Chapter 17

13 6 0
                                    

---

Almost seven na ng umaga nang ako ay magising. Pagkababa ko ay tamang tama ring tinawag ako ni Solil para mag breakfast. Nasa harap na rin ng dining table si Laurelle at nginitian niya agad ako ng mag tama ang tingin namin.

"Good morning." she greeted.

Tumango lang ako bago umupo sa upuan na nasa harap ni Laurelle.

"What time ka naka-uwi kagabi Elle?" Solil asked habang kumakain.

Laurelle looked at me first before answering my cousin's question.

"Alas dos na ata ng madaling araw." she answered. "nagkasabay pa nga kami ni Lucas, e." dagdag niya pa. Tsss... funny.

"Oh..." binaling ni Solil ang tingin sa akin. "nasundo mo?"

I shook my head.

"Ba't ka nga pala basa kagabi? saan ka ba pumunta?" Laurelle asked. Agad akong nawalan ng ganang kumain dahil na-alala ko na naman ulit ang nangyari kagabi.

"Hinanap ka niya kagabi. Nang malaman niyang hindi ka pa naka-uwi, umalis siya ng bahay para hanapin ka." my cousin answered for me. Binigyan ko muna ng masamang tingin si Solil bago tumayo sa kina-uupuan ko para sana bumalik na sa kwarto ko ngunit nahuli ako ng mga mata ni Laurelle.

Laurelle looked at me with questioning eyes. "Akala ko kasi wala kang nakitang masasakyan pa uwi." I lied. I knew she's with someone.

"Hindi naman ako nagpasundo."

"Oo nga... may naghatid nga sa 'yo, diba?"

"It was just a friend." Laurelle said.

"Hindi ko naman tinatanong kung ka ano-ano mo 'yong lalaking 'yon." sagot ko sa kaniya. Hindi ko na rin alam kung bakit ganito ang ina-akto ko.

"But why are you mad?" she asked.

Ha? mukha ba akong galit? ako? magagalit? bakit? ano bang pakealam ko sa kanilang dalawa? kay Laurelle oo, meron, pero sa lalaking 'yon? tss...

"I'm not mad, Laurelle. Ang sa 'kin lang naman, sana sinabi mo sa akin o kahit kay Solil man lang na matatagalan ka ng pag-uwi nang hindi kami mag-alala." I said. "ni hindi nga namin alam na may kinikita kang lalaki, ni hindi ko nga kilala yung lalaking 'yon." I added.

Kumunot ang noo ni Laurelle. "Hindi masamang tao si Jeno, kung 'yan ang ini-isip mo. He is courting me, and he's a good friend. Don't worry, ipapakilala ko siya sa inyo." she said and smiled. "pasensya na sa nangyari kagabi. Akyat na muna ako, may work pa kasi ako e."

That's it... I finally got the reason why I'm acting weird. Natatakot akong baka tama nga ang ini-isip ko na may namamagitan sa kanilang dalawa ng lalaking 'yon... at tama nga ang hinala ko.

Ang saya naman.

Solil hugged me, I hugged her back and cried in her shoulders. Hindi pa nga nagsisimula, talo na agad ako.

Ang sabi ko, basta masaya si Laurelle, kahit sa ibang lalaki pa 'yan, tatanggapin ko. Pero bakit ganito? bakit masakit pa rin?

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon