Chapter 6

352 39 5
                                    







Nagising ako ng napakagaan ng pakiramdam ko. At isa ito sa minsang kasiyahan ng buhay ko.




Saya na minsan ko lang maramdaman.




Saya na simula umpisa hindi ko na naranasan.




pero sa ngayon,




May isang tao na handang ibahagi sa akin ang saya ng buhay niya.




Ang taong isa sa minsang saya ng buhay ko.




Saya na hindi ipinagdamot sa akin ni Amy.



Simula ng naging kaibigan ko siya totoong nagbago ang pananaw ko sa buhay.



Hindi pala porket hindi ka mahal ng mga taong inaasahan mo na mamahalin ka, ay ganon na din ang ipaparamdam sayo ng iba.




Nagkamali ako.




Dahil kung ganon nga ay wala akong Amy sa buhay ko ngayon.



Lagi niya sakin pinaparamdam na kamahal mahal ako kahit hindi niya sinasabi.



Sa bawat achievement ko sa school ay si Amy ang nandiyan para pumalakpak sa akin.



Siya ang nandiyan tuwing nasasaktan ako.



Kasama ko siya umiyak dahil sa bigat na nararamdaman ko. Kasama ko siya tumawa pag minsang nasisiyahan ang puso ko.



Kasama ko siya tuwing napapagalitan siya ng kapatid niya na naging bantay niya na. Kasama ko siya maglinis ng bahay dahil gusto niya matuto. Kasama ko siya tumakbo pag malilate na kaming dalawa.



Kasama ko siya sa saya at sa sakit ng buhay ko.



Kasama ko siya sa lahat.



Na para bang siya ang naging kalahati ng pagkatao ko.



Katulad ngayon, masaya siyang nanunuod sa akin magluto.



Gusto niya lagi akong panuodin magluto para daw matuto din siya.



Gusto niyang malaman ang mga bagay na alam ko.



Gusto niyang matuto sa mga bagay na natututunan ko.



Para daw may kasama ako sa mga bagay na yun.



Para daw hindi ako mag isa. Ayaw niya daw akong mag isa.



Gusto niya daw ako samahan palagi kung ano man ang trip ko sa buhay.




Si Amy talaga. Ako nalang lagi ang inaalala niya.




Tuwing kasama ko siya, masaya na ako sa simpleng bagay na yun.




Sobrang hindi ako nagsisisi na inispend ko yung time ko sa kanya.




Lalo na ngayon. Na gigising ako at naalaman kong magkaklase kami sa school year na toh.




Good news ba yun o Bad news?




Panigurado idadamay na naman ako ni Amy sa kalokohan niya.




Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now