Chapter 37

304 51 5
                                    







"Nakauwi kana pala." Bungad kay Jaydee na kakadating lang sa condo niya.





Nagulat naman si Jaydee dahil sa condo niya umuwi si Amanda kahit na ganon ang nangyare kanina.





Akala niya ay sa kaibigan niya matutulog si Amy.





"Dito ka po ba matutulog?" Tanong ni Jaydee sa babaeng seryoso pa din ang mukhang pinagmamasdan siya.





"Bakit? Dito mo ba dadalhin ang babae mo kaya nagtatanong ka? Saan ka ba galing, gabing gabi na Jaydee. Kanina pa tayo pinauwi, mas nauna pa ak–"





"Amanda, hindi ako nambababae okay? Kumal–"





"Kumalma?? Paano ako kakalma kung alam kong may plano kang iwan ako?" Natigilan naman ako kakasagot sa kanya dahil sa sinabi nito.




'Oo nga pala, natanong ko siya kanina.'





"Porket ba tinanong kita ng ganon, iiwan na agad kita? Amanda naman, ang tagal na natin pero mukhang wala ka padin tiwala sa akin."





Agad naman lumambot ang mukha niya at tinignan nito si Jaydee ng maamong mukha. Kita nitong biglang nawala ang galit sa mga mata niya.





"Amy. Nagtanong ako kasi akala ko sasabihin mo 'hindi yun mangyayare kasi hindi naman tayo maghihiwalay' o kaya 'mahal kita, hindi kita iiwan.' Akala ko yun yung maririnig ko sayo, pero bakit sinusumbatan mo na ako kesyo may babae ako o may plano akong iwan ka?" Tumalikod na si Jaydee kay Amanda ngunit nagsalita muna ito bago magpatuloy.




"Assurance yung gusto ko, Amy pero bakit pinaparamdam mo sakin na mangyayare ang iniisip at nararamdaman ko."




Naiwan naman si Amanda na natulala dahil sa sinabi ni Jaydee.





Punong puno ng pagtataka ang isip nito dahil sa nangyayare.





'Ano bang nagawa ko. Ba't hindi ko na naman siya inintindi. Acckkk palagi ko na lang siyang hindi iniintindi.' -Amanda





Nagkulong lang si Jaydee sa kwarto nila at mas piniling hindi na kumain ng hapunan. Sa kabilang banda naman si Amy ay malalim ang iniisip kung dadalhan ba niya ng pagkain ang nobya niya o hindi na.





Mas pinili ni Amanda na puntahan si Jaydee at kausapin ito.





Kita niyang nakahiga at nakatalikod sa kanya ang girlfriend niya at naglagay ng harang sa pagitan nila.




Ganyan kasi ang ginagawa ni Amy pag nag aaway sila. Hinaharangan niya ang pagitan nila kaya ngayon ay nasanay na si Jaydee. Siya na ngayon ang naglagay mismo nang harang na ikinalungkot naman ni Amanda.

















































Amanda.








Nakatalikod siya sa akin, at ramdam kong umiiyak ito dahil sa pag galaw ng balikat niya.





Nilapitan ko ito at tinanggal ang harang na nilagay niya. Niyakap ko ito at dun ko nakumpirma na umiiyak nga siya.





"Love, usap po tayo." bulong ko dito at huminahon naman ang pag iyak niya.





"Inaantok na ako Amy, bukas na lang tayo mag usap." Mas lalo pa nitong siniksik ang sarili niya sa kumot na nakataklob sa kanya. Pero hindi naman ako nagpatalo, mas sumiksik din ako sa kanya.





"Baby, sorry po. Bati na tayo mahal ko." Hindi pa din niya ako nililingon kaya gagawa ako ng paraan.





Pumunta ako kung saan siya nakaharap at pumatong ako sa kanya dahilan para mapatingin siya sa akin.





"Amanda! Ano na naman, matutulog na nga ako eh. Ang kulit kulit mo." Niyakap ko siya habang ganon pa din ang pwesto ko. Bigla naman tumahimik ang paligid at naramdaman ko na lang na nakayakap na din siya sa akin.




"Hindi ko kayang mawala ka, Jaydee. Natatakot akong sagutin ang mga naiisip mo kanina dahil ikaw na yung hanggang dulo ko, at ayokong mabago yon." Hindi ko na mapigilan ang luha ko na kaninang hapon ko pa pinipigilan.





Tila ang sakit sakit pag nawala sakin si Jaydee. Ngayon pa lang pag naiisip ko na, hindi ko kayang tanggapin. Paano ako pag nawala ang taong 'to.






'Lord siya lang po ang hiniling ko sa inyo, siya lang po ang gugustuhin kong hilingin sa inyo.'







'Kahit ito lang, kahit si Jaydee lang.'






"Mahal, hindi naman kita iiwan. Hinding hindi. Pero kung dumating man yung araw na yon sana bago ka sumuko, alamin mo muna ha? Alamin mo sana ang dahilan ko." Taka ko naman siyang tinignan ngunit umoo na lang sa sinabi niya.






"Sana kung dumating ang araw na yon, intindihin natin ang isa't isa." Dugtong ko pa sa sinabi niya.





"Sana maintindihan mo nga ako, Amanda." Ang lalalim ng mga binibitawan niyang salita ngunit hindi ko na lang ito pinansin at siniil siya ng halik.





"Mahal na mahal kita." Sabay naming sabi.






Ang alam ko lang, masaya ako pag siya ang minamahal ko.












Ayoko na lang matapos 'to.














Sana hindi na lang matapos 'to.
















________________________________________________________________________





Sobrang short lang talaga nito.

Next UD ko na kayo saktan hehe. Spoil ko lang kayo.




Good Morning! Take care!



-Jay

Heart of MemoriesWhere stories live. Discover now