Chapter 28

384 76 19
                                    







Ilang linggo na hanggang sa umabot na ng buwan ang paghihintay ni Amanda kay Jaydee.





Bago pa man siya nagmessage kay Jaydee nung gabing yon ay madalas na niya itong tawagan.





Palagi din siyang nag iiwan ng sulat sa pintuan ng condo ni Jaydee. Dahil kahit anong gawin niyang tawag at text dito ay hindi siya sinasagot nito kaya naisip niya na baka hindi niya nababasa ang text niya kaya sinusulatan na lang niya ito.





At palaging nakalagay dun na maghihintay siya sa Café na palagi nilang pinupuntahan noon.





Palagi niyang tinatanong sa kawalan ng paulit ulit kahit walang sasagot sa kanya, 'Kelan  kaya niya ako balak siputin?' 'Kelan niya ako balak harapin?'





Gustuhin man niyang masagot agad ang katanungan na gumugulo sa kanya ngunit hindi niya magawa. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa bigat na nararamdaman niya.





Naalala na naman niya ang taong nagtanong tumabi at nakipag usap sa kanya habang naghihintay siya sa lugar din na pwesto niya ngayon.












Matiyaga kong hinihintay si Jaydee sa paborito niyang Café. Tama, naging paborito ko lang naman itong lugar dahil din mismo kay Jaydee.





Madalas niya akong dalhin sa lugar na 'to lalo na pag gising pa ako sa madaling araw.





Palagi niya akong sinasamahan i-deal ang anxiety na umaatake sakin tuwing ala una ng madaling araw.





As far as I know, i'm not into coffee or tea but Jaydee always change me, she change the whole me.





Kitang kita ko ang mga mata niyang mapupungay tuwing nagkikita kami sa Café na ito, natatawa na lang ako sa kanya pag ganon ang itsura niya.





At natutuwa ako dahil palagi ko sa kanyang sinasabi na kaya kong i-deal mag isa ang nakasanayan ko na pero lagi niya sakin sinasabi na,






"Hindi ko hahayaan na mag isa ka."





Hindi ko namamalayan na sa mga simpleng ganon lang niya, nahuhulog na pala ako. Hanggang sa heto, hindi na ako makabangon.





Pag tuwing naaalala ko ang sinabi niyang hindi niya ako hahayang mag isa, nasasaktan ako. Dahil nandito ako ngayon ilang buwan ng nag iisa, habang hinihintay yung taong nagsabing palagi ko siyang kasama.





Gusto kong umiyak, gusto kong humagulgol dahil nasasaktan ako. Kasalanan ko naman pero bakit ang sakit sakit.





"Siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa,
Siguro nga ay hindi tayo itinadhana."





Meron na namang pumasok sa akin na idea sa sinusulat kong kanta dahil sa nararamdaman ko ngayon.





"Para sa taong nagugustuhan mo ba yan?" Biglang upo ng magandang babae sa harap ko. Ngumiti lang ako sa kanya at pinunasan ang mga luhang natira sa mga pisngi ko.





"I think para sa kanya nga." Nahihiya man ako ay tumango na lang ako dito. Maganda siyang babae, mukhang magkaedad sila ni Mommy.





"Sorry I forgot, okay lang naman na makiupo kasama ka?" Umoo naman ako dito dahil wala naman na din akong choice.





Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now