Chapter 32

497 75 15
                                    







Amanda.








Napamulat ako ng mata ng may tumamang araw sa aking mukha. Naramdaman kong nakahiga ako sa kama, at hindi alam kong hindi sa aking kwarto ito.





Nilibot ko pa ang mata ko sa paligid ko para masuri kung nasaan ako.





White and Black ang theme ng kwarto niya at may iilang red din. E-edi andito ako kila J-jaydee??





Agad kong inalala ang nangyare kagabi ng nasa bar kami ngunit hindi ko na talaga matandaan ang ibang pangyayare. Ang huling naaalala ko lang ay ang muntik na silang maghalikan ni Frances. Hayy.





At naaalala ko lang din ay ang panaginip ko na napakaganda.





'Ang mahalin din ni Jaydee.'





Masyadong mapanakit na ang mga panaginip ko ha. Ayoko ng ganito. Gusto ko ng mawala sa lugar na 'to





Bigla naman bumukas ang pinto sa kwarto kung nasaan ako. Niluwa nito ang nakangiting Jaydee.





Nakangiti itong nagtungo sa akin at hinalikan ako sa labi. Gulat na gulat ko siyang tinignan.





"Good morning, baby." Ngiti nitong hinarap ako habang nakadikit pa din ang mukha niya sa mukha ko. Pati ang mga ilong namin ay nagsasanggian.





'Ibig sabihin this time totoo ang panaginip ko?'





"Woy, tititigan mo lang ba talaga ako? Para namang hindi mo ako girlfriend niyan, Amanda."





"Girlfriend?" Lumayo naman sakin si Jaydee at hindi ako makapaniwalang tinignan.





"Seriously? Hindi mo talaga matandaan? Wag mo sabihin na hindi totoo yung mga sinabi mo??" Hindi ko naman siya nasagot agad dahil masyado ko pang sinisink in ang nangyayare. Kaya mas nakita ko ang pagkadismaya sa kanya.





"Putcha!" Madiin na pagkakabulong nito na rinig ko naman.





Gusto kong matawa dahil kita ko ang frustration sa kanya ngunit pinipigilan ko lang dahil baka mapikon na lalo.





"Wag mo na lang pansinin yung kiss kanina, isipin mo na lang na friendly kiss yon." Dali dali siyang lumabas sa kwarto. Dun ko lang nilabas ang tawa ko dahil sa sinabi niya.





'Friendly kiss? Really? Pagtapos niya ako halik-halikan??'




Sinundan ko ang babaeng may toyo sa baba at naabutan ko siya sa kusina na nakatalikod sa akin at parang malalim ang iniisip niya.





"Ano nang gagawin ko nito? Dapat pala hindi ako nagpadala at naniwala sa lasing." Kita ko siyang napasapo sa noo niya.





'Ang cute cute.'





Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod niya at pinakalma.





"Shh, i love you. Totoo lahat ng sinabi ko sayo kagabi." Hinarap naman ako nito ng nakasimangot pa din.





"Pinagt-tripan mo ba ako?" Natawa naman ako sa itsura niya at kinurot ng bahagya ang pisngi niya.





"Hindi kita pinagt-tripan. Akala ko talaga panaginip lang yung nangyare kagabi yun pala totoo yon. Sorry na, love." Onti onti namang bumalik ang ngiti niya at niyakap na din ako.





Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now