May na ngayon at sa susunod na linggo na ang exam. Araw-araw akong nag-aaral at ipinagdadasal ko sa may taas na sana ay makapasa ako.Matapos ang libing ni Mrs. Luna ay ipinaghanap namin ang anak niya ngunit hindi talaga ito nagpakita kaya nag-aalala na din ako.
Alam niya na kaya?
Malapit na rin ang eleksiyon at okay na rin ang kalaban ng dating mayor. Kumpara sa dating mayor ay mas mabait ito at halatang sa kaniya botong boto ang mga tao.
Hindi tinanggap ng magulang ko ang offer ng dating mayor.
Tss, kaya gusto niyang mamatay ang kalaban niya para siya ang manalo. Corrupt nga naman.
Mas kapansin kapansin na lalo ang pagkabalisa ng mga magulang ko, noong una ay nagtataka pa ako kung bakit pero ngayon ay sigurado na akong may kinalaman ang eleksiyon dito.
Palagi kong tinatanong si dad kung anong bumabagabag sa kanila pero hindi niya ako sinasagot at sinasabihan lang ako na mag focus na lang daw muna ako sa pag-aaral at huwag ko na silang alalahanin.
Natapos na ang eleksyon at hindi na nanalo ang dating Mayor. Ipinagpasalamat ko naman ito sa may itaas dahil hindi na isang corrupt na mayor ang uupo sa pwesto.
Binisita ako nina mommy at daddy sa kwarto ko noong gabi bago ang exam at sinabihan nila ako kung gaano nila ako ka mahal. I also told them how much I love them and how grateful I am for having them as my parents.
Ito ang pinakamasayang gabi para sa akin dahil naramdaman ko ulit ang pagmamahal nila.
At nang dumating na ang araw ng exam kinaumagahan ay nagising na lang ako ng wala na ang mga magulang ko sa bahay.
Tinanong ko ang mga kasambahay namin at ang mga drivers kung saan pumunta ang mga magulang ko ngunit ang sagot nila ay hindi rin daw nila alam.
Hindi ako mapakali dahil hindi naman umaalis ang mga magulang ko ng walang paalam.
Tinawagan ko ang isang kaibigan ng magulang ko na nag ta-trabaho sa hospital kung saan din nagta-trabaho ang mga magulang ko at tinanong ko siya kung pumasok na ba sina mommy, nanlumo ako sa sagot niya nang sabihin niyang ilang linggo na raw hindi pumapasok ang mga magulang ko at nagtataka na rin daw sila.
Ilang minuto na lang ay male-late na ako kaya kahit kabang-kaba na ako sa mga nangyayari ay nag-ayos pa din ako para makahabol ako sa exam.
Sakto namang pagdating ko ay magsisimula na agad ang exam.
I thank the heavens dahil nakaabot pa ako.
Kabang kaba ako para sa mga magulang ko at dinagdagan pa ito ng kaba ko para sa exam.
Hindi ko na alam kung makakapag concentrate pa ba ako sa exam dahil lagi kong na-iisip ang mga magulang ko. Ni ang mga tanong sa questionnaire na alam kong nabasa ko na sa mga libro ay hindi ko na maalala dahil blanko na talaga ang isip ko.
Nang matapos ang exam ay nanlumo ako dahil alam kong hindi ko ito nasagutan ng maayos. Gusto kong umiyak dahil nag-aalala na ako para sa mga magulang ko at nag-aalala din ako para sa akin dahil baka hindi ko naipasa ang exam but still I composed my self.
Nang makauwi ako ay wala pa rin ang mga magulang ko sa bahay at hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko.
I tried calling them many times ngunit ni isang sagot ay wala akong natanggap.
Tinanong ko ang mga kasambahay namin kung umuwi na ba ang mga magulang ko ngunit ang sabi nila ay wala raw.
Wala silang dala ni isang sasakyan dahil nasa garage ang tatlo.
BINABASA MO ANG
Laurelle's Letter (Completed)
General Fiction--- Is it really possible to fall in love with a person you just met? ------