Chapter 29

406 76 47
                                    









Amanda.








Naging maayos ang pakikisama namin sa isa't isa ni Jaydee. Ngunit pansin kong iwas pa din siya sa akin lalo na pag andiyan ang kuya niya sa paligid.





Kung noon ay madalas lang silang magkasama ni Frances, ngayon naman ay madalas na din na hatid sundo ito ni Jaydee.





At ang mas masakit pa ay minsan na ding natutulog sa condo ni Jaydee si Frances. At ganon din si Jaydee sa condo ni Frances.





Gusto kong magreklamo, gusto kong magtanong, pero natatakot ako sa maaari niyang maging sagot, dahil parang alam ko na ang kasagutan niya, natatakot lang akong harapin ang katotohanang ito.





Akala ko okay na kami eh. Akala ko makakaamin na ako. Akala ko may tamang pagkakataon pa para sa aming dalawa kagaya ng sabi nila.





Pero mukhang wala na.





Paano kung hindi ako natakot? pwede kaya kaming dalawa?





Paano kung noon pa lang hindi na ako nagdedeny ng feelings ko sa kanya, magiging maayos kaya ang lahat ngayon?





Kung umamin ba ako, mamahalin niya din ba ako katulad ng taong palagi na niyang kasama ngayon?





I hate What if's. Pero pag dating kay Jaydee, sobrang nag ooverthink na ako.





Sobrang nanghihinayang ako sa friendship namin pero mas nakakapanghinayang pala pag hindi mo nalabas ang totoong nararamdaman dun sa taong mahal mo.





Para bang habang buhay mong marerealize na duwag ka.





Kita ko ang mga tawa nilang dalawa na kay saya, mga tawang noon ay kaming dalawa ang nagsasalo, kaming dalawa ang magkasama sa bagay na ito pero ngayon, tila ba may pumalit na sa pwesto ko.





"Mahal!" Pag tawag ni Frances kay Jaydee ng makita niya itong muntik ng makabangga nga taong kasalubong niya sa dinadaanan niya.





Gulat akong napatingin sa kanilang dalawa ng magkalapit na naman sila. Anong ibig sabihin ng mahal?





Kahit ang mga ate at kaibigan namin ay nagulat sa pagtawag sa kanya ni Frances ng ganon.





Nakakabigla.





"Wag niyo sabihin na this time, kayo na ulit???" Pagtatanong ni Ate Abby ng matapos ang practice namin. Gusto kong malaman ang sagot.





Ngumiti lang silang dalawa lalo na si Frances na ngiting ngiti simula ng tinanong sila ni Ate Abby. Bakit hindi man lang nagsasabi sa akin si Jaydee?





"Wag niyo ako ngitian, sagutin niyo ang tanong ko." Sabi pa ni Ate Abby na umaktong galit para mapaniwala ang dalawa ngunit tumawa lang ito.





"Oo ate, kami na ulit." Parang huminto ang buong paligid, bagay at mundo ko ng si Jaydee mismo ang sumagot kay Ate Abby.





'Sobrang sakit.'





Nang marinig ko ang sagot ni Jaydee ay onti onting nag sink in  sa akin, na hindi nga talaga kami para sa isa't isa.





Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now