Chapter 22

368 59 11
                                    






Laney.







Ilang araw na din na wala si Jaydee. Apat na araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho, kahit ako ay hindi ko alam kung nasaan siya.



Kahit sa condo niya ay wala siya. Hindi naman siya nagpaalam sa akin o kahit na kila ate ruth at amanda.



Akala ko magpapahinga lang siya nung tumanggi siya sa pagyaya ni Amanda , yun din pala yung araw na hindi na siya magpaparamdam.



Nasaan na kaya yung babaeng yon? Kahit ako ay nag aalala sa kanya.




'Nasaan ka na ba dong? Maayos lang ba ang kalagayan mo?' Sana nga. Sana.




Gustuhin ko man ipalaam kay Jaydee na mukhang pinopormahan na naman ng kapatid niya si Drev ay hindi ko naman siya mahanap.




Katulad ngayong araw, andito na naman siya sa opisina ni Mandeng.






"Good Morning Sir Drev!"




Bati sa kanya ng mga tao. Habang ako ay seryoso lang na nakasulyap sa kanya papunta sa opisina ni Amy.



Hindi ko kayang galangin ang mga nananakit kay Jaydee. Hindi nila deserve lalo na kung kagaya lang din pala ng pamilya ng lalaking 'to.




"Aga aga nakabusangot ka jan ah." Bigla naman akong napabalik sa katinuan ng lumapit sa akin si Ate Lang.





"Pasayahin mo yung aura mo naman. Ang lungkot na ngang wala si Jaydee tapos ganyan ka pa." Nakita ko ang lungkot sa ngiti ni Ate Lang habang sinasabi yon.




Pansin ko din ang paglungkot ng paligid ko nung nawala si Jaydee. Akala namin saglit lang siya mawawala pero ilang linggo na wala pa din siya.



Sa sobrang bait ata ni Jaydee lahat ng nasa paligid niya ay nadala na niya. Ultimong yung mga dating binabackstab si Amanda ay mukhang nahiya sa kabaitan ni Jaydee kaya sila yung umalis.




At alam ng bawat tao dito na si Jaydee ang dahilan kung bakit onti onti nang nagiging mabait sa kanila si Amanda.




Kaya siguro sobrang tahimik din ng paligid ko lately, dahil naapektuhan din sila sa pagkawala ng presence ni Jaydee.




"Imbes na gawain 'to ni Jaydee, ako yung gumagawa para sa kanya. Hatdog na yan nasan na ba ang babaeng yon?" Ramdam ko ang lungkot ni Ate Lang kaya mas nalungkot lang lalo tuloy ako.




Napatigil kami ng bumungad sa amin si Amanda na kakadating lang habang seryosong nalalakad. Bumati lang siya ng seryoso sa paligid niya. Siguro ay nasanay na lang din siya. Pero bumabalik na naman ang pagiging seryoso niya. Maliban na lang pag kausap niya si Drev. tsk.





"Kaya ka ba kanina pa wala sa mood dahil sa presence ni Mr. Bueva?" Tumango na lang ako dito habang nakatingin pa din sa gawi nila Amanda. "Palagi ka na lang ganyan. Init ng dugo mo sa kanya."





"Kapatid siya ni Jaydee." Kita ko ang gulat kay Ate Lang.




"Ano?? Edi baka may alam siya kung naasan si Jaydee. Pwede nating tanungin." Umiling lang ako sa kanya.






"Pag si Jaydee ang usapan, tahimik lang yan. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang wala siyang pakialam sa kapatid niya." Ayun yung ikinaiinis ko pa lalo kay Drev ngayon. Sinubukan namin siyang tanungin ngunit puro 'hindi ko alam ang sagot niya.' Nakakainis na talaga siya.





Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now