oh anong meron sa apelyido na isidto dong?" Nagtatakang tanong sa akin ni Laney.


"Naalala mo ba yung babaeng kinikwento ko sayo dati na kaibigan ko? i mean best friend ko? yung pinaka unang best friend ko na si amy?" Pagpapaliwanag ko sa kanya.


"Ahh oo. Yung babaeng pinaka unang ginulo ang buhay mo, bago ako. Yung babaeng walang ginawa kundi asarin ka at kulitin. Yung babaeng hanggang ngayon kahit na hindi na kayo nagkikita at nagkakasama, mukhang ginugulo ka pa din niya sa isipan mo. Oo kilala ko si Amy." Natatawang paglalarawan ni Laney sa babaeng tinutukoy ni Jaydee.


"Grabe ka naman bebang. Wala ba akong matinong kinwento tungkol kay Amy. Baka mamaya niyan, yan yung mga ikwento mo sa kanya, itatakwil na kita kung ganon."


"Meron naman, kaso ayan lang mga tumatak sa akin dahil ayan paulit ulit mong sinasabi noh. Atsaka okay lang na itakwil mo na ako sa oras na magkwekwento na ako sa kanya dahil magiging magkaibigan na kami ni Amy sa araw na yun." Mas natawa naman si Laney sa reaksyon ni Jaydee na ngayon ay nakasimangot na.

"Ayos mukha dong, ikaw na iinterviewhin oh." Tama nga si Laney dahil ako na ang tinawag ng secretary ng mag iinterview sa amin.

"Ms. Jennifer Nandy Nava, ikaw na po ang susunod. Good luck to your interview miss." Sabi sa akin ng secretary na si Ms. Langat at sinamahan ako sa opisina ni Ms. Isidto.

Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now