Chapter 6

26 10 0
                                    

Trigger warning: Self-harm, suicide

After my parents burial, isa-isa namang nag paalam ang mga kasambahay namin at mga drivers.

At ngayon ang pang huling araw ng huling kasambahay na aalis.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Mag-iingat po kayo lagi sir." sabi nito at tiningnan ako gamit ang mga malulungkot na mata nito.

I never thought this day would come.

"Kumain po kayo sa tamang oras, uminom po kayo lagi ng tubig, maging masaya po kayo, kailangan niyo po 'yon, matutuwa po sila sir at ma'am." she said, her eyes started to water.

Hindi ko siya sinagot dahil wala na talaga akong lakas para salubungin pa ang kalungkutan.

"Nalabhan ko na rin po ang ibang mga damit niyo at may mga stocks na rin po kayo ng mga pagkain diyan. Pasensya na po talaga't kailangan ko na po kayong iwan, pinapauwi na po kasi ako ng asawa ko. Tawagan niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo. Aalis na po ako sir dahil baka hindi ko na po maabutan ang huling trip ng bus." sabi niya bago bitawan ang pagyakap niya sa akin. "salamat po sa ilang taon, mag-iingat po kayo, paalam po."

"Thank you." that was the only thing I said. She smiled and turned her back and finally walked away.

Tinanaw ko ang paglakad niya papalayo sa bahay namin.

Napa upo ako sa tapat ng gate at dahan dahang tumulo ang mga luha ko.

I looked at our very big house.

I never thought this day would come. I never thought I could be this broken hearted.

Lumaki akong nasanay na maraming nakapaligid sa akin. Lumaki akong naka depende sa mga magulang ko. Lumaki akong nasanay na may mga kasambahay kaming nag-aalaga sa akin. Na sa tuwing gigising ako ay nakahanda na lagi ang pagkain ko at may nakakausap pa ako.

But now...

In this huge house, I was left alone.

Ang mga masasayang araw na inakala kong hindi matatapos ay natapos na nga ngayon.

Sa bawat sulok ng bahay, naaalala ko ang lahat ng mga ala-ala ko kasama ang mga magulang ko't mga kasambahay namin.

"K-Kung alam ko lang na hindi na pala ma-uulit ang lahat ng 'yon, sana pala sinulit ko na." I whispered.

Akala ko kasi, lagi ko itong matatanggap, na kahit anong oras ko man gustuhin, nasa malapit lang ang mga magulang ko at pwede nila akong sabihan kung gaano nila ako kamahal.

But I was wrong... I was very wrong.

I was devastated. Araw-araw at gabi gabi nalang akong umiiyak.

Mas sumasakit lang ang puso ko sa bawat araw na lumilipas.

Mrs. Luna died, I didn't passed the exam, my parents died, and now, I was left all alone.

Bakit naman ganito ka sakit?

Now, I don't know how to start living again. I couldn't even eat.

Looking at our mirror, I saw my very thin body, I lose weight. I saw the very visible dark circles on my eyes, my pale lips, and my sad eyes.

Gusto kong umiyak ngayon pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko.

I feel so sorry for myself.

My nineteenth birthday is coming, and I have no one to celebrate with.

Araw-araw akong bumibisita sa silid ng mga magulang ko.

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon