Ilang buwan na ulit ang nakalipas noong huli ko siyang makita. Akala ko noon ay tuloy-tuloy ko na siyang makikita doon kaya lagi akong bumabalik sa daan kung saan ko siya huling nakita, nagbabakasakaling makita siya ulit.
March na ulit ngayon at makakapag graduate na ako ng college.
Masaya naming na i celebrate ang pasko at new year. We celebrated Christmas dito sa bahay namin, and we went to Singapore to celebrate new year. It was really fun. Malapit na rin ang election dahil sa darating na May na ito. Hindi na rin nag-away ang mga magulang ko tungkol doon, that's why I assumed na itinanggi na nila ang offer.
Ngayon ay ako lang ang nasa bahay kasama ang mga kasambahay at drivers dahil nasa America sila mommy for some event.
Kilala na rin sila sa iba't ibang bansa.
Even if my parents wanted to introduce me as their son, ako ang hindi pumapayag dahil ayaw ko ng atensiyon. They're always on the news. Minsan ay hindi ko na rin maintindihan kung mga artista ba sila o mga doktor.
Kaya ang alam lang ng mga tao ay may isang anak na lalaki ang sikat na mag-asawang doktor Delos Reyes.
Marami namang nagtatanong sa akin kung kaano-ano ko raw sila ngunit ang tanging isinasagot ko lang ay 'They're just my relatives.'
Hindi nagkulang ang parents ko sa akin. Kahit busy sila ay nagagawan pa rin nila ito ng paraan para bigyan ako ng oras.
Minsan ay lumalabas kami at pumupunta sa mga magagandang beach, nagka camping kami, sky diving, and other activities.
Minsan naman ay nasa bahay lang kami at nag mo-movie marathon at food trip. They're really doing their best para bigyan ng oras ang nag-iisa nilang anak.
My dad wanted me to have a girlfriend, ngunit kabaliktaran ni dad, tutol si mommy sa ideyang iyan.
Gustong-gusto ni dad na magka girlfriend na ako at dalhin ko ito sa bahay dahil in my entire life raw ay hindi ako nagdala ng kahit na sino man sa bahay.
Kahit na minsan ay gusto ko na rin, I don't think someone will like for I am a boring type of a person.
Wala pa rin naman akong nagustohan kaya okay lang ata 'yon. Hindi naman ako nagmamadali. I still have time.
But after remembering the girl, tipid akong napangiti.
"Siya nalang kaya ang gustohin ko?" I asked my self na ngayon ay nakaharap na sa salamin.
Sinampal ko ang sarili ng mahuling nakangiti pa rin ito. "Delikado ka na!"
Kinuha ko ang canvas and other art materials at idinala sa balcony. I also took the picture of her that I printed at idinikit ito sa table ko.
Gagayahin ko ito at kapag natapos na ay ikakabit ko ito sa wall na nasa harap ng bed ko.
Natawa ako sa sarili.
In denial pa ako, sabi ko ay hindi ko siya gusto. Ang plastic ko naman.
I sketched her and while sketching her, inalala ko ang unang beses na nagkita kami.
Nang mabangga niya ako ay gusto ko na sanang magalit dahil natapakan niya ang puting sapatos ko ngunit nang makita ko ang ma amo niyang mukha ay bigla ko nalang nakalimutan ang galit at agad ko siyang pinatawad.
Natawa ulit ako sa sarili.
Mahal yung puting sapatos mo hoy!
Naalala ko rin ang maganda niyang boses na humingi ng paumanhin sa akin.
'Are you okay?'
'I'm sorry, lutang kasi talaga ako. Pasensya na talaga.'
BINABASA MO ANG
Laurelle's Letter (Completed)
General Fiction--- Is it really possible to fall in love with a person you just met? ------