Chapter 4

38 12 0
                                    


Wala akong ginawa buong linggo kundi ang mag-aral. I badly want to pass the exam. Ilang libro na ang nabasa ko ngunit alam kong kulang pa din ito kaya inulit ulit ko.

Lagi kong tinitingnan ang litrato ng babae. Hindi ko alam pero parang nasanay na akong tingnan ito, sa pag gising ko sa umaga at bago ako matulog sa gabi.

I wanted to hear her voice again, I wanted to see her face.

Umupo sa tabi ko ang aso ko kaya kinuha ko ito.

"Do you want to sleep on my lap? hmm?" I asked the dog.

Natawa ako ng ipinikit niya agad ang mata niya. Cute. Ang aso ko ang pinakatamad sa lahat. Ilang minuto ko lang siyang nakikitang naglalaro dahil lagi itong natutulog.

Tinigil ko muna ang pagbabasa. Kinarga ko ang aso at inilagay ito sa kama para mas komportable ito sa kaniyang pagtulog. Tinabihan ko naman ito at hindi ko namalayang nakatulog na din pala ako.

Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang mga kagat ni Moymoy sa pajama ko.

"Ahhh! this dog." bumangon ako at kinuha siya. "are you hungry? you want food? ang kulit mo naman." I said ng hindi ito matigil sa kaka-
kagat ng damit ko.

"Alien ka ba?" natatawang tanong ko. "hindi naman pagkain 'yang damit ko."

Nang makababa kami ay sinalubong agad kami ng mga magulang kong kakauwi lang. Binati lang nila ako at umakyat na agad sila sa kwarto nila.

They went home earlier than expected.

Napansin ko din na may nagbago na sa kanila. Kung noong una ay nagyayaya pa ito para kumain sa labas kapag maaga silang nakauwi, ngayon ay ni kahit sa labas lang ng bahay ay hindi na nila magawa.

Akala ko ay baka pagod lang talaga sila o dikaya ay busy lang but I doubt it cause the uneasiness in their faces are very visible.

Nang minsa'y maabutan ko si mommy na nakatulala habang nakatingin sa malaking frame ng family picture namin ay walang pasabi ko siyang niyakap. She scolded me and told me not to do it again.

Hindi naman ganyan ang reaksiyon niya noon. Before, we'll both laugh kapag ginugulat ko siya, pabiro niya akong susuntukin at tatanungin niya ako kung anong trip ko, unlike now.

Araw pa lang naman ang nakalipas magmula noong bumisita ako sa hospital, maayos pa naman kami, wala naman akong ginawang iba na ikakagalit nila.

Sa mga sumusunod na araw ay mas lalo lang silang naging balisa at hindi ko maintindihan kung bakit.

Minsan ay hindi sila pumapasok sa trabaho at nagdududa na ako dahil hindi ugali ng mga magulang ko ang hindi pumasok sa trabaho.

I wanted to confront them dahil hindi ko na talaga maintindihan. Ni oras nga ay hindi na nila ako mabigyan.

Everytime I ask something na hindi ko maintindihan sa binabasa ko ay sasabihan lang nila ako na huwag ko muna silang kausapin dahil busy sila but I see no trace of busyness in them dahil lagi lang silang nakatulala.

Napansin ko rin ang hindi ka-aya ayang behavior ng mommy ko dahil pinapagalitan na niya ang kasambahay namin na hindi naman niya ginagawa noon.

Ako nalang ang humihingi ng pasensya sa kanila at sinasabihang intindihin nalang muna si mommy dahil baka may bumabagabag lang talaga sa isip nito.

Dad also hired four men as their body guards.

"Dad, is there something wrong?" I asked nang minsa'y maabutan ko siya sa baba.

"Wala naman." he said refusing to look me in the eyes.

"You can tell me about the things that bothers you." I told him. Convincing him to also share their problems to me. We're family afterall.

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon