Chapter 10

18 6 0
                                    

---

"This is your room, 'yang nasa tabi ng kwarto mo ay kwarto ko, just knock on my door if you need anything." I said nang makarating kami sa harap ng kwarto niyang ni rentahan.

"Huh? pwede namang isang kwarto lang, sanay naman akong matulog sa sahig, doble gastos pa, pareho pa tayong walang trabaho." she said at nag alinlangan pang pumasok.

"Don't worry about it." I said and smiled at her.

Nag alinlangan pa siya kaya tumango lang ako, ilang sandali pa ay tumango na rin ito. "Thank you." sabi niya at pumasok na sa kwarto niya habang dala-dala si Moymoy, tumango lang ako at dumiretso na rin sa kwarto ko.

Ang swerteng aso naman ni Moymoy.

Inayos ko lang ang mga gamit ko at humiga ng ilang minuto bago nag desisyong lumabas ng kwarto.

Nag ring ang phone kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. I answered the call nang makita ang header ng pinsan ko.

Nakangiting mukha niya agad ang bumungad sa'kin kaya napangiti nalang din ako.

"How's the place? did your girlfriend like it?" she asked.

Nabigla ako sa tanong niya at agad na lumingon sa paligid sinisiguradong walang nakarinig.

"Gago ka! kaibigan ko nga lang 'yon." sagot ko dito. Humagalpak lang 'to ng tawa sa kabilang linya.

"Asus! kinilig ka naman!" she teased me. "ano nga? nagustuhan niya ba?" she asked again.

"Maybe, do you want to talk to her? she's in her room now... with my dog. With my lucky dog." ibinulong ko nalang ang huling mga salita ngunit hindi pa rin ito nakatakas sa tenga ng pinsan ko.

"Tss, really? nagseselos ka sa aso mo?" she asked and laughed. Kitang kita ko pa ang pamumula ng mukha nito dahil sa kakatawa.

"Crazy Solil!"

"Wait wait... I want to talk to her."

Napangiti ako sa tuwa nang sabihin niyang gusto niyang kausapin si Laurelle. I want her to be my cousin's friend para hindi na siya malungkot. My cousin is very talkative and I think they share the same interests.

I knocked on Laurelle's door at nang buksan niya ang pintuan ng kwarto niya ay naabutan ko siyang kinakarga ang natutulog kong Moymoy habang kinakantahan ito.

Oh God... she's lovely as flowers.

Nakita rin ito ng pinsan ko dahil kay Laurelle ko itinutok ang camera ng cellphone ko.

"Oh my God... is that your friend?" my cousin whispered.

Ilang segundo lang ang lumipas at sumigaw na agad ang pinsan ko sa kabilang linya. Sa kapal ng mukha ni Solil ay hindi na siya nag aksaya pa ng ilang minuto at binati na agad si Laurelle.

"Oh hi! you're my cousin's friend? you're so pretty! do you like the place? I heard you do!" napaawang ang bibig ni Laurelle sa sunod sunod na tanong ni Solil. Confusion is written in her pretty face kaya nginitian ko nalang ito.

Laurelle's Letter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon