Chapter 31

404 80 36
                                    




Sa ika-tatlumpu't isang pahina na naisulat ko tungkol sayo,
Hinahangad ko pa din ang salitang 'tayo'.




Sinong nagsabing ang sarap magmahal? kung ang nararamdaman ko ay puro sakit na lang.




Sa pilit kong paglayo sayo,
hindi ko maitatangging naging magaan sa pakiramdam ko ito.
Ngunit ng masilayan na naman kita
Ito na naman ako, umaasa.




Umaasa na baka pwede pa,
na baka kahit papaano may nararamdaman ka.
Pwede bang ipilit natin?
Pwede bang ako naman ang iyong mahalin?




Inaamin kong naging duwag ako, mas pinili kong iwasan ka dahil nasasaktan ako.




Masisisi mo ba ako? kung pinipilit kong limutin ang mga bagay na kamahal mahal sayo?  Gustuhin ko man na maging matapang para sayo, ngunit may mga laban
na mas mabuting takasan, mahal ko.




Pagbalik baliktadin man natin ang mundo, may tao ng nagmamay ari sayo.




At handa akong maging sandalan mo tuwing sasaktan kanya, dahil yun naman talaga ang karakter ko sa storya mo.




Hindi man ako ang naging bida sa storya nating dalawa, asahan mong patuloy ko pa din p-protektahan ang relasyon niyong dalawa sa magiging kontrabida.




Sayang, kasi akala ko pwede.
Akala ko kahit palihim akong naghihintay, makukuha kita. Pero mali pala.





















'Dahil sa gitna ng paghihintay ko sayo sinta, may nanalo na pala.'










-Jaydee












_____












Nilapag ni Jaydee ang kanyang diary pagtapos niyang magsulat.




Tinitignan niya ito at nag iisip siya kung patuloy pa din ba siyang magsusulat sa babaeng mahal niya o hindi na.




"Patawarin mo ako kung nahuli ako, mahal ko." Isa sa mga narinig ni Jaydee na sinabi ni Amanda na nagmula sa kwarto niya.




Agad agad naman itong tumakbo kung nasaan naroon si Amanda.




Kita niyang pawis na pawis at puro luha ang meron sa mukha nito.




'Binabangungot siya.'




"Pinigilan ko naman na mahalin ka pero pagtuwing naaalala ko kung sino ka, mas minamahal lang kita." Patuloy pa din ito sa pag iyak kaya dali dali na nitong ginising si Amanda.




Bahagya niya itong tinapik sa pisngi at pinunasan ang luha na umaagos sa mga mata nito.




"Amy." Tawag pa nito sa babaeng mahal niya. Onti onti naman minulat ni Amanda ang kanyang mata at nakita niyang nasa harap niya si Jaydee. Kaya mas napaiyak ito.




Nataranta naman si Jaydee, agad agad niya itong niyakap at tinapik ang likod.




"J-jaydee. Andi-dito ka."  Nginig ang boses na saad ni Amanda dahil sa pag iyak.




"Bali, tahan na." Humihikbi pa din si Amanda kaya mas naguguluhan ito.




Kakalas na sana si Jaydee sa pagkakayakap ngunit pinigilan siya ni Amanda.




Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now