Chapter 26

351 72 17
                                    







Sinubukan kong gawin ang makakaya ko para kalimutan ka, pero bakit sa bawat sulok ng pupuntahan ko ikaw ang naaalala ko sinta.


Ibang tao ang kasama ko pero imahe mo ang palagi kong nakikita.



Mahal kita, at sa bawat pahina ng aking talaan ay hindi maitatago ang pagmamahal ko sayo Amanda.


Ang bawat pahina na isinusulat ko para sayo ay ang bawat salita na hindi ko masabi sa iba.


Gusto kitang ipagmalaki habang sinasabing gusto kita, ngunit palagi ko ring naiisip na nasa kanya kana.


Aanhin ko ang maraming kaibigan kung ikaw lang naman yung inasam kong maging kasintahan.


Ilang pahina na ang nagagawa kong simbolo ng pagmamahal ko sayo ngunit patagal ng patagal nasasaktan ako.


Sa kadahilanang, hanggang dito na lang ba ako?
Hanggang sulat na lang sa talaan habang nakikita kang lumalayo sa akin papunta sa kawalan.


Patago na nga lang ba kitang mamahalin?


At hayaan na hindi ka mapasaakin?































Sana balang araw masabi ko din sa kanila na mahal kita. At sa pagkakataong yun, hindi na ako duwag para ipaglaban ka.












-Jaydee


















______
















Jaydee.






Halos mag iisang taon na ang nakalipas simula ng andito kami sa mansion.


Mas madalas na kaming magkasama ni Frances ngayon at nung mga nakaraang buwan pa para daw makita namin ang reaksyon ng nasa paligid namin lalo na ni Amanda.


Pero sa nakikita ko hindi naman nagbabago. Mas nagtatanong lang sila kung kami na ba ni Frances o hindi pa. Gustuhin ko man na sagutin sila na 'hindi magiging kami' pero umaasa din ako sa plano ni Pinlac.





Kaso huli na.





Hindi pa din naman nabawasan ang closeness namin ni Amy, mas naging close pa nga ata kami. Kung nasaan ako ay nandoon din siya, kung nasaan siya andoon din ako. Hindi lang naman kami nagkakasama pag si frances ang kailangan kong samahan.


Alam kong nagtatampo si Amanda dahil natatanggihan ko na siya pero sabi nga ni Frances, 'Paano ka hahanap hanapin niyan kung hindi ka hihiwalay sa kanya kahit saglit lang.'


Imposibleng magustuhan ako ni Amy, masyado yung straight. At ako? babae lang din ako katulad niya. Pero umaasa pa din ako na sana, kahit papaano mapansin niya ang nararamdaman ko.


Sa tuwing nakikita ko sila ni kuya, nagiguilty ako. May parte sa akin na gusto ko ng tigilan ang nararamdaman ko kay Amanda pero ang hirap hirap pa lang pigilan nito. Nastuck ako sa pakiramdam ng pagmamahal na hindi ko naman hiniling na maramdaman.





Ngunit dumating pa din ang kinatatakutan ko.





Sinama kami ni Kuya Drev sa isang lugar kung saan sobrang nakakabigay ng relax sa bawat isa. Sobrang napakagandang tanawin, sobrang nakaka kalmang paligid. Ngunit bakit tila iba ang pakiramdam ko? Kinakabahan ako.


Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now