Chapter 7

27 7 0
                                    

---

Magdamag ko siyang binantayan. She looked more beautiful with her resting face. Bagay sa kaniya ang mukha ng hindi namomroblema.

I immediately called Ate Lorna nang makabalik ako sa bahay. She was very confused after seeing our clothes that was covered with blood. Well...

I asked her to change Laurelle's clothes. Pinahiram ko sa kaniya ang oversized shirt ko at short. After cleaning Laurelle, Ate Lorna called me.

"Sir, matanong ko lang po, kung pwede lang naman. Sino po ang magandang babae?" I know she doesn't want to meddle with my things, she's just concerned.

"Mrs. Luna's daughter." tipid kong sagot. Nginitian niya lang ako at nagpaalam nang lalabhan raw muna niya ang damit ni Laurelle at ihahatid na lang raw ulit sa kwarto ni Laurelle, pagkatapos ay matutulog na raw muna siya sa dati niyang kwarto at bukas nalang daw siya uuwi.

I thanked her and gave her a few amount of money pangdagdag sa bayad ko dahil sa pang-aabala ko sa kaniya.

Niyakap ko si Moymoy at sabay naming pinagmasdan ang natutulog na Laurelle.

Namamaga pa rin ang mga sugat nito ngunit na linis na ito ni Ate Lorna kanina.

Ate Lorna doesn't have any idea that I was also about to end my life.

Hindi ko na sana alam kung nasaan na ako ngayon kung hindi ko narinig ang mga iyak ni Laurelle.

Laurelle saved me.

Nang naramdaman ko na ang antok ay lumabas na kami ni Moymoy sa kwartong tinutuluyan ni Laurelle at pumunta na sa kwarto ko.

Agad akong nakatulog after I took a bath. I was just too tired.

Maaga akong nagising kinaumagahan dahil sa alarm.

After praying ay bumaba na agad ako para ihanda ang umagahan naming tatlo nila Ate Lorna at Laurelle.

Nagising na si Ate Lorna kaya si Laurelle na lang ang hinihintay naming magising.

Humingi pa ng pasensya si ate dahil hindi daw siya nakapaghanda ng agahan namin. Nginitian ko lang ito at sinabihang okay lang dahil ako naman ang naka-abala sa kaniya kagabi.

Mahigit kalahating oras pa kaming naghintay nang marinig ko na ang tahol ni Moymoy at ang pagbaba ni Laurelle sa hagdan.

She was already wearing her pants na nilabhan ni Ate Lorna kagabi at suot niya parin ang tee-shirt ko.

Ate Lorna and I looked at her.

Tiningnan niya kami at tinipid na nginitian.

"Sorry for bothering you, uuwi na muna ako at isasauli ko nalang tong damit mo pagkatapos kong labhan. Salamat." sabi niya at maglalakad na sana ng tinawag siya ni Ate Lorna.

"Hija, kain ka muna, pinaghanda ka ng pagkain ni sir." Ate Lorna said at mahinang sinipa ang paa ko sa ilalim ng mesa. I didn't know Ate Lorna can be this slightly aggressive.

"Okay lang po, busog pa po ako." she said without looking at me.

Paano niya nasabing busog siya kung hinang hina siya kagabi?

"You won't be leaving this house nang hindi pa maayos ang mga 'yan." I said and looked at her wrist. "May batas kami sa bahay namin na hindi ka makaka-alis dito ng wala kang kain." dagdag ko pa. Kumunot ng bahagya ang noo niya at yumuko.

Nagulat din ako sa inasal ko. Hindi ko rin sinasadyang mag tunog galit... at wala rin kaming rules rules dito.

"Come, eat." I said at nilambingan ang boses para hindi ko siya matakot.

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon