Chapter 19

423 58 22
                                    









Jaydee.






Naging masaya ang halos tatlong linggong magkasama kami ni Amanda. Hindi yung literal na magkasama sa bahay pero palagi kaming nagkakasama sa trabaho pati na rin lumabas.





Ngunit katulad nga ng plano ko ay, hindi ko pa din siya nilalapitan pag nasa oras kami ng trabaho.





Alam kong nasasaktan siya pag tuwing umiiwas pa din ako pag tuwing magkakasalubong lang kami sa trabaho.




Napag usapan naman namin 'to pero ayaw niyang pumayag.



Pero mas ayaw kong gumawa ng dahilan na ikakapahamak niya ng dahil sakin.




Pati na rin si Laney ay kaclose na din ni Amanda. See? Hindi ganon kasama ang best friend ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangan niya mag act na masamang tao sa harap naming lahat.





Dahil sa traydor niyang tito.





"Tulala ka na naman diyan dong habang nakangiti? Really Jaydee? Nababaliw kana kaibigan." Natatawang sabi ni Laney sakin habang nasa hapag kainan kami.





"Ikaw nak ha, baka may boyfriend kana at siya ang iniisip mo kaya ka napapangiti diyan." Asar naman ni tita (mama ni Laney).





" H-huh? tita wala po. Alam mo naman po na wala pa yan sa plano ko." Napatingin naman sa gawi ko si Laney na nakangisi.




'Paniguradong may kahatdogan na naman 'tong sasabihin'.




"O baka naman ma wala talaga siyang balak mag boyfriend buong buhay niya dahil girlfriend ang nais nitong si Jaydee." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tawang tawa siya, habang  punong puno pa ang bibig niya ng pagkain.





yawa.






"Wow, gaya mo ako sayo beh ha." Nawala naman ang ngisi sa mukha ni bebang at ako naman ang natawa sa itsura niya ngayon.






Pikunan pala ha, Go!







"Ma si Jaydee oh!" Pagmamaktol ni Laney.




"Wag kana sumimangot diyan dahil totoo naman." Mas natawa ako lalo sa sinabi ni tita na ngayon ay tumatawa na din. Habang si bebang kitang kita ang pagkaluge niya dahil sa sinabi ng mama niya.




"Yan deserve. Ikaw unang nang aasar tapos ikaw din pala pikon."







"Eh pano ba naman di ako mapipikon itong si mama ikaw yung kinakampihan palagi! Sino ba talaga totoong anak? Ampon lang talaga ako." Nagtinginan kami ni tita at tumawa lalo.





"Itabi mo Laney, ako na." Nakita ko naman na ngumiti si Laney at kasabay non ang pagtawa nito.





Dahil don ay napuno ng tawanan ang hapagkainan.





Pinagmamasdan ko lang silang mag ina at napangiti ng malungkot.

















A family like this is a family that I will never had.






Napansin ko naman ang pagtayo ni Laney sa upuan niya at pagpunta sa pwesto ko.







"Shhhh. You always have us okay? Ipaparamdam namin palagi sayo yung pagmamahal na pinagkait nila na maramdaman mo." Sabay yakap sakin ni Laney at pumunta din samin si tita at nakisali sa yakapan namin.





Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now