Chapter 20

439 68 10
                                    










Jaydee.










Drev is my stepbrother. Anak siya ni papa sa ibang babae.






Noon pa lang ay hindi na ako nakikipaghalubilo sa kahit kaninong kamag anak ko dahil para sa akin ay pare pareho lang sila lalo na sa side ni papa.








Mas matanda siya sakin ng dalawang taon.








Ang mama ni Drev ay mayaman kaya hindi din ako madalas lumapit dito. Nagtrabaho din ako nung bata ako sa pamilya nila.







Ayaw ko man pero wala akong magagawa dahil ayun yung gusto ni papa at kailangan ko din ng pera sa pag aaral ko.






Mabait si Drev. Kahit na naging katulong ako sa kanila ay tinuring niya ako bilang totoong kapatid niya.









Sinakripisyo ko lahat para sa kanila. Yung kaligayahan ko sana nung bata pa ako, yung buong pamilya na dapat meron ako. At yung pagmamahal ng papa ko na kahit kelan hindi ko naramdaman.







Pag tuwing may gusto si Drev na sa akin kailangan, ay yung mama niya ang nakikipag usap sa akin para mapag bigyan ko siya palagi. 'Kapatid mo naman siya, kaya pwede bang ibigay mo na lang ang gusto niya?'





Gusto kong magreklamo. Dahil palagi na lang sila yung inuuna ko. Palagi na lang sila ang pinagbibigyan ko. Pano naman ako?






Ako na nga yung nawalan, ako pa yung mas mawawalan.






Gusto kong tumanggi pero wala akong ibang pagpipilian kundi umoo.







Katulad ngayon.







"Dito ka mag i-stay?"  Tanong ko sa kanya.







"Oo, dong. Nag usap na din kami ni mommy dito. At pumayag naman siya." Bigla naman akong nanlumo dahil don.








Mahal kita bilang kapatid ko drev pero hindi ko gustong makasama ka.







"Pero pwede ka naman maghanap ng ibang condo drev. Mayaman naman kayo pero bakit sakin ka mag i-stay?" Napaisip naman siya dahil don. Sana hindi siya dito tumuloy.







"Sige. Pero pwede bang dito muna ako mag stay habang wala pa akong nakikitang condo para sakin?" Umoo na lang ako dito bilang pag sang ayon.







Mas okay na yon, kesa dito siya mag stay literal.







"Kamusta kana Jaydee?" Tanong nito habang kumakain kami ng tanghalian.






"Mas sumarap ka magluto dong." Nakangiti pa ito habang kinocomplement ang luto ko.






Napangiti naman ako dahil dito.






"I'm doing well kuys." Mas ngumiti naman siya dahil sa tinawag ko sa kanya.







"Nga pala, yung best friend mong kababata mo, nakita mo na ba? matagal mo na yun hinahanap diba?"








"Nahanap ko na siya." Tinignan naman niya ako.







"Nahanap ko na si Amy at okay na kami."






Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now